Hearts in Trouble 3

9 0 0
                                    

CHAPTER THREE

-Nelyn Lou's POV-

Hindi na siya nagpalit ng damit.Pagkapasok na pagkapasok niya sa loob ng kuwarto niya ay initsa lang niya sa kama ang kanyang bag at tinawagan si Marie. Dati niyang kaklase noong college si Marie na paminsan minsan ay kinokontak niya tuwing nais niyang makakuha ng impormasyon tungkol sa isang tao.

"Hello Marie." bungad niya dito.

"Bruha ka. Tagal mong di nagparamdam ah?" sagot nito sa kabilang linya.

"Im just busy these past few weeks." aniya dito. "Ahm, Marie can you do a little favor for me?" deretsahang tanong niya dito.

"Basta ikaw friend walang problema." mabilis nitong sagot sa kanya.

"Can you give me any information about this certain person named Lorren Lim?" prangka niyang tanong dito.

"Oh, sure. Ikaw pa Nelyn Lou alam mo namang malakas ka sakin eh." anitong tumawa pa ng malakas. "Just give me three days to compile all the necessary information about this girl." paniniguro pa nito sa kanya.

Napangiti siya. "Maaasahan ka talaga Marie." puri niya rito. "Give my regards to Peter. And give my kiss for Joshua." aniyang ang tinutukoy ay ang asawa nito at anak na inaaanak naman niya.

"I will."

"Thanks Marie. Bye."

Napangiti siya. Talagang maaasahan niya si Marie sa mga ganitong pagkakataon. At alam niyang hindi siya mapaghihindian nito dahil maraming beses na rin niya itong natulungan pinansyal. Hindi naman kasi ganun kariwasa ang pamumuhay ng pamilya ni Marie kaya tuwing nagigipit ito ay sa kanya ito tumatakbo. Asawa lang kasi nito ang nagtatrabaho samantang ito ay nasa bahay lang at nag-aalaga ng anak ng mga ito kaya laking tuwa nito nang bigyan niya ito ng trabaho na hindi nito kailangang nasa labas 8 hours a day. Alam niyang maasahan niya si Marie dahil maliban sa computer genius ito ay naging private secretary ito ng isang gobernador bago nagpakasal kay Peter at sapat na iyon para makapag-establish ito ng malawak na koneksyon sa sosyedad.

Napatutok ang mga mata niya sa diyaryong kinuha niya kanina sa opisina ng Knights.

Naka-front page doon ang balita tungkol sa pagkamatay ng isang engineer kahapon.

Kakauwi lang ng engineer na iyon galing trabaho at hindi pa ito nakakababa ng sasakayan nito nang may pumana dito sa dibdib. Patay na ang biktima nang malabasan ng ina nito.

Mula sa kanyang bag ay kinuha niya ang dalawa pang dyaryo na may naka-headline tungkol sa pagkamatay ng dalawang pang lalaki.

Palihim na kinuha niya iyon kanina sa folder ni Jarem.

Pinagtabi niya ang tatlong dyaryo. Pare-parehong naka-headline doon ang pagkamatay ng tatlong lalaki sa iba't ibang petsa at lugar. Ngunit pare-pareho silang namatay sa tama ng pana sa dibdib.

Unang namatay si Louie Montaño, may-ari ng isang tindahan ng construction supply.

Ang ikalawang biktima ay si Ariston Del Mundo, isang motor parts dealer.

At ang huling biktima ay si Frederick Suriaga, isang engineer sa ginagawang additional classroom buildings ng Good Samaritan Academy.

Lahat sila ay namatay sa tama ng pana sa kanilang mga dibdib.

Pero sino si Lorren Lim? At ano ang koneksyon ng babaeng ito sa tatlong biktima?

Iyon ang kailangan niyang alamin.

Hearts in Trouble (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon