Hearts in Trouble 7

6 0 0
                                    

CHAPTER SEVEN

-Jarem's POV-

Dinala niya si Lorren sa Bondoc's dahil alam niyang mag-e-enjoy ito doon at kahit sandali ay makakalimutan nito ang problema nito. Nasa hindi kataasang bundok kasi naroroon ang paborito niyang bar and restaurant na iyon.

Mula sa taas ay matatanaw mo ang buong bayan.

Mas maganda iyong tingnan sa gabi dahil kitang-kita mula roon ang kumukutitap na mga ilaw mula sa mga establisyemento at mga bahayan sa baba.

"Ang ganda nga dito." buong paghangang inilibot nito ang paningin.

Gawa sa mga native materials ang halos lahat ng makikita sa loob ng resto bar na iyon. Ultimo lalagyan ng table napkin at ashtray ay native.

Sumubo uli siya ng sisig nang mapansin niya ang babaeng dalawang kamay na kumakaway sa kanya mula sa bar counter.

Nagkandasamid siya nang makilala kung sino iyon.

Anong ginagawa ng babaeng ito dito? Piping bulong niya sa isip.

Napansin rin ito ni Lorren. "Jarem, mukhang ikaw ang kinakawayan nung babaeng nasa counter, o." anito sabay kalabit sakin at itinuro ang kinaroroonan ni Nelyn Lou.

Wala akong magawa kundi tingnan ang babaeng ngayon ay papalapit na sa amin.

Kay lapad ng ngiti nito sa kanila na para bang naka-jackpot sa lotto.

"Hey, best, andito ka pala di ka man lang nagpasabi." sabi nito nang makalapit. Kinindatan pa siya nito bago umupo sa bakanteng silya sa kaliwa niya kahit hindi niya iniimbitahang maupo. Ang kapal talaga ng mukha ng babaeng to. At lalong hindi niya alam kung anong kalokohan na naman ang nasa isip nito nang mga sandaling iyon.

"Ah, eh..." parang gusto niyang sapakin ang sarili. Bakit ba tuwing kasama niya ang babaeng to ay nauumid ang dila niya at di siya makapag-isip ng maayos?

"Oh, I'm sorry. May kasama ka palang magandang dilag." sabi nito na kunwari ay noon lamang napansin ang kasama niya. Binalingan nito si Lorren at nagpakilala sabay lahad ng kanang kamay nito dito. "Hi. I'm Nelyn Lou. Jarem's bestfriend."

Huh? Ano daw? Kami mag-bestfriend? Kelan pa?

Ngumiti si Lorren dito at tinanggap ang kamay nito. "Ah, ganun ba? I'm Lorren. Jarem's..." napatigil ito sa pagpapakilala at napatingin sa kanya.

"Friend." dugtong ko sa sinabi niya.

Ngumiti ito sa kanya ng matamis bago muling bumaling kay Nelyn Lou. "Yes. We're friends."

"Ay talaga? Eh, di, tatlo na tayong bestfriends ngayon? Yehey! Ang saya naman." parang tangang pumalakpak pa ito. Ang plastik talaga ng babaeng to kahit kelan.

Maya-maya pa ay may naisip siya para asarin ito. "Kumusta na yung pagpunta mo kay Belo best?" tanong ko sa kanya.

Napakunut-noong tumingin siya sakin. Tanging, "huh?" lamang ang naisagot nito sa kanya. Parang gusto niyang gumiling sa kakatawa sa nakikita niyang puzzled look nito.

"Di ba sabi mo ipapagawa mo yang ilong mo tsaka yang ano mo?" sabi sabay nguso sa dibdib niya.

Napahawak ito sa dibdib habang nakanganga ang bibig. "Ah. Nagbago ang isip ko best. Tsaka naisip ko hindi naman ganun kaliit tong future ko para ipa-enhance ko pa. Mas pangit namang tingnan yung mga babaeng sinlaki ng globe ang future. Buti nga tong sakin katamtaman lang, di ba Lorren?." sabi nitong nakangiti pang bumaling kay Lorren. "Siya nga pala best, nagkita pala kami ni doc Maniba kelan lang. Sabihin ko daw sayo na sa Amerika ka na daw magpa-enlarge niyang kuwan mo para sigurado." dugtong pa nito sabay nguso sa ano niya.

Napaubo tuloy siya ng wala sa oras.

Mabilis naman siyang inabutan ng tubig ni Loren at hinagod sa likod.

"By the way, guys, do you want to come with me?" parang walang nangyari na tanong ni Nelyn Lou sa kanila.

Napatingin siya dito. Ano na naman kaya ang bagong pakulo nito?

Nagpalinga-linga pa ito sa paligid na parang tinitiyak na walang ibang makakarinig ng sasabihin nito. "I am going to see a fortune teller." sabi nitong sadyang hininaan ang boses.

Napangiwi siya. Akala niya ay kung ano na ang pupuntahan nito.

Nakita niyang nanlaki ang mga nata ni Lorren. Ibig sabihin ay naniniwala ito sa sinasabi ni Nelyn Lou.

"Do you want to come with me Lorren?" binalingan ito ni Nelyn Lou at tinanong.

Alanganin itong tumango. Parang gusto nitong sumama pero nag-aalinlangan ito.

"Don't worry kasama naman natin doon si Jarem." pambobola pa nito kay Lorren. "Di ba best?" baling nito sa kanya.

"Ha? Ah...oo. Sasamahan ko kayo." Wala na akong ibang choice kundi ang pumayag.

"Yes!"kulang na lamang ay magtatalon ito sa tuwa dahil lang sa pagpayag niya. Para talaga itong bata magkaminsan. Pero pag nagsusungit daig pa ang nagme-menopause.

"So, lets go?" anitong nauna ng tumayo. Sunod na tumayo si Lorren kaya napilitan na rn siyang tumayo at sumunod sa mga ito matapos mag-iwan ng pera sa ibabaw ng mesa.

Ano na naman kaya iniluluto ng babaeng yun? May pahula-hula pa itong nalalaman.

Ngayong sinimulan na nito ang pambubulabog sa kanyang misyon ay kakailanganin niya itong sabayan. Sabi nga nila, if you can't beat them join them.

Hearts in Trouble (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon