Hearts in Trouble 15

1 0 0
                                    

CHAPTER FIFTEEN

Nagising siyang tila may mabigat na bagay na nakadagan sa kanya at tila may mainit-init ding bagay na nakadikit sa mga labi niya. Iginalaw niya ang mga labi nang gumalaw ang mainit-init na bagay na iyon na medyo mamasa-masa rin.

Napangiti siya habang nakapikit pa rin. Kay sarap namang damhin ang malambot at mainit-init na mga labing humahalik sa mga labi niya. Para siyang idinuduyan sa alapaap.

Pero sandali. Teka lang. Labi? Halik?

Idinilat niya ang mga mata. Napamulagat siya nang makita ang pagmumukha ng lalaking parrot na labis niyang kinaiinisan sa buong universe. Nakadikit ang mukha nito sa mukha niya habang nakadantay ang isang kamay at paa nito sa kanya. In short, nakayakap ito sa kanya habang hinahalikan siya.

"Aaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhh..." sigaw niyang pagkalakas-lakas na kulang na lamang ay mapunit ang bibig niya hanggang ngala-ngala.

Napabalikwas ng bangon ang lalaking katabi.

Hubad baro ito at naka-boxer shorts lang naman.

"Asan? Asan ang mga kalaban?" anitong parang tangang umikot-ikot sa loob ng kwarto.

Naglakbay sa katawan nito ang mga mata niya. Oh, my gulay! Abs pa lang ulam na.

Ba't parang ang sexy naman ng katawan ng lalaking parrot na to? Hindi niya mapigilang magkasala.

Hindi niya napigilang tumulo ang laway niya. Kasalanan ng lalaking kaharap na ngayon ay nakatingin na sa kanya. Ba't kasi sobrang hot naman nito.

"Laway mo kokak." nakangising tukso nito sa kanya.

Pasimple naman niyang pinahid ang laway niyang bahagyang namintana sa gilid ng mga labi niya. "Hoy, parrot! Ang bastos mo talaga. Alam mong may babae kang kasama sa kwarto ba't ka nakahubad-baro matulog?" sigaw niya dito pagkatapos.

"Hindi ako bastos kokak. Ganito talaga ako matulog kasi presko. Masyado lang madumi yang utak mo," sagot nito na parang nagmamalaki pa.

Aba't tarantado to ah.

Hinablot niya ang kumot sa kama at initsa dito. "Takpan mo nga yan. Baka dapuan ka ng mikrobyo maimpeksiyon pa yang pututoy mo," singhal niya dito sabay talikod.

Bumaba siya sa kusina at naghalungkat ng pwedeng lutuin. Nagugutom na siya. Alas diyes na kasi ng umaga at hindi pa sila nag-aagahan.

"Wala kang makikitang makakain diyan. Hindi ako nagpapa-stock ng pagkain dito kasi minsan sa isa o dalawang taon lang ako kung magpunta dito. Expire na ang mga stocks na can goods bago pa man ako dumating." Nilingon niya si Jarem. Nakasuot na ito ng malaki at maluwang na damit ngunit naka-boxer shorts pa rin ito sa ilalim.

"Kung gayon ganito na lang tayo dito? Aantayin na lang nating mamatay tayo sa gutom dito?" gigil na sagot niya dito. Ganito talaga siya pag gutom. Parang leon kung umangil. Lalo na kung may masarap na nakahain sa harap niya ngunit hindi niya pwedeng kainin.

"Magbihis ka. Bababa tayo ng bayan," utos nitong hindi pinansin ang pang-gigigil niya.

Hindi na siya sumagot dito. Nagbihis na lang siya. Isinuot niyang muli ang damit na suot nang nagdaang araw. Wala naman kasi siyang choice. Mas mabuti na ito kesa dun sa bestidang pangmatanda na isinuot niya kagabi.

Pagdating sa bayan ay una silang pumasok sa isang boutique.

Nauna itong pumasok habang nakasunod siya sa likuran nito.

"Jarem! How are you? Tagal mong hindi nakapagbakasyon dito ah? I miss you!" Sinalubong dito ng isang babae. May-ari yata ng boutique na iyon. Napaangat ang isang kilay niya nang yakapin ito at i-beso-beso pa ng babae.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 15, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hearts in Trouble (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon