CHAPTER FORTEEN
Hingal-kabayo silang pareho ni Nelyn Lou nang makarating sa tuktok ng burol kung saan nakatirik ang isang di kalakihang bahay na gawa sa kawayan at pawid na bubong.
Dito unang tumira ang pamilya niya na parehong estranghero din sa lugar na iyon.
Nag-iisang anak lamang siya ng mga ito.
Dating guro sa lugar na iyon ang itay niya habang ang inay naman niya ay tindera sa palengke.
Nang maka-graduate siya ng elementarya ay ipinasya ng mga magulang niyang makipagsapalaran sa Maynila.
Nang makatapos siya at makapagtrabaho ay ipinaayos niya ang bahay na iyon at kinontrata ang kaibigan niyang si Boyong at ang asawa nito na maging caretaker.
Dalawang beses sa isang linggo kung maglinis ang mag-asawa doon.
Hindi niya iyon pinalakihan at ipinasemento kahit kaya naman niya dahil nais niyang i-preserve ang alaala ng mga yumao na niyang mga magulang sa bahay na iyon.
Nakakandado ang harapang pintuan ng bahay at hindi sila makapasok.
Nilapitan niya si Nelyn Lou at tiningnan.
Dinuro siya nito. "Hoy, lalaking parrot! Anong balak mo ha? Hahalikan mo uli ako? Sige subukan mo at ng iukit ko sa mukha mo ang buong mapa ng Pilipinas."
Pinitik niya ito sa noo. "Arayyy!" anas nito sa sakit ng pagkakapitik niya.
"Gising! Binabangungot ka Nelyn Lou." aniya sabay haklit ng hairpin sa buhok nito.
Umakyat siya sa hagdan at hinarap ang nakakandadong pinto at sinimulang kalikutin.
"Klik!" tunog na nilikha ng nabuksang kandado. Napangiti siya.
Nilingon niya si Nelyn Lou na noo'y magkasalubong ang mga kilay habang nagkakandahaba ang nguso.
Aba! Nanghihingi pa yata ito ng isa pang round na kissing scene nila ah.
Nagpatiuna na siyang pumasok sa bahay.
Nang lingunin niya ito ay hindi pa rin ito sumusunod sa kanya.
"Sige tumunganga ka pa dyan at antaying dagitin ka ng kubot. Marami niyan dito." sigaw niya dito matapos ilapag sa mesa ang mga pagkaing binili niya sa nadaanan nilang restaurant kanina.
Napatawa siya nang hintatakot na nagmamadaling umakyat ito ng bahay.
Matapos kumain at hugasan ang pinagkainan nila ay nauna na itong naglakad papasok sa kwarto.
Akmang isasara na nito ang pinto nang itulak niya ito.
Pumasok siya sa loob ng kwarto nang walang paalam.
"Hoy, lalaking parrot wala ako sa mood makipag-away sayo. Pagod ako at gusto ko ng pagpahinga." angil nito sa kanya.
"Pareho lang tayong pagod kokak at gusto ko na ring magpahinga." aniya.
Tuluy-tuloy siyang naupo sa gilid ng kama. Inamoy-amoy ito. Mabango pa ang bed sheet niyon. Amoy downy. Ibig sabihin kakalinis lang ng mag-asawang Boyong ng bahay at kakapalit lang nila ng bed sheet sa kama. Dalawang beses sa isang linggo kasi ang usapan nilang paglilinis ng mag-asawa doon.
Tamang-tama at pagod na pagod na talaga siya.
Hinubad niya ang T-shirt at ibinagsak ang katawan sa kama habang ang mga binti niya ay nakalawit.
"No way!"
"Yes way!" pang-aasar niya dito.
Padabog na lumapit ito sa kama. Wala naman kasi itong choice dahil iyon lang ang kama sa nag-iisang kwarto sa bahay na iyon.
"Malaki naman ang kama kokak kaya wag ka ng mag-in-arte dyan." tinatamad na sagot niya dito.
"Hindi ako nag-i-in-arte lalaking parrot. Ang gusto ko lang privacy. P-R-I-V-A-C-Y. Privacy!" At ini-spell pa talaga nito ang salitang privacy.
"Kung gusto mo talaga ng privacy kokak dun ka sa sala matulog," walang pakialam na sagot niya dito, saka pumikit.
Nelyn's POV
Naikuyom niya ang mga kamay. Alam na alam talaga ng parrot na ito kung paano siya gigipitin.
Pagod na pagod na siya at gusto na niyang ihiga sa malambit na kama ang nananakit niyang likod.
"Hoy, lalaking parrot, kailangan kong magpalit ng damit dahil nangangati na ako dito sa suot ko." Wala siyang dalang damit kahit isa kasi nga hindi naman nila p-in-lano ang pagpunta sa lugar na iyon.
"Maghalungkat ka na lang dyan sa aparador," tugon nito nang hindi dumidilat.
At yun nga ang ginawa niya. Naghalungkat siya ng pwedeng maisuot.
Ngunit nahalungkat na niyang lahat ay wala pa rin siyang mahanap na maaaring isuot liban sa mga bestidang pang-matanda.
Nang lingunin niya si Jarem para magreklamo ay naghihilik na ito.
Wala na talaga siyang choice kundi isuot ang isa sa mga lumang bestida na iyon na pag-aari pa yata ng lola nito sa tuhod.
Pumili siya ng isa at inamoy-amoy. Amoy baul.
Sinipat-sipat niya ang bestida. Hindi niya inakalang darating ang ganitong pagkakataon na makakapagsuot pala siya ng ganito. Sanay kasi siyang naka-nighties pag natulog.
Matapos maisuot ang bestida ay sumampa na siya sa kama. Kinuha niya ang dalawang unan na naroroon at inilagay sa gitna nila ni Jarem.
Ipinikit niya ang mga mata. Kailangan niyang magpahinga at bumawi ng lakas. Kailangan nilang mag-isip ng gagawin para masolusyunan ang kasalukuyan nilang sitwasyon.
Pakiramdam niya ay para siyang idinuduyan sa sobrang pagod. At hindi nagtagal ay sumasabay na rin siya sa hilik ng lalaking katabi.
BINABASA MO ANG
Hearts in Trouble (On-Going)
RomanceIsang field agent si Jarem Martinez at misyon niyang alamin ang misteryo sa likod ng pagkamatay ng tatlong lalaki. Kailangan din niyang alamin kung ano ang kaugnayan ng mga biktima sa private school teacher na si Lorren Lim. Ngunit paano niya magaga...