CHAPTER THIRTEEN
Jarem's POV
"Hay, sa wakas nakarating din." bulalas niya.
Pagod na pagod na talaga siya sa haba ng biyahe nila papunta sa lugar na sinasabi niya kay Nelyn Lou.
Buti na lang at napagod din siguro ito at nakatulog.
Natigil din ang putak ng bunganga nito.
Nilingon niya ito.
Nakatagilid ito paharap sa kanya habang naghihilik.
Tumagilid siya at humarap rin dito.
Ba't kaya sobrang shinny naman ng buhok ng babaeng ito? Ano kayang shampoo ang gamit nito?
Napansin din niyang makinis pala talaga ang kutis nito. Walang kahit anong impurities siyang nakikita sa mukha nito.
Infairness ha, haba naman ng pilik-mata nito.
At kay ganda naman ng mga labi nito na may natural na kapulahan na parang mag-aanyaya ng halik.
Ipinilig niya ang ulo.
Ano ba naman 'tong naiisip niya? Si Nelyn Lou maganda? Kelan pa? Tsk!
Ayaw niyang umamin.
Pilit niyang iwinaksi sa isip na may kailangan siyang aminin sa sarili.
Maya-maya pa'y bigla na lamang kumunot ang noo nito.
Binabangungot ba ito?
Nagulat pa siya nang bigla na lang umangat ang kanang paa nito at humanting sa hugpungan ng kanyang mga hita.
Napaaringking siya sa sakit.
Bahagya kasing nakabuka ang mga tuhod niya kaya mabilis na nasapul si manoy.
"Arayyyyyy ko Nelyn Lou! Napaka-bayolente mo talagang babae ka!" sigaw niya dito pero ungol lang ang sinagot nito sa kanya.
Para itong binabangungot.
Dali-dali niya itong niyugyog para gisingin.
Di niya inaasahan ang kamao nito ang sumalubong sa kanya.
"Araaaaaaaaaaaaaaaaayyy koooooooo Nelyn Louuuuuuuuuuuu!" gigil na sigaw niya.
'Kaw ba naman ang umbagin sa mukha di ka hihiyaw sa sakit?
Nabali pa yata tungki ng ilong niya.
Napabalikwas ito.
Nabingi siguro ito sa sigaw niya. Buti nga dito.
Tumaas ang mga kamay nito at umakmang may susuntukin. "Asan na ang hinayupak na sinampal ng langka sa mukha na manyak na lalaking 'yon?"
"Sino ba 'yang putragis na sinasabi mo Nelyn Lou at pati ako ay hinambalos mo ng kamay mo na mas mabigat pa sayo?"
"Wahahahahaha!"
Binugbog na nga siya nito tapos ngayon naman pinagtatawanan?
Anong nakakatawa sa ginawa niyang pambubugbog sakin?
"Sige tumawa ka pa! Masayang-masaya ka talaga sa pambubugbog mo sa'kin ano?" singhal niya dito.
"Hoy, Jarem! Sampol pa lang yan. Di lang yan ang aabutin mo sa'kin pag sinubukan mo ulit akong halayin." tiningnan siya nito ng matalim.
Ano daw? Halayin? Ito? Hahalayin niya ito? Kahit konting atraksiyon nga wala siyang nararamdaman para dito.
Weh? Wala nga ba? pang-aasar pa ng sarili niyang utak.
BINABASA MO ANG
Hearts in Trouble (On-Going)
RomanceIsang field agent si Jarem Martinez at misyon niyang alamin ang misteryo sa likod ng pagkamatay ng tatlong lalaki. Kailangan din niyang alamin kung ano ang kaugnayan ng mga biktima sa private school teacher na si Lorren Lim. Ngunit paano niya magaga...