CHAPTER TEN
-Jarem's POV-
Mabilis niyang inakay papasok sa loob ng kotse nito si Nelyn Lou.
"Ano bang nakita mo kanina at napasinghap ka bigla?" inis na tanong niya dito. Hindi na kasi niya nagawang sumilip sa bintana dahil siguradong mabubuking na sila kaya hindi niya nakita ang nakita nito. Mabilis kasi niyang sinambilat ito at binitbit palabas ng bakuran ng bahay na iyon. "Ang OA ng reaksyon mo ha. Para kang nakakita ng mul-arayyy!"
"Pag di mo pa itinikom yang bunganga mo pupulbusin talaga kita at ihahalo sa gasolina ng kotse ko." singhal nito sa kanya matapos siyang sapakin.
Napakamot na lang niya ng ulo sa inis sa babae.
At di pa nakuntento itinaboy pa siya nito palabas ng sasakyan nito. "Alis."
Para naman siyang talunang sundalo na lulugu-lugong bumaba ng kotse nito at tinungo ang kinapaparadahan ng motorsiklo niya.
Bago pa man niya naistart ang motorsiklo ay humaharurot na ang kotse nito sa tabi niya. Muntik pa siyang masagi nito.
Nang maistart niya ang motorsiklo ay mabilis na pinaharurot niya ito at hinabol ang kotse nito.
At dahil malalim na ang gabi ay bihira na lamang ang mga sasakyang dumaraan sa kalsada kaya malaya silang magkarera.
Ibang klase talaga ang babaeng 'to! sa isip-isip ko.
Kahit anong gawin niya ay di niya ito maungusan. Sa tuwing susubukan kasi niya itong ungusan ay ibinabalabag nito ang kotse sa dadaanan niya.
In fairness lang sa kanya may itinatago din pala itong talento bukod sa unlimited na putak ng bunganga nito.
Napansin niyang bumagal ang takbo ng kotse nito hanggang sa pumarada sa harap ng green na gate.
Nakarating na pala sila sa bahay nito nang di niya namamalayan.
Itinigil niya ang motorsiklo at pinatay ang makina. Hihintayin lang niyang makapasok ito sa bahay at aalis na rin siya.
Oo na. Kahit na sagad hanggang buto ang inis niya sa babaeng yun ay concern pa rin naman siya dito. Syempre naman. Partner ko siya eh.
Aalis na sana siya nang makita ang isang lalaki na lumapit sa kotse ni Nelyn Lou at sumilip-silip sa loob.
Maya-maya pa ay kinalikot na nito ang pintuan ng sasakyan at akmang bubuksan.
Bumaba siya sa motorsiklo niya at walang ingay na nilapitan ang lalaki.
"Pare may lighter ka ba? Pasindi nga." maangas na tanong niya dito.
"Pakikuha na lang sa bulsa ko pare may ginagawa pa ako dito." sagot naman nitong hindi tumitingin sa kanya.
Napatingin siya sa bulsa nito at nakita niyang nakasuksok doon ang baril nito.
"Ganda naman ng baril mo pare. Pwedeng pahiram muna?" sabi ko sabay bunot ng baril sa tagiliran niya.
Nagulat ito at napalingon sa kanya. "Huh? Sino-?" Hindi na nito naituloy ang sasabihin dahil pinukpok na niya ito ng sarili niting baril sa ulo.
Walang malay itong bumagsak sa lupa.
Tiningna niya ang maliit na bagay na idinikit nito sa pintuan ng kotse gamit ang bubble gum.
Shit. Isang improvised bomb. Maliit lang ito titingnan pero pag ito sumabog kahit abo mo walang matitira.
Mukhang hindi ito isang biro. Nasa panganib ang buhay ni Nelyn Lou. Pero sino naman kaya ang may pakana nito? Sino ang nais pumatay dito?
Pero napag-isip-isip niya sa talim ng dila ng babaeng yun ay hindi malabong magkaroon nga ito ng kaaway.
Pero sino naman yun at gaano ba kalaki ang kasalanan ni Nelyn Lou dito at ipinapapatay niya ito?
Bang!
Napatuwid ang katawan niya sa narinig.
Tunog ng baril yun ah!
At mukhang malapit lang sa kinaroroonan niya iyon.
Bang!
Bang!
Bang!
Napatingin siya sa gate ng bahay. Bigla iyong bumukas at iniluwa si Nelyn Lou na nagtatarang sa takot.
Hindi na nga ito biro. Talagang may mga gustong pumatay dito.
Mabilis niyang binuksan ang pinto ng kotse na swerte namang nabuksan pala ang lock ng lalaking pinukpok niya sa ulo.
Gigisingin pa sana niya ito para pasalamatan pero mukhang wala ng oras dahil hayan na sa likuran ni Nelyn ang mga humahabol sa kanya.
Sabay pa silang pumasok sa kotse nito. Siya sa drivers seat at ito naman sa passengers seat.
Ngunit napatigil siya.
"Ano ba Jarem paandarin mo na ang kotse!" singhal nito sa kanya.
Paano niya naman paaandarin ang kotse kung wala sa kanya ang susi?
Pero bago pa niya naisatinig iyon ay naisuksok na nito ang susi sa susian ng kotse.
Hinawakan naman niya ito at mabilis na pinaharurot ang sasakyan.
Mula sa rearview mirror ay nakita niya ang dalawang kotseng itim na nakabuntot sa kanila.
Kasunod niyon ay mga putok ng baril.
Pinapuputukan sila ng mga ito habang hinahabol.
"Bakit ba nila tayo hinahabol?" tanong ko sa kanya.
"Alangan namang hinahabol nila tayo para magpa-autograph sayo, eh, ang pangit mo. Psh." sarkastikong sagot nito sa kanya sabay irap.
Itong babae talagang 'to nasa gitna na nga sila ng panganib nagagawa pang insultuhin ang kagwapuhan niya. Kahit kelan di talaga marunong mag-appreciate ng tunay na gwapo.
"Hindi ko rin sila kilala." napabaling siya dito nang bigla itong magsalita. "Watch ouuuut!" malakas na sigaw nitong muntik nang ikabasag ng eardrum niya sabay kabig sa manibela pakaliwa.
Wew. Muntik na sila dun ah.
Kung hindi nito nakabig ang manibela pakaliwa malamang bukas pinaglalamayan na sila. Muntik na kasi silang mabangga ng isang ten-wheeler truck lang naman.
Bang!
Bang!
Nabasag ang salamin sa likod ng kotse nang mahagip ito ng bala ng mga humahabol sa kanila.
Nang tumingin siya sa salamin ay nakita niyang malapit na ang mga ito sa kanila.
Katapusan na ba nila ito?
Diyos ko Lord ayaw pa niyang mamatay. Sayang naman ang lahi niya. At saka marami pa siyang pangarap sa buhay.
________________♡♥♡♥♡________________
A/N:
Ayan bakbakan na. Basa lang ng basa. Comment and vote din sana. Enjoy reading! ♥
BINABASA MO ANG
Hearts in Trouble (On-Going)
RomanceIsang field agent si Jarem Martinez at misyon niyang alamin ang misteryo sa likod ng pagkamatay ng tatlong lalaki. Kailangan din niyang alamin kung ano ang kaugnayan ng mga biktima sa private school teacher na si Lorren Lim. Ngunit paano niya magaga...