Hearts in Trouble 4

10 0 0
                                    

CHAPTER FOUR

-Jarem's POV-

Napatayo siya mula sa pagkakaupo nang matanaw sa di kalayuan ang pigura ng babaeng kanina pa niya hinihintay.

Ayon sa impormasyong ibinigay sa kanya ng boss niyang si Jimmy Rivera o mas kilala sa tawag nilang boss Jim ay alas kwarto ng hapon ang labasan ng mga bata sa Good Samaritan Academy kung saan nagtuturo ang target niya para sa susunod niyang misyon.

Alas tres y medya pa lang kanina ay naka-tambay na siya dun. At inabot na siya doon ng alas syete y medya ng gabi sa kahihintay bago niya ito natanaw na papalabas sa gate ng paaralan.

Nakita niyang naglakad ito patungo sa waiting shed sa di kalayuan upang magbantay ng dyip na masasakyan.

Ilang dyip na dumaan ang pinara nito ngunit puno na ng mga pasahero ang mga iyon.

Nakita niyang panay ang sulyap nito sa sout na relo. Mukhang nagmamadali ito.

Pinalipas muna niya ang ilang sandali bago pinaandar ang kanyang motor ngunit bago pa man siya nakalapit dito ay namataan niyang papalapit dito ang dalawang lalaki. Sa hilatsa pa lang ng pagmumukha ng mga ito ay halata ng hindi gagawa ng mabuti ang mga ito.

Nakita niyang sinunggaban ng mga ito ang babae at pilit na kinukuha mula rito ang bag nito.

Pinaarangkada niya ang motor palapit sa mga ito.

Nakita niyang nagpumiglas ang babae at ayaw bitawan ang bag nito.

Nagalit ang isa sa dalawang lalaki dahil sa pagmamatigas ng babae. Nakita niyang may dinukot ito sa bulsa ng pantalon nito. Alam niyang patalim iyon kaya lalo pa niyang pinabilis ang pagtakbo ng motor.

Hindi nga siya nagkamali. Patalim nga ang dinukot nito sa bulsa. Akmang isasaksak na nito iyon sa babae nang sipain niya ito habang nakasakay sa kanyang motorsiklo. Natumba ang lalaki at nabitawan ang hawak na patalim. Ang kasama naman nitong lalaki ay hindi nakahuma sa kabiglaanan dahil sa hindi inaasahang pagsulpot niya.

Ipinarada niya ang motorsiklo limang metro mula sa mga ito.

Bumaba siya sa motor at naglakad palapit sa mga ito.

Nakatayo nang muli ang lalaking sinipa niya kanina. "Hoy!" tinuru-turo pa siya nito. "Pakialamero ka, ah."

Sinugod siya nito. Umigkas ang kamay nito at sinuntok siya sa mukha ngunit nasangga niya iyon at bago pa man ito makabawi ay nasapul na ito ng kamao niya sa mukha at muling sumadsad sa semento.

Sa lakas ng pagkakasuntok niya dito ay nagsargo agad ang dugo sa ilong nito.

"Hindi lang yan ang aabutin mo pag nagpakita ka pa sakin." banta niya sa lalaki sabay hablot ng kuwelyo nito at pinatayo.

Hintatakot itong tumango-tango bago mabilis na tumakbo palayo kasama ang lalaking kasamahan nito na nahihintatakutang nakatingin sa kanya.

Binalingan ko ang babaeng muntik na nilang mabiktima nang gabing iyon. "Miss, okey ka lang ba?" tanong niya dito.

Nakatingin lamang ito sa kanya. Blangko ang kanyang mga mata at walang mabanaag na kahit aning emosyon doon. Halatang aloof din ito sa tao. Mukha yatang hindi ito sanay na may kumakausap dito na hindi nito kilala.

"Oo. Salamat." matipid na sagot nito sabay baling ng paningin sa kalsada.

"Tingin ko mahirap ng makasakay sa mga oras na ito." sabi niya.

Wala siyang narinig na sagot buhat dito.

"Kung gusto mo, pwede kitang ihatid sa inyo." prisinta niya. "Kaya lang motorsiklo lang ang meron ako." dugtong pa niya sabay kamot sa ulo.

Lumingon ito sa kanya. "Hindi kita minamaliit mister. Hindi lang talaga ako nakikipag-usap sa hindi ko kilala." narinig niyang sabi nito.

Ikiniskis niya ang mga palad bago iyon inilahad sa babae. "Ako nga pala si Jarem. Jarem Matinez." pagpapakilala niya sabay bigay dito ng pinakamaganda niyang ngiti.

Ilang sandali nitong tiningnan lang ang kamay niya bago nito iyon inabot.

"Lorren. Lorren Lim."

"Ibig bang sabihin niyan ay pumapayag ka ng ihatid kita sa inyo?" paku-komperma niya.

"Bilang pasasalamat ko sa pagtulong mo sakin ay pinapayagan na kitang ihatid ako." kimi nitong sagot sa kanya bago bahagyang ngumiti.

Lalong lumapad ang pagkakangiti niya.

Alam niyang iyon na ang magiging simula ng unti-unti niyang pagtuklas sa pagkatao ng babaeng ito.

Ilang panahon pa at matutuklasan na rin niya ang misteryo sa likod ng pagpaslang sa tatlong lalaking may malalim na kaugnayan dito.

Habang nakatingin siya dito ay isang tanong ang umuukilkil sa isipan niya.

Sino ka bang talaga Lorren Lim?

Hearts in Trouble (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon