Hearts in Trouble 12

2 0 0
                                    

A/N: Tagal kong di nakapag-update sobrang busy lang po sa work. Tatry ko ng mag-update more often hehe! Di rin kasi gumagana madalas utak ko. Sana subaybayan niyo pa rin ang kwento nila Nelyn Lou at Jarem. Happy reading po!

-MYMY

Nelyn Lou's POV
"Miss, pwedeng umupo sa tabi mo?" Nilingon niya ang lalaking nagsalita sa tabi niya.

Napangiwi siya nang makita ang nakangisi nitong mukha na ilang dangkal lamang ang layo sa mukha niya kaya kitang-kita niya ang baku-bako at naglalangis nitong pisngi.

Napaatras siya palayo sa lalaki.

Biglang bumangis ang mukha nito at sinunggaban siya sa magkabilang braso.

Nagpumiglas siya. "Bitiwan mo akong manyak ka! Tulong!"

Muling ngumisi ang lalaki sa kanya. "Walang makakarinig sayo Miss. Pero wag kang mag-alala sisiguraduhin kong masisiyahan ka sa gagawin natin."

"Pa'no naman ako masisiyahan kung mukha mo pa nga lang parang itinakwil na ng langit?"sigaw niya sa lalaki.

Lalong humigpit ang pagkakahawak nito sa mga braso niya at nakakaramdam na siya ng sakit kaya't sininghalan niya ito sabay sipa sa harapan nito. "Pangit ka na nga manyak ka pa!"

Napaaringking ito sa sakit habang sapu-sapo ang harapang nasapol ng sipa niya.

Nang mahimasmasan ay hinaklit siya nito sa balikat at niyugyog. "Aray ko Nelyn Lou! Napakabayolente mo talagang babae ka!"

Huh?!? Ba't kilala siya ng manyak na lalaking to?

Nang biglang humaba ang nguso ng manyak na lalaki at akmang hahalikan siya ay inumbag niya ito sapol sa mukha.

"Araaaaaaaaaaaaaaaayyy koooo Nelyn Louuuuuuuuuuuuu!"

Napabalikwas siya. Tumaas ang mga kamay niya at umakmang may susuntukin. "Asan na ang hinayupak na sinampal ng langka sa mukha na manyak na lalaking 'yon?"

"Sino ba yang putragis na sinasabi mo Nelyn Lou at pati ako ay hinambalos mo ng kamay mo na mas mabigat pa sayo?"

Napatingin siya kay Jarem na noon ay sapul ng kaliwang kamay ang harapan habang sapul naman ng isang kamay ang pisnging namumula.

Noon lang siya parang nahimasmasan. Kung gayon panaginip lang ang lahat? Omegad! "Wahahahahaha!"

"Sige tumawa ka pa! Masayang-masaya ka talaga sa pambubugbog mo sa'kin ano?" singhal sa kanya ni Jarem.

"Hoy, Jarem! Sampol pa lang yan. Di lang yan ang aabutin mo sa'kin pag sinubukan mo ulit akong halayin." aniyang tiningnan ito ng matalim.

"Anong halayin ang pinagsasabi mo dyan Nelyn Lou? Ginigising lang kita kasi narito na tayo sa lugar na sinasabi ko." Binuksan nito ang pinto ng kotse. " Isa pa, kahit maghubad ka pa sa harap ko di kita papansinin." dugtong pa nitong tila diring-diri talaga sa kanya.

Lumabas ito ng kotse at naglakad palayo sa kanya.

Napasulyap siya sa salamin sa loob ng kotse. "Maganda naman ako." usal niya sarili. "Malusog din ang dibdib ko. Kung curves ko naman ang pag-uusapan, aba, talo pa nito ang zigzag na daan patungong Baguio. At higit sa lahat hindi naman mabaho ang hininga ko at wala namang amoy ang kilikili ko. Kung ganun anong problema sa'kin ng unggoy na lalaking yun?" aniyang kulang na lang ay umusok ang ilong niya sa inis dito.

Sinundan niya ito.

"Hoy, lalaking parrot! Kahit bayaran mo ako ng isang milyon hinding-hindi ako papatol sa baklang gaya mo noh! Excuse me, ang lakas naman ng imagination mo."

Marahas siya nitong nilingon. "Sinong bakla Nelyn Lou?" anas nito habang matalim ang tingin sa kanya.

Bahagya siyang natakot pero mas nanaig ang inis na nararamdaman niya dito nang mga oras na iyon.

Sa opisina nila lahat ng mga lalaking kasamahan nila ay humahanga sa kagandahan niya habang kinaiinggitan naman siya ng mga kababaihan at tanging ito lamang ang hindi naaakit sa kanya.

"Sino pa ba Jarem. Bakla ka di ba? Kaya inis na inis ka sa'kin at hindi ka naaakit sa'kin kasi naiinggit ka, kasi mas maganda ako sayo at di mo matanggap 'yun! Bwahahamp-"

Naputol ang tawa niya nang sakupin ng mga labi nito ang mga labi niya.

Hindi siya makahuma dahil nang mga sandaling iyon ay dama niya ang init ng mga labi nilang magkalapat.

Totoo ba ito? Hinalikan talaga siya nito?

This was her first kiss.

At bakit habang lumalalim ang halik nito ay tila nagugustuhan niya ito?

A/N: Sabaw ng update haha! Lam niyo guys, kahit naka-80+ reads pa lang ang HIT masaya na ako. Mahal ko kasi ang ginagawa ko. Mahal ko ang pagsusulat. Sana mahalim nyo rin kahit papano ang mga isinusulat ko.

Hearts in Trouble (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon