"Sana, bata na lang ulit ako."
Nasabi mo na ba sa sarili mo 'yan? Kung oo, ilang beses na kaya?
Noong mga bata pa tayo at wala pang problema sa mundo kundi ang mga laruan o mga crayola natin, naranasan natin ang isang magaan at makulay na buhay. Naranasan nating maglaro at magpakasaya sa maliit na mundong akala natin ay hindi na lalaki pa.
Aminado ako, noong bata pa ako ay sinabi ko na "Sana lumaki na 'ko." sa tuwing may mga bagay na gusto kong gawin o gamit na gusto kong angkinin pero hindi pa pwede dahil "bata pa nga ako." Sinabi sa 'kin noon ng tita ko na, "Kapag lumaki ka? Sasabihin mo na sana maging bata ka na lang ulit." Umiling ako noon at nangatwiran na paninindigan ko ang gusto ko.
Pero ngayon, naiisip kong tama ang mga sinabi niya. Minsan akala mo talaga makakabuti 'yung mga naiisip mo para sa 'yo, pero hindi mo namamalayan na nakakabuti rin pala 'yung sinasabi ng mga tao sa paligid mo.
Kapag tumuntong na tayo sa edad labindalawa, nagsisimula nang magbago ang mga pananaw natin sa buhay. Nagsisimula nang lumawak ang pag-iisip natin. Nagsisimula nang magbukas ang iba pang dimensyon ng mundo. Higit sa lahat, unti-unti nang dumarami ang mga lubak-lubak na daan na kailangan mong tahakin sa buhay.
Second year high school ako nang una akong magka-crush. Hindi ko makakalimutan no'n. Mukha pa 'kong gusgusing ulikba na hindi mo gugustuhing maging crush. Kaya naman first crush, first rejection din. 'Di naman ako naghahangad na ng boyfriend nang mga panahon na 'yon. Masyado pa 'kong bata para lumandi. Pero nahingi ako ng acceptance man lang, lalo na't bata pa lang ako ay ipinamumukha nang hindi ako maganda. Sariling ina ko pa ang nagsasabi no'n. Bakit gano'n siya? Kasi may sarili siyang pamilya, at anak ako sa pagkakamali. Kaya naman hindi niya 'ko nagawang mahalin. Pero napatawad ko na siya. Matagal na. Hindi ko kayang magalit sa kanya.
Maikli ang buhok ko noon. Parang buhok ni Dora. Payat ako noon. Maputlang-maputla ang mga labi. Medyo malaki pa ang mga mata. Baduy manamit. Tae talaga. Mukha 'kong dehydrated na langaw no'n! Mapagkakamalan mo 'kong batang hamog.
Well, hindi naman ako forever na mukhang tae sa mga mata ng tao. Unti-unti ay natutunan ko rin ang salitang "ligo" at pagiging "tao" bago ako mag-college. (Although optional pa rin sa 'kin ngayon. Joke!) Hanggang sa nagulat na lang ako na ngayon, malayong-malayo na 'ko sa dating ako. At ngayon? 'Yung mga campus crush sa 'min noong high school kami, mga magulang na ngayon. 'Yung iba naman, hindi pa naman nanay o tatay pero mukha nang nalosyang.
Pwera-lait. Sinasabi ko lang kung anong nangyayari sa paligid ko. Ngayon ko kasi napatunayan na ang lahat ng kagandahan o kagwapuhan ay kumukupas. Lahat ay niluluma ng panahon. Imagine? 'Yung crush mo noon, tatay na. 'Yung inaayawan mong manliligaw, mas meron nang kotseng mas makinis pa kesa sa mukha mo. Well, well. Aminado naman ako at tanggap ko na baka bukas o makalawa ay hindi na ulit ako isang barbie doll. Baka magising na lang ako na ako na ulit si chaka doll. Walang permanente eh.
Hindi ko rin lubos-maisip na 'yung mga kasabayan kong nerd noon ay mga matagumpay na sa buhay nila ngayon. At 'yung mga hinahangaan ko dahil sa sobrang ganda o gwapo, nagkamali na sila sa buhay. Maagang nadapa, maagang nag-asawa, maagang naging ina o ama, maagang nasira ang buhay, maagang nalulong sa mga ipinagbabawal na gawain or worse, maagang binawian ng buhay.
Nakakagulat din na bigla na lang akong umaangat at bumabagsak. Mahigit dalawang taon bago ko isulat ang librong 'to, galing ako sa ibang publishing company. Isa ako sa mga pinakaunang manunulat doon at ako ang naging una nilang "love adviser." Gamit ko ang totoo kong pangalan. Kasagsagan ng kasikatan. Kasagsagan ng kasaganahan. Bigla akong umangat at nagkaroon ng pangalan, kasunod ng sunod-sunod na matataas na sales ng libro. Fiction man o non-fiction. Naranasan kong dikitan ng salitang bestselling author ang pangalan ko. Sanay ako sa 4-digit sales report sa mga libro ko.
BINABASA MO ANG
Akala Ko Ba, Ako Lang?
Non-FictionThis book is a self-help/advice book written in Tag-Lish. It tackles about love issues of our young generation.