Minsan kahit anong pilitin pa nating ayusin ang lahat, darating pa rin sa puntong hindi na kayo magkakasundo. Hindi na kayo magiging isa. Minsan nakikita niyo na ang kasiyahan sa ibang tao. Minsan naman nagsasawa na lang kayo pareho.
Kahit anong pagtitiis natin, darating pa rin ang oras na mawawala na ang pag-ibig sa pagitan ng dalawang indibidwal na minsang nangako ng habang-buhay sa isa't isa.
Ang lahat ng relasyong marupok ay may iisang pinatutunguhan: ang break-up. At kasunod naman ng break-up ay ang pagmu-move on.
Ang pagmu-move on ay hindi one-day process na kayang gawin ng kahit sino. In my personal experience, isa talaga 'yang pasakit sa buhay. Break ups can cause stress or worse, depression. And depression can literally kill you. Kung hindi ka magaling mag-handle ng stress at hindi ka makaka-move on before you run out of time, siguradong kawawa ka.
But you see. Crying all night isn't the solution at all. Mas lalong hindi rin ang pag-inom ng alak. Although naiintindihan ko 'yung mga taong nag-iinom at naiyak dahil sa pinagdaraanan nila, nakakalungkot pa ring isipin na hindi nila nakakayanan 'yung sakit na dulot ng pag-ibig at kailangan nilang gawin iyon para lang makalimot.
I have this friend na professor na ngayon. He's always telling me that he can't move on. Gabi-gabi siyang umiiyak at nagtatanong sa sarili niya kung bakit nasira ang relasyon nila ng ex-girlfriend niya. Kung bakit kailangang matapos ang lahat ng masasayang araw nilang dalawa. Napapadalas ngayon ang pagkakasakit niya nang dahil sa pinagdadaanan niya. Hindi na siya nakakapagturo nang maayos at medyo napapadalas na rin ang pagdalaw niya sa ospital.
Nalulungkot ako para sa kanya. Pero hindi ko naman siya matutulungan. Bakit? Kasi siya lang ang makakatulong sa sarili niya. Ilang beses ko na siyang binibigyan ng payo. Lagi niya namang sinasabing "Hindi madali." pero mabilis ko rin namang sinasagot 'yon ng "Alam ko. Naranasan ko rin 'yan. Pero hindi ka makaka-recover kung hindi mo sisimulan sa sarili mo."
Well, natuwa naman ako dahil after kong sabihin 'yon ay sinagot niya 'ko na gusto niya na ring mag-move on. Natuwa ako. Pero kinagabihan, nalaman kong laman na naman siya ng inuman. Galing.
GUSTO MO BANG MAG-MOVE ON?
(Capslock plus bold para intense.)
1. Tama na ang pagti-text at pagtawag sa kanya.
Kapag kaka-break niyo pa lang, marupok ka pa sa mga bagay-bagay. Mararanasan mong malungkot kapag nakita mo ang dati niyong conversations, mga call logs. At dahil hindi mo pa talaga kaya ang sakit ng break-up, magtatangka kang i-text o tawagan siya. You would tend to beg for him or her to stay. Please lang. DON'T DO THAT. Kung ayaw niya na sa 'yo, wala ka nang magagawa. Kailangan mo na lang tanggapin nang buong puso na hindi talaga ikaw ang nakatadhana sa kanya at hindi rin siya ang nakalaan para sa 'yo. Isa pa, gugustuhin mo pa bang magmukhang tanga sa harap niya? Akala mo ba makukuha mo ang gusto mo kapag naghabol at nagmakaawa ka? Lalo mo lang pinapataas ang self-confidence ng ex mo habang ikaw, lugmok na lugmok sa putikan.
Isipin mo: "I've had enough. This is too much. I should respect myself. Enough."
May kakaibang pleasure na nararamdaman ang isang indibidwal kapag hinahabol at pini-please siya ng iba. At 'wag kang pumayag na ikaw ang gamitin niya para ma-achieve ang pleasure na 'yon. Tao ka, hindi aso na buntot nang buntot sa kanya. Show some self-respect! Marami pa ang magmamahal sa 'yo na 'di hamak na mas worth ang luha at ang puso mo.
Hangga't maaari, iwasan mo na ang pagpilit sa lahat ng bagay. Sabi nga, ang relasyon ay parang nabuhol na sinulid. Kung hindi na kayang ayusin, kailangan nang putulin.
BINABASA MO ANG
Akala Ko Ba, Ako Lang?
Non-FictionThis book is a self-help/advice book written in Tag-Lish. It tackles about love issues of our young generation.