Una, siguraduhin mong may naisip ka nang idea. Dapat kakaiba. Hindi 'yung common na. Parang mga palusot mo. Dapat palaging bago.
Pangalawa, mag-isip ka ng pangalan ng mga bida. Marami ka namang idea, lalo na sa pangalan ng babae. Obvious naman kasi isang notebook ang listahan mo ng mga naging ex at nakalandian mo.
Sunod, magsulat ka s'yempre! Isulat mo na 'yung idea mo. Paano ka makakagawa ng nobela kung ginagawa mo pa rin 'yung ginagawa mo sa 'kin? Pati ba naman sa pagsusulat, hanggang salita ka lang?
'Wag mo nga ring kakalimutang mag-research at magtanong-tanong. Katulad lang din naman sa pagtatanong mo sa mga kaibigan mo kung paano mo maililihim sa 'kin 'yung mga kalokohan mo.
And then, s'yempre tapusin mo 'yung manuscript mo. Hindi 'yung sa umpisa ka lang magaling. Tandaan mo na lahat ng bagay na sinimulan mo, kailangang tapusin mo. Nagkataon lang talaga na ako ang tumapos ng relasyon natin noon kasi sawa na 'kong paikutin mo.
Lastly, kapag tapos ka na, ipasa mo na 'yung manuscript mo sa publishing company na gusto mo. Gaya ng pagpasa mo sa 'kin ng mga sisi at mga kasalanan mo. Sanay na sanay ka na sa ganyan 'di ba? Sigurado akong hindi ka na mahihirapan.
Ma-reject sana 'yang manuscript mo.
BINABASA MO ANG
Akala Ko Ba, Ako Lang?
Non-FictionThis book is a self-help/advice book written in Tag-Lish. It tackles about love issues of our young generation.