Una, bumili ka ng alkansya. Piliin mo 'yung maganda at malaki. Oo. Tama ka sa nabasa mo. 'Yung maganda at malaki. Kasi 'di ba ganu'n din ang basehan mo sa pagpili mo ng babae?
Pangalawa. Laging may pangalawa kasi hindi ka talaga makuntento sa isa. Pangalawa, mag-set ka kung magkano at kung anong araw ka maghuhulog. Tutal sanay ka namang magbilang, parang pagbibilang mo sa ilang pirasong sakripisyo mo para sa relasyon natin.
Tapos simulan mo nang mag-ipon. Dapat regular. 'Wag mong itutulad sa pagkikita natin na kung kelan mo lang maisipan eh saka ka lang nagpaparamdam. Damihan mo ang ipon. Tandaan mo, mas marami mas masaya. 'Di ba 'yun naman ang paniniwala mo dahil sa dami ng babaeng isina-side dish mo sa 'kin?
Panghuli, dahil nag-iipon ka, itago mo. Oo. Itago mo. Parang pagtatago mo sa secret account mo. Parang pagtatago mo sa 'kin ng mga kalokohan mo. Galingan mo ang pagtatago. Expert ka naman diyan.
Makupitan ka sana.
BINABASA MO ANG
Akala Ko Ba, Ako Lang?
Non-FictionThis book is a self-help/advice book written in Tag-Lish. It tackles about love issues of our young generation.