Prevention is Better Than Cure

295 7 0
                                    

Hindi ko naman itinatanggi na naranasan ko na talagang pumasok sa isang relasyong long-lasting. 'Yun bang years na ang binibilang ng pagmamahalan niyo sa isa't isa? Sobrang sarap makita na unti-unti niyo nang nararating 'yung mga pinapangarap niyo para sa inyong dalawa.

Pero marami akong pinagsisisihan sa naging takbo ng relasyon naming dalawa ng ex ko. Aminado naman ako. Hindi ako matututo nang ganito kung hindi rin ako minsang naging tanga. Minsan ko na ring nakalimutang mahalin 'yung sarili ko dahil sa sobrang pagmamahal ko sa taong hindi rin naman pala magtatagal ng kahit isang dekada man lang sa buhay ko.

Totoo 'yung sinasabi ng iba na kahit mahal niyo pa ang isa't isa, darating pa rin sa punto na maghihiwalay kayong dalawa. Alam ko dahil naranasan ko. Kaya nga iyon din ang ibinabahagi ko sa 'yo ngayon.

Habang nasa 'yo pa ang isang tao, pahalagahan mo siya. Mahalin mo siya nang sapat. Hindi sobra at hindi kulang. 'Wag mong hintayin na mawala pa siya sa 'yo bago mo maisip ang tunay niyang halaga.

Pero paano mo nga ba mapapanatili ang isang healthy relationship? Basahin mo ang mga sumusunod.

Paano Ka Magiging Isang Mabuting Girlfriend/Boyfriend?

1. Give your 101% trust.

Isa sa mga pinakamahalagang pundasyon ng relasyon ay ang trust o tiwala natin sa partner natin. Kung gusto niyong matupad ang salitang forever o lifetime o kung anupamang pangarap niyo para sa inyong dalawa, mahalagang magtiwala kayo sa isa't isa.

Marami na akong kilalang couple na nagkasira dahil sa kawalan ng tiwala. Equivalent na rin ng trust ang respect. Kung talagang inirerespeto mo ang partner mo, kailangan mo ring magtiwala sa kanya nang buo.

Iwasan mo ang maghinala nang maghinala. Iwasan mong magtanong ng, "Sino 'yang babae/lalaking 'yan? Bakit magkasama kayo? Ba't kailangan magkatabi kayo? Bakit kamukha siya ng kaptibahay ng pinsan ng kapatid ng ninang ng katulong ng kinakapatid ng ex mo?" Alam mo, kung talagang mahal ka niya, kahit magkaroon pa ng isang milyong temptasyon sa paligid niya ay hinding-hindi ka niya ipagpapalit sa iba.

Nasa tao na lang kung paano sila iiwas sa tukso. Kasi minsan kahit anong pag-iingat mo na 'wag siyang mapalingon, magkainteres o magkagusto sa iba, kung siya na mismo ang makati at hindi siya makuntento sa 'yo ay wala ka nang magagawa. Kaya nga mahalaga na hindi ka mapunta sa mga ganyang klase ng lalaki o babae.

2. Stay faithful.

Kung gusto mo ng tiwala, siyempre kailangan mo ring maging katiwa-tiwala. Ipakita mo sa partner mo na kahit hindi siya nakatingin ay hindi ikaw 'yung tipo ng babae o lalaki na haharot sa kung sino-sino. Hindi ka dapat magmukhang paninda sa Baclaran na nakakalat lang sa kalye at pwedeng ilako sa kung sinu-sino.

Ang masakit kasi sa nangyayari sa panahon ngayon, malingat ka lang nang kaunti, inaahas na pala ng iba 'yung partner mo.

Kung matinong tao ka, hinding-hindi ka gagawa ng kalokohan kahit hindi ka niya nababantayan. Hinding-hindi ka papayag na landiin ka ng iba at mas lalong hindi ka maghahanap ng #2 na reserba mo tuwing wala siya.

Alam mo ba kung ilang tao ang lolokohin mo kung sakalimang gagawin mo 'yon? Tatlo. Oo. Tatlong tao. Ang partner mo, ang number two mo, at ang sarili mo. Pero hindi kayong tatlo ang makakatanggap ng karma kundi ikaw lang. Ikaw na hindi makuntento. Ikaw na hindi marunong magpahalaga sa tiwala. Kaya kung mas gusto mo pang lumandi, mabuti pa 'wag ka na lang mag-boyfriend o girlfriend.

Never lose the love of your life just for the hoe of the night.

3. Learn to admit and accept your mistakes.

Akala Ko Ba, Ako Lang?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon