Una, s'yempre mag-aral ka. Paano ka papasa kung hindi ka mag-aaral? 'Wag kang umasa sa mga kaklase mo. Ang hirap sa 'yo, asa ka nang asa kaya ka nasasaktan sa huli. 'Wag kang mag-cheat! H'wag mo nang gayahin 'yung ex mo kasi gano'n din ang ginawa niya sa 'yo noon.
Next, matulog ka. Kailangan mo rin ng pahinga. Alam mo dapat 'yang pahinga na 'yan kasi 'yan din ang lagi niyang katwiran sa 'yo kapag nakikipag-break siya dati para lumandi sa iba. Isa pa, antok na nga lang ang nadalaw sa 'yo, tatanggihan mo pa?
Tapos sa mismong exam, mag-concentrate ka. Isipin mong mabuti ang lahat ng nasaulo mo. Isipin mong madali lang para sa 'yo ang bawat tanong sa exam. Nasaulo mo nga 'yung lahat ng pangalan ng mga kabit niya noon 'di ba?
Panghuli, magdasal ka. Dapat mas taimtim. 'Yung totoong may sense na dasal. Hindi katulad ng paulit-ulit na dasal mo na sana balikan ka na niya. 'Wag 'yung dasal na sana mahalin ka ulit niya. Exam 'to huuuuy. Aral muna. 'Wag puro landi. Pumasa ka sana.
BINABASA MO ANG
Akala Ko Ba, Ako Lang?
Non-FictionThis book is a self-help/advice book written in Tag-Lish. It tackles about love issues of our young generation.