Lumandi. Nainlove. Nasaktan. Nag-move on. Repeat!

237 3 0
                                    

After nating ma-brokenhearted, 'tsaka lang ulit unti-unting magiging okay ang lahat. Babalik sa normal ang buhay mo. Magiging balance ulit ang mundo para sa 'yo.

At kapag naka-recover ka na, free ka nang lumandi ulit! Yehey!

Pero joke lang. Ang ibig kong sabihin, kapag totoong naka-move on ka na, it means may chance na buksan mo na ulit ang puso mo para sa iba. Hindi mo naman kailangang magmadali. Pero kung sakalimang darating na ulit sa point na susubukan mo nang magmahal ulit, sana naman ay i-consider mo na ang mga pinagsasasabi ko. 'Wag na basta-bastang magpapaloko o magpapauto.

At ngayong nagsisimula ka na ulit sa panibagong chapter ng buhay mo, mas maganda kung isasaalang-alang mo ang mga sumusunod na tagubilin ko. (Yes. Tumatagubilin talaga. LOL.)

How to Be the Best Version of Yourself?

1. Inhale all the positive things, exhale all the negativities.

Life is too short to think of those problems and people who are giving you too much stress. Cut 'em off! You deserve to be happy and stress-free. Ikaw ang masusunod kung paano mo ima-manage ang buhay mo. 'Sabi nga ng kaibigan ko, maraming magagandang bagay na pwedeng makita sa mundo. Kaya lang tayo nahihirapan ay dahil nagfo-focus lang tayo sa mga problema.

Don't take too much problems. Kung hindi na kaya, learn to exhale them out of your wonderful life. Malaki ang nababawas ng stress sa life span mo. Literal nitong pinapahina ang katawan mo at sinisira ang body system mo.

P.S.: Pwede na po ba 'kong maging health advocist? Hahaha.

2. Always wear your sweetest smile.

"Smile. Your enemies hate it."

Nabasa ko 'yan sa isang Facebook post ng dati kong kaklase nu'ng high school.

Tama siya. Lagi ka lang ngumiti. Ayon sa pag-aaral, nakakatulong ang simpleng pagngiti para mapanatiling maayos at balance ang body system ng tao. As in kahit plain smile lang. Kaya naman i-exercise mo na ang panga mo and smile more often. Gawin mong magaan ang mundo, ang buhay. Sabi nga ng isang character sa TV series, "Happy lang!"

3. Love yourself.

Sinabi sa 'kin ng kaibigan kong lagi kong kakuwentuhan noon ito: "Pag-aralan mong mahalin nang buo ang sarili mo. Kung hindi mo gagawin 'yon, hindi ka rin mamahalin ng buong mundo. Wala ring magmamahal nang buo sa 'yo."

Isa sa mga nagiging pagkakamali natin ay ang paglimot sa sarili natin kapag nagmamahal tayo. Kaya naman ngayong malaya ka na ulit, pag-aralan mo munang mahalin nang buong-buo 'yung sarili mo. Kilalanin mo ang pagkatao mo. Magpakatotoo ka and embrace yourself. Irespeto mo ang sarili mong mga pananaw. Kapag nagawa mo na 'yon, sigurado akong marami rin ang magmamahal sa 'yo.

Paalala: Magkaiba ang pagmamahal sa sarili at ang kayabangan. Mahalin mo ang sarili mo, pero hindi ibig-sabihin no'n na kailangan mo nang mangliit ng ibang tao. Hindi mo rin kailangang ipagyabang ang mga bagay na meron ka. Ang kailangan mo lang ay ang confidence at tiwala sa sarili na deserve mo ang mga bagay-bagay. But definitely not too much.

4. Try to do something new.

Exploring something new is not forbidden. In fact, marami kang natututunan sa pagta-try mo ng mga bagong gawain, bagong pagkakaabalahan, at bagong iikutan ng mundo.

'Wag kang matakot sumubok ng mga bagay na hindi mo pa nagagawa sa buong buhay mo. In that way, matututo ka at madadagdagan ang "do's and don'ts" mo sa daily life mo.

Alam mo ba? Bilang isang manunulat na brokenhearted at may tililing, sinubukan ko ang isang bagay na hindi pinangangahasang gawin ng marami sa mga tulad mong nagbabasa ng librong 'to.

Kailangan kong um-attend noon sa isang seminar at wala akong idea kung paano ako makakarating sa lugar na pupuntahan ko, pero umalis ako ng bahay nang mag-isa. Yes, mag-isa. S'yempre normal lang 'yon. Pero ang hindi siguro normal ay ang pag-alis ko na wala man lang tinatanong na kung sino kung ano ba ang mga sasakyan ko o kung may huling habilin ba ako bago ako matatagpuang lumulutang sa mga creek sa gilid-gilid.

I tried my own senses and fortunately, nakarating pa naman ako nang buhay sa destinasyon ko. Hindi naman ako naligaw kahit pa ang totoo ay wala akong sense of direction. Nawala na 'ko ng lahat ng klaseng sense nang mawala siya sa buhay ko. Hahaha. Joke. Humuhugot lang ang lola niyo.

What am I trying to say? Uulitin ko. Try something new. Something different. Get out of your comfort zone. Hindi ka mas maggo-grow as an individual kung hindi mo susubukan ang mga bagay-bagay sa mundo para matuto.

5. Set your self-limitations.

Hindi dahil sinabi kong mag-explore ka ng mga bagay-bagay ay nangangahulugan nang gagawin mo ang lahat ng gusto mong gawin.

Kung talagang present na ang maturity sa isip mo, lagi mong aalalahanin ang mga limitasyon mo bilang isang tao. Dapat ay alam mo na ang mga basic na tama at mali. Dapat ay may kahit kaunting background ka na sa kalakaran ng buhay.

Hindi iikot ang mundo nang ayon sa kagustuhan mo. Hindi didilat ang lipunan para makita ang lahat ng nais mong ipakita. Kung mayroong maghahagis sa 'yo ng bulaklak, asahan mong may babato rin ng kutsilyo, bato at granada.

Habang maaga pa ay pigilin mo na ang sarili mo na gawin ang mga bagay na gusto mong gawin pero hindi naman katanggap-tanggap sa mga mata ng iba. Tandaan mo na hindi lahat ng nakikita mo ay tama. Hindi lahat ng naririnig mo ay dapat mo ring sabihin at hindi lahat ng ideya ng iba ay dapat mo ring isipin.

Akala Ko Ba, Ako Lang?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon