Una, bago umalis, i-check muna ang kondisyon ng sasakyan. Tingnan mo kung okay lang ba talaga. Minsan kasi wala kang pakialam. 'Di mo alam kung may pinagdadaanan, basta ginagamit mo lang para sa ikapapakinabang mo. Tapos sasakyan mo lang kung kelan mo gusto.
Pangalawa, bago mo buksan ang engine, magdasal ka muna. 'Yun na lang ang magagawa mong tama sa buhay mo kaya talagang magdasal ka. Magdasal ka na sana wala kang magawang violation o walang nanghuhuli. Sabagay. Magaling ka namang lumusot kapag nahuhuli ka na 'di ba?
Pangatlo, habang nasa byahe, mag-focus ka sa dinaraanan mo. Kilala kita. Kung kani-kanino ka kasi tumitinging punye*a ka. 'Di ka marunong makuntento sa nakikita mo.
Tapos, kapag may tumawid sa kalsada o biglang nag-red ang traffic light, kailangang handa ka laging tapakan 'yung break. 'Di ba favorite mo 'yon? Parang 'yung ginagawa mo sa 'kin. Konting away lang, break agad.
Lastly, kapag nakarating ka na sa pupuntahan mo, patayin mo ang sasakyan at bumaba ka na. Siguraduhin mong naka-lock bago mo iwan. Gaya ng ginawa mo sa 'kin. Pinatay mo 'yung puso ko tapos sinigurado mong hindi ako makakapagmahal ng iba kasi nakakadena pa rin ako sa 'yo. Tapos ano? Iniwan mo 'kong mag-isa.
Mabangga ka sana.
BINABASA MO ANG
Akala Ko Ba, Ako Lang?
Não FicçãoThis book is a self-help/advice book written in Tag-Lish. It tackles about love issues of our young generation.