Para Kang Politiko, Sa Una Ka Lang Magaling

639 7 2
                                    

Naranasan mo na bang magmahal ng taong ipinangako sa 'yo ang lahat noong una? Well, natanong ko lang naman. Marami kasi akong kilalang nabiktima na ng ganyan. Aminado ako dahil ako mismo, nabiktima rin.

Pwede silang i-compare sa mga politiko na tuwing nangangampanya lang lumalabas ang galing, talino, lakas, diskarte at super powers. Pero pagkatapos ng eleksyon, hindi mo na maririnig ang pangalan nila dahil busy na sila sa pagpapayaman at pagpapalaki ng tiyan.

Ganyan na ganyan din ang mga "politiko" sa pagmamahal. Kapag nanliligaw pa lang, ipapangako niyan sa 'yo ang lahat. Ibibigay niya raw ang mga bituin. Ang langit at lupa. Pati ang AlDub at DuRiam. Pagkatapos, kapag nauto ka na at naging kayo na, bahala ka na sa buhay mo.

Naranasan ko 'yan. Hindi ako naging exempted sa ganyan kaya 'wag ka nang mag-react na para bang ikaw lang ang pinagbagsakan ng langit at lupa.

Ang sabi nila, hindi natin mapipili 'yung taong mamahalin natin. Pero alam mo ba na dapat, kahit papaano ay masala mo pa rin ang taong magugustuhan mo? Hindi dahil pinakilig ka niya ng limang minuto ay siya na ang forever mo. Kailangang tingnan mo pa rin 'yung pagkatao niya.

Ako na ang nagsasabi sa 'yo. Maniwala ka sa 'kin. Pakiusap. Kahit mahal mo ang isang tao, kung hindi magiging compatible ang mga ugali at pagkatao niyo ay maghihiwalay pa rin kayo. Alam ko. Alam na alam ko dahil dinanas ko.

Nagmahal ako nang husto. Ibinigay at ginawa ko ang lahat ng makakaya ko. Kaya lang, nakita ko na hindi talaga kami para sa isa't isa. Mahal na mahal ko siya. Mahal na mahal niya 'ko. Hanggang ngayon. Pero hindi kami ang para sa isa't isa. Para sa 'kin, masakit siyang magmahal. Sobrang sakit at nakakamatay. May lason ang mga halik niya. Tumutusok na parang punyal ang bawat yakap niya. Lumulusaw ng puso ang bawat patak ng luha niya.

Panis. Pwede na 'kong manalo ng kadramahan award.

(Bumalik na lang tayo sa topic.)

Meron akong maikling list na naisulat habang kumakain ako ng pancake na walang lasa kanina. (Bibili ako ng limang kilong asukal mamaya sa grocery. Bubudburan ko 'yung nagluto dahil mukhang allergic siya sa sweetness.)

Gusto kong basahin mo 'to para makapagmuni-muni ka. Pero bago 'yan, siguraduhin mo munang natapos mo na ang mga school works mo dahil mas mahalaga pa rin 'yon kesa sa kahit anong trip mo sa mga oras na 'to.

Paano Makakaiwas sa mga Politiko?

1. Iwasan munang humarot. Friends muna.

Alam kong alam mo na alam nating pareho na echos na lang para sa mga kabataan ngayon ang panliligaw. Hindi na seryosong bagay iyon para sa kanila. At alam mo ba ang nakakainis minsan? 'Yung kaka-text o chat niyo pa lang sa isa't isa, gusto niya na agad na maging "kayo" na.

Isang beses ay nag-post ako sa personal account ko sa Facebook habang nagsusulat ako. Naisip ko kasi bigla ang tungkol nga sa "fast-dating" o "one-click" relationship na nangyayari sa kasalukuyan. Hindi ko maiwasan pero nadi-disappoint talaga ako sa nangyayari sa henerasyon natin.

Kapag may nakilala kang bagong nilalang, 'wag naman kaagad pumayag na sa harutan mauwi ang lahat, lalo na kung hindi pa nga kayo nakakapagkita sa personal. Mas mabuting kilalanin niyo muna ang isa't isa. Ano 'yon, hindi pa nga kayo close, may Malanding Ugnayan na agad?

Tandaan mo na kapag masyado mong minadali na makilala niyo ang isa't isa, kapag nagkaroon kayo ng relasyon ay siguradong mabilis din kayong magkakahiwalay. 'Yung mga mag-jowa nga na inabot muna ng apat na taon ang pagkakaibigan, naghihiwalay pa rin pagkatapos ng ilang taon eh. (Medyo hugot.)

May mga ilang reader ako dati na nagsasabi sa 'kin na ayaw daw nilang magkaroon ng boyfriend na naging kaibigan muna nila. Tinanong ko kung bakit. Ang sabi naman nila, nakakailang daw 'yung gano'n.

Akala Ko Ba, Ako Lang?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon