Ang Huling Habilin ni Lola Alexa

200 5 0
                                    

Hindi pa isasara ang kabaong. Masamang damo ako. Hindi pa 'ko mamamatay. 'Wag kang ano.

"Ang huling habilin" ang naging title ng chapter na 'to dahil ito na ang last part ng pag-uusap natin. Kamusta na ang feedback ng puso mo? Nakakaramdam ka na ba ng kahit kaunting positivity? Gumagaan ba ang pakiramdam mo? Nag-decide ka na ba na mag-let go sa lahat ng sakit na nagpapahirap sa 'yo ngayon?

Sana oo ang sagot mo sa lahat ng tanong ko.

Love is the most powerful yet most complicated thing on Earth. Kapag in love ka, ang bawat oras at bawat bukas ay walang kasiguraduhan. Hindi mo alam kung hanggang kailan magtatagal sa tabi mo ang taong mahal mo.

Kaya naman sa mga oras na 'to na hindi ka pa committed sa kahit sino ay subukan mong enjoyin nang husto ang buhay. Hindi mo kailangang magmadali pagdating sa pag-ibig.

Kagabi, pagkatapos kong maglaba nang pagkarami-rami ay nagreklamo ako sa lola ko. Sinabi kong masakit ang likod ko, ang leeg ko at ang mga braso ko. Alam mo ba kung ano'ng sinabi niya sa 'kin nang mga sandaling 'yon?

Hindi mo naman kasi dapat minamadali [ang] lahat. Pwede mo namang dahan-dahanin. Masakit talaga 'yan. Binigla mo eh. Pinilit mo ba namang kayanin lahat. Ang lahat ng bagay, may proseso.

Hindi humuhugot ang lola ko nang sabihin niya 'yan. Pero naisip kong may isa pang ibig-sabihin 'yung phrase. Tama siya. Hindi ko dapat minamadali ang lahat. Masasaktan talaga ako.

Ganyan din sa pag-ibig. Hindi mo kailangang magmadali, lalo na kung hindi ka pa naman talaga emotionally ready. Mahihirapan at masasaktan ka lang. Hindi ka totoong magiging masaya.

Maraming dahilan para makita mo ang happiness. Nariyan ang pamilya mo, ang mga kaibigan mo. Marami ka ring mapagkakaabalahan. Hindi lovelife ang magpapaikot sa mundo mo. Oo, parte 'yan ng buhay. Pero habang nagma-mature ka, mas makikita mong isa nga lang 'yan sa mga nagpapaikot sa buhay ng tao. Marami pang mas mabibigat na bagay. Marami pang mas kailangang pagtuonan ng pansin.

Kung gusto mong magkaroon ng matinong kausap, tawagan mo 'ko. Magkape tayo. 'Yung P500 mo, gagawin nating P50.

Akala Ko Ba, Ako Lang?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon