Chapter 1

27 4 2
                                    

It's been years and hindi pa din kami nag-uusap ni Camie, updated lang ako sa kanya dahil kila Bea at sa fan page niya, minsan sa mga posts niya sa social networks account niya. Naging busy na din ako since tinuloy namin yung pagpasok sa music industry, si Marlon o mas kilala na ngayon bilang Loonie, ako at si Apekz pinasok din ang underground rap battle, pati din pala si Shehyee. We also have our own independent record label, ang Artifice Records. Sa sobrang daming gig at sobrang busy medyo nakakalimutan ko din yung problema ko, hindi ko din kasi alam kung ano sasabihin ko sa kanya or paano ko siya kakausapin.

Bihira na din ako umuwi ng bahay simula nung bumili kami nila Rjay ng sariling bahay. Kahit naman puro lalaki kami malinis naman yung bahay namin ah.

Pagbaba ko bumungad agad sakin si Josef. Sabi niya kasi may importante siyang sasabihin sa amin nila Ron. Si Josef nga pala yung naging Manager ko, ever since naman magaling mag-handle 'to kaya natuwa ako nung pumayag siya, syempre kesa naman ibang tao pa maging manager ko, mas gugustuhin ko ng kaibigan ko yung nag-handle ng career ko.

Josef: pwede naman tayo mag meeting dito di ba? Dito ko na kasi pina diretso sila Loonie

Raymond: Oo naman. Anong oras darating sila Loonie?

Josef: sabi ni Ron papunta na daw sila

Raymond: baka malapit na yun. Asan nga pala yung dalawa?

Josef: umalis. May date

Hindi ko na sinagot yung sinabi niya, halos sanay na din naman ako na madalas umaalis yung dalawa. Naghahanap ako ng makakain since hindi pa ko nakain. Hindi naman ako marunong magluto kaya di ko na din tinangka pa. Nakakita ako ng apple sa ref kaya yun na lang kinuha ko at bumalik sa sala at pinanood si Josef maglaro sa xbox.

Josef: so kamusta ka na?

Raymond: okay naman bakit??

Nagtatakang tanong ko sa kanya, hindi siya agad sumagot at tinitigan lang ako

Raymond: bat ganyan ka makatitig?? Para kang ewan dyan. Halos lagi naman tayo magkasama may mababago ba???

Josef: yung totoo. Kamusta ka na?

So yun. Si Josef yung isa sa mga kaibigan ko na hindi naniniwala na okay ako pero hindi naman niya ko kinukulit. Huminga ako ng malalim bago ko sagutin yung tanong niya.

Raymond: ganun pa din. Halata ba?

Josef: hmm. Sa aming mga kaibigan mo? Malamang Oo. Sa mga fans at sa iba? Hindi. Malay ba nila sa nangyari noon tsaka hindi ka naman talaga nila kilala tulad namin. Dre, nagaalala kami sa'yo, tigilan mo na kasi yang kaka-stalk mo kay Camie kung wala ka namang balak kausapin siya

Raymond: hindi ako nagsstalk noh, sino nagsabi??

Loonie: malamang yung facebook

Ron: sa lahat ata ng post ni Camie nagrreact ka

Teka, bakit di ko narinig na dumating tong dalawang to

Raymond: oh andito na kayo, bat di ko kayo naramdaman?

Loonie: hindi kami to guniguni mo lang

Ron: eh pano, kay Camie ka lang naman may nararamdaman pano mo kami maramdaman

Nagtawanan silang tatlo habang ako na-peste lang. kahit kelan talaga tong dalawang to.

Best Friend Goals: Puzzle of the HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon