Chapter 8

19 3 1
                                    

*Raymond's POV

I really hate hangovers, napasarap yung inuman namin. Pero mas may malala sakin ngayon, sino pa ba eh di si Ron, sobrang lasing na lasing kagabi. Dito na din kasi sila natulog. Ewan ko ba sa taong yun mahal pa naman pala niya tapos nakipag break. Ngayon tuloy halos di siya makabangon ng kama. Tsinek ko yung phone ko for messages, nanlaki yung mata ko nung nakita kong nag message ako kay Camie, sneen niya lang yung message ko. Ugh yare ako neto, ayaw pa naman nun pag nagpapakalasing kami. Bumaba na ko agad dala yung phone ko.

Josef: oi gising ka na pala, kausap ko kang si Camie

Bakit sila magkausap -_- tas sneen lang yung akin. Naintriga tuloy ako sa pinagusapan nila.

Raymond: anong sabi?

Josef: siya na daw bahala sa tutuluyan natin sabi ko wag na kasi hindi lang naman tayo ang pupunta, may iba din tayong mga kasama. Though she insist.

Raymond: alam mo naman yun. Kapag ginusto ginusto. So same place pag stay-an natin with Camie??

Josef: Nope. Nakapagpa reserve na kasi ng rooms for the tour. Though, I let her arranged some itinerary for us.

Hala naman to si Josef. Bakit siya tumanggi. Okay lang makakasama pa din naman namin si Camie.

Raymond: the best ka talaga

Loonie: hala! Lalong na-excite ang kaibigan namin

Raymond: suempre naman! Makikita ko na yung bestfriend ko.

Rjay: bestfriend nga daw ang turing

Josef: samantalang sino nga ba ang inspirasyon kaya naisulat yung kantang

Lahat (maliban kay Abra): DIWATA

Pinagtawanan ako ng mga loko, aga aga ako ang trip. Aminado naman ako na naging inspirasyon ko si Camie kaya ko din naisulat yung kanta.

Loonie: aynako Abra sa tagal na nating magkaibigan, kami pa ba lolokohin mo?

Alex: doesn't she have a boyfriend in the US

Loonie: ang alam ko meron

Lahat kami napatingin sa kanya. Natigilan din ako, parang biniyak yung puso ko sa sinabi niya.

Loonie: sabi lang ni Yuki. Pero, baka break na?

Inantay ko magkwento si Loonie pero sabi niya yun lang daw alam niya kung gusto ko daw tanungin ko si Yuki, Bea, o si Kat

Raymond: wait. Kat? As in Katrina na kapatid ko??

Loonie: Oo. Si Katrina Abracosa malamang ala nga naman paghanapin kita nang kung sinong Kat diyan atsaka may iba bang Kat na kakilala natin na close ni Camie?? Sige nga magbigay ka nga

Bakit nga ba hindi ko agad naisip yun, oo nga pala may hangover ako. Simula nung umalis si Camie, never naman nawala yung communication nila ni Kat. Almost everyday magkausap sila.

Rjay: obvious naman sa mga kanta ni Camille. Sabi nga niya sa isang interview most of her songs are written based on experience.

Raymond: interview? Teka nga teka nga. Kelan ka pa naging updated ng ganyan kay Camille?

Rjay: simula nung magka girlfriend ako na adik na adik kay Camie. I think she even wrote one for you

Raymond: anong kanta??? Alin dun??

Rjay: hindi ko maalala

Apekz: eh saan niyo ba napanood yung interview?

Rjay: sa Ellen. Eh teka nga tol, akala ko ba iniistalk mo si Camie, bakit hindi mo alam yung interview na yun?

Raymond: grabe naman sa iniistalk. Eh hindi naman lahat nakikita ko.

Ron: try niyo kaya hanapin sa youtube for sure meron yun dun.

Apekz: oh okay ka na?

Ron: medyo sumasakit pa yung ulo ko

Rjay: may gamot dun sa gilid ng ref uminom ka

Habang kausap nila Josef si Ron sinubukan nga namin hanapin sa google yung interview and tama nga si Ron meron nga dito. Na-excite ako panoorin yung interview dahil malalaman ko kung totoo nga yung sinabi ni Rjay na may ginawa ngang kanta si Camie para sakin, pero hindi naman sinabi anong kanta, kainis naman, pano ko malalaman kung alin sa mga kanta niya yung tinutukoy niya.

Best Friend Goals: Puzzle of the HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon