Chapter 22

20 3 2
                                    

It's been a year since naging kami ni Raymond and nagawa naming itago yun sa public. I don't know how but we did pero we all know na sooner or later malalaman din nila either umamin kami or a picture of us will surface the net. Actually ang dami ng speculations sa relationship status ko, well si Raymond kasi masyado talagang private when it comes to such matter pero this past few days nakakairita siya kung sino sino na lang pinagseselosan. na-llink kasi ako kay Josef kasi lagi daw kami magkasama nakakaloka, hindi naman kasi alam ng lahat na Assistant Manager ko siya and speaking of Josef I'm currently here sa apartment niya.

Josef: we need to finish this today Cams, aantayin ni Ate Yso tonight yung report ko sa kanya

Camille: fine. Unti na lang naman to

Josef: bakit ba mukha ka nanamang iritable dyan?

Camille: tanungin mo yung kaibigan mo

Saglit tumahimik si Josef at parang napaisip tas biglang tumawa

Josef: ano nanaman ba nangyari?

Camille: eh kasi kanina pa text ng text at tawag ng tawag. Ang kulit kulit

Josef: eh bat kasi di mo na lang hayaang pumunta dito ng di ka naiirita dyan

Camille: Jo! Alam mo namang wala din ako matatapos pag andito yun

Lately nagiging clingy si Raymond na may time na nakakainis na lang. kung hindi ko lang mahal yun nako lang talaga

Josef: hahaha. Okay okay. I think kasalanan namin ni Rjay yan

Camille: huh?? Bakit??

Josef: akala niya ata ikaw kausap ko nung isang araw. So yung issue na na-llink ka sakin

Camille: huh? Di ko gets

Biglang may nag doorbell

Josef: pa tignan naman sino yun, maghahanda lang ako ng iinumin at kakainin natin

Sabay lakad niya papuntang kusina

Camille: JOSEF, pag eto si Abracosa sasakalin kita

Seriously, ayoko muna kausapin today si Raymond. Kailangan ko tapusin yung pinagagawa ni Ate samin dahil kung hindi parehas kami makakatikim ng sermon. Sinunod ko na lang si Josef at tinignan sino yung tao sa labas. Pag tingin ko may girl sa labas ng pinto binuksan ko agad to ask her but she talked first pero bago siya nakapagsalita parang nagulat pa siya sakin.

???: erm. Andyan si Josef??

Camille: ahmm sino sila?

???: girlfriend niya

Nagulat ako sa sinabi niya. Wala akong idea na may gf si Josef.

Camille: ahmm girlfriend??

Bago siya sumagot

Josef: Jessica?? Ano ginagawa mo dito?

Napatingin na lang ako sa kanilang dalawa.

Jessica: pinuntahan kita sabi mo kasi busy ka kaya di ka makakalabas

Pag sabi niya nun napatingin siya sakin habang ako nakatingin kay Josef na nakataas yung isang kilay. I don't know what's going on, kung talaga bang girlfriend siya ni Josef at kung totoo kelan pa?

Best Friend Goals: Puzzle of the HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon