Chapter 25

17 2 1
                                    

Its been a week since nasa US ako. I'm done with the interviews regarding the issue. To my boyfriends' dismay tuloy ang three weeks stay ko sa US, I still have some guesting to do here, specially to some shows na may one episode appearance ako. Well, I have decided to stop acting specially if I wanted to stay in the Philippines, so I'll be doing small episodes from now on. I'm currently on my way back home since I've just finished filming my part on one episode of Glee. Yes, it's almost 10 in the morning and we've just finished filming. I tried calling Raymond but he is probably still doing GGV, and yes it's a Sunday in the Philippines, so instead I called Josef.

*Raymond's POV

Its been a week since umalis si Camille for some interviews and filming sa US, nakakainis lang that she has to stay there for three weeks. This would be the first time that we're miles a part sa relationship namin. Three weeks lang feeling ko di ko na kakayanin what more when she decided that she wanted to make a movie or go on a world tour, which is not impossible since ginawa niya yun 3 years ago. Andito kami ngayon live sa GGV pero yung utak ko wala dito, hindi ko masyado feel, gusto ko na lang umuwi and wait for Camille's call or video calls. Hindi na ko sanay na hindi katabi si Camille kapag gusto ko.

Vice: hoi Abra, kasama ka ba namin?? Bakit parang nasa ibang dimension ka ata

Loonie: Oo nga e mukhang malalim ang iniisip, halos wala ng isip.

Raymond: pagod lang

Vice: weh parang di naman

Raymond: nakikinig lang ako sa inyo kayo naman

Loonie: sige nga ano yung pinaguusapan namin

Raymond: yung show?

Vice: kutusan kita dyan e, ano ba iniisip mo bakit parang ang lungkot mo

Loonie: namimiss niya si Camie..

Vice: namimiss mo?

Raymond: oo sobra, eto yung first time na ang layo namin sa isa't isa

Vice: dapat masanay ka na. Pero dahil ayaw namin na nalulungkot ka... Hi Sophia!!

And there on the screen appears Camie

Camille: Hi Vice, hi guys!

Loonie: hi Cams

Camille: oi Marlon

Vice: Sophia, ayaw kami pansinin ni Abra dito ngayon sa GGV namimiss ka daw niya

Camille: ganun.. haha, miss you too bab. Mag focus ka dyan I'll see you soon

Raymond: yes boss. Ingat ka

Vice: kailangan talaga pinagagalitan ka muna ni Sophie?

Raymond: hindi naman. First time lang talaga na ang layo namin sa isa't isa, tsaka yung time kasi usually ganitong oras magkausap kami, bago ko matulog.

Vice: ah kaya pala. Sophia, mukhang inaantok ka pa ata? Umaga na dyan di ba?

Camille: yes yes. Kauuwi ko lang galing taping, napa late masyado yung taping so ayun, matutulog pa lang din talaga ko.

Vice: naistorbo ka pa pala namin

Camille: no, its okay. Wala din naman ako lakad today.

Raymond: you should rest babe

Camille: I will.

Vice: sige na Sophia magpahinga ka na. Maraming salamat sa panandaliang pag bisita mo samin thru video dito sa GGV

Camille: welcome. Thank you din. Bye

Raymond: see you soon

Naibaba na ni Camie yung video. She really look tired, so for sure she'll be fast asleep after ko dito and possibly umaga na dito bago siya magising. Pero okay lang, I'll just talk to her tomorrow.

Vice: mahirap ba talaga yung long distance?

Raymond: para sakin Oo, kinakaya naman pero minsan parang nakakabaliw lang. Ang lapit lang kasi ng bahay namin sa isa't isa so ayun.

Natapos yung GGV ng mga 11 after nun umuwi na din kami, pagod din talaga since galing pa kami sa gig last night at late na din talaga nakauwi. Medyo masama din pakiramdam ko kaya wala talaga ako sa mood.

Josef: Camie wanted to wait for you kaso mukhang antok na antok na talaga siya kaya nakatulog.

Josef showed me my phone and there she is sleeping. Hayy ang cute cute lang ng girlfriend ko talaga. Hindi naman niya kailangan na antayin pa ko but she did anyway. After ilang minutes I turned it off at natulog na din ako. After Camie and I's separate interviews regarding sa issue at lalo na yung interviews ni Camie abroad, sobrang dumami lalo yung bashers ni Julie, gusto kong maawa sa kanya pero she deserves it. Na-explain na namin where it all started til sa part na she tried to make it appear na as if we kissed and sleep together back then. Ayaw na sana ni Camie na ilabas pa yun but it was my decision to do so, for sure gagamitin ni Julie yun to get back to either both Camie and I or sakin lang. I have to speak and stand up for myself and my relationship. I still have two weeks bago bumalik si Camille, two more freaking weeks. Buti na lang may mga gigs at mall shows na naka line up for me pati yung recording time.

Makatulog na nga and hope pagkagising ko tapos na yung two weeks.

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*
One week yung nakalipas, one week pa yung aantayin ko para sa pag-uwi ni Camille. Nag bigay din ng public apology si Julie, okay naman na pero sana nagbigay din siya ng personal apology, sabi niya she would want to talk to Camie when she comes back, if she comes back. Akala ko ba apology pero somehow sa statement niya as if she's just doing it because she was forced to hindi dahil sa gusto niya talaga. Ow well, sana mali ako.

I haven't been feeling good this past few days, I've been working din non-stop and syempre still do video calls with Camie before I go to bed. Katatapos lang ng mall show, kasalukuyang nasa meet and greet kami, patapos na din naman kaya kinaya ko na, though alam kong hindi na talaga okay yung pakiramdam ko.

Loonie: okay ka lang ba dre?

Apekz: Oo nga pre namumutla ka ah

Raymond: okay lang mga pre, matatapos na din naman 'to tas makakapagpahinga na tayo.

Pero sa totoo lang hindi ako sigurado kung kaya ko pa. Ang lamig ng pawis ko at nilalamig ako, alam ko ng nilalagnat ako pero hindi ko alam na ganito ka-grabe. Nahihilo na din ako. May iilan na lang na fans yung andito so siguro kaya ng tapusin, may nag request ng picture kaya tumayo ako at lumipat ng pwesto para makapag picture kami ng maayos ngunit bago pa ko maka pwesto bigla na lang akong bumagsak the last thing I heard was the shout of the remaining fans sa loob. Naisip ko na lang si Camie, how I wish she was here.

Best Friend Goals: Puzzle of the HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon