V - Her Mind
Sally Jane Tablang,
Manghuhula, 22
Bumaba rin siya sa sasakyan nang makarating kami sa tapat ng bahay ko. Alam kong hindi nagkakalayo ang mga edad namin, pero kahit na. Propesor ko pa rin siya, at estudyante niya lang ako. Hindi tama 'tong kutob ko na may gusto siya sa'kin.
'Ay wow, assuming lang, 'te? Haba ng hair mo ah! Isang David Austria, magkakagusto sa weirdong manghuhula?' – mas mabuti nang kontrahin ang sarili kaysa umasa sa imposible.
"May customer ka yata?" Hindi siguradong sabi ni sir David. May lalaki kasing nakatayo sa may tapat ng bahay ko. Ngunit nakatalikod ito kaya parehong hindi namin maaninag ang mukha.
"Sige sir, baka ma-traffic pa po kayo. Salamat po sa paghatid." Medyo nahihiya ko pang sabi. Kung wala lang talaga kaming kakaibang koneksyon, siguro iniwasan ko na 'to hanggang sa matapos ang semester.
Hiyang-hiya talaga ako sa mga pinagsasabi ko sa kanya kanina. Bakit kasi ang kapal kapal ng mukha mo, Sally Jane?!
"Where's your phone? Save my number."
"Huh?" Wait, hindi pa 'ko ready sa ganito kabilis na move ng isang lalaki. Is my professor trying to hit on me? ME? Isang panget na tulad ko?
"Hindi ko man nababasa 'yang nasa isip mo," Sabi niya habang tinatype ang contact number sa cellphone na nag-alangan pa 'kong i-abot. "But I know you find me weird."
Binalik niya sa'kin 'yung phone ko.
"It's been a while since I wanted to protect anyone. I just feel like I need to protect you. So if anything happens, call me."
Tila may karera ng kabayo sa puso ko ngayon sa bilis at lakas ng tibok nito. Hindi na 'ko nakagalaw sa kinatatayuan hanggang sa makaalis siya. Kung panaginip man 'to, pwede bang hindi na lang ako magising, please?
Isang guwapo at successful na professor, may gusto sa isang hamak na manghuhula? At nahulog ang loob niya sa'kin ng isang araw lang! Sally Jane, hindi ko inakalang may pag-asa ka pa pala sa mundong 'to!
"Hopia?"
Napatalon na lang ako sa gulat nang may biglang gumulo sa gising kong pananaginip. Parang baliw lang.
"Uy, hopia!" At talagang 'hopia' na ang tawaga namin ha? "Anong ginagawa mo dito? Pa'no mo nalaman na dito ako nakatira?"
"Ah, nilipat kasi kami ng accomodation ng kompanyang pinagtatrabahuan ko. Narinig ko lang 'yung pangalan mo sa mga kapitbahay. Magpapahula daw kasi sana sila, kaso walang tao."
"Nako, sigurado akong sila Aling Tessa lang 'yun. Magpapahula siguro kung mananalo sila sa tong-its. Kilala talaga dito!" Ang kapal talaga ng mukha ko kahit kailan. "E buti naman at natandaan mo 'ko. So, kumusta?"
"Ayos lang," matipid niyang sagot. Alam ko namang kaya siya nag-effort na hanapin ulit ako dahil tulad ni sir David, pareho kami ng sitwasyon.
Teka, tatlo kaming nakakabasa ng isip ng mga tao? Hindi ba may tawag dito? Kung bakit kami pinagtagpo-tagpo?
"Tingin mo ba madami tayong ganito?"
"Tadhana?" Sambit ko nang maalala ang tamang termino. "Destiny?"
"Huh?"
"Kung bakit sa tagal ng panahon, ngayon lang tayo nagkakila-kilala... tayong mga nakakabasa ng isip," Paliwanag ko na nag-mistulang patanong.
Kunot-noo siyang nagsalita, "May nakilala ka pa bukod sa'kin?"
Tumango ako. "Kasama ko nga lang siya kanina,"
![](https://img.wattpad.com/cover/95942476-288-k500739.jpg)
BINABASA MO ANG
The Four People Who Read Minds
ФэнтезиKung ang pangingialam ng gamit o pag-alam ng sikreto ay invasion of privacy na, paano pa kaya basahin ang eksaktong nasa isip ng isang tao? Well, as if these four people have a choice. Since birth pa nagsimulang umingay ang kanilang mga paligid. At...