Chapter 4

304 16 1
                                    

IV – His Mind

David Austria,

Professor/Journalist, 27

Second week of meeting this second semester na dapat namin ngayon ng mga estudyante. Kaso sa unang araw, kinailangan kong pumunta sa Singapore para i-cover 'yung state visit ng Pangulo. Hindi ko man basahin ang mga isip ng mga estudyante, alam kong tuwang-tuwa sila dahil walang Sir David Austria na magpapa-recite sa kanila isa-isa. But I'm back, and they should all be back to reality now.

"Op, op! Wait kuyaaa!"

Agad kong napigilan ang pagsara ng elevator nang biglang may babaeng humaharurot sa pagtakbo para lang maabutan itong bukas.

"Thank you, hay! Buti nakaabot ako." May pag-hingal na tugon nito. "Thank you kuya ha. Ang tagal pa naman bumukas ulit ng elevator na 'to. Kung nagkataon, baka ma-late pa 'ko sa klase."

Tumingin ako sa suot ko. Dahil ba naka-plain white shirt lang ako, mukha na 'kong isang ordinaryong 'kuya' at hindi isang professor ng unibersidad na 'to? O kahit kailan ba, hindi niya ko nakita sa TV na nagre-report?

Pagdating ng 5th floor, sabay kaming lumakad palabas ng elevator. Deretso lang akong lumakad papuntang faculty room nang bigla nanamang sumulpot 'yung babaeng mukhang manghuhula.

As a journalist, I've learned to not jump to conclusions without giving second thoughts or back up sources and research. But I have to be observant. And based on my observation, this woman is free of the standards of this world.

"Pareho pala tayo ng bababaan. Anong room mo?" Bago pa man ako makasagot, bumukas nanaman ang bibig niya at may panibago nanamang sasabihin, "Kilala mo ba si sir David Austria? Same building at college tayo, malamang kilala mo din siya."

"Uhm," sasabihin ko na sanang ako lang naman ang tinutukoy niya. But that would be no fun. At isa pa, palagi niya 'kong pinipigilang magsalita.

"Naku, kinakabahan nga ako kasi baka siya pa 'yung maging dahilan ng hindi ko pag-graduate. Last chance ko na 'to sa scholarship ko kaya hindi na 'ko pwedeng bumagsak."

"Ano ba'ng ginawa sa'yo ng prof mo?" Finally, nakasingit din ako.

"Sabi kasi ng mga nauna nang gumraduate, sobrang strict daw no'n. Recitation pa every meeting!"

"Scholar ka nga 'di ba, so masipag kang mag-aral?" I know it's unfair of me not to tell her she's practically saying bad things in front of her professor, but again I just want to keep the game since I find this funny.

"Haynako kuya, madami lang akong paraan para maka-survive." And then she laughs out loud. Naisip ko tuloy, hindi kaya ang method of survival niya ay makipag-kaibigan sa mga matatalinong estudyante para tuwing may groupings, siguradong may grade siya?

"Well, whatever your method is, I'm sure mahihirapan kang gamitin 'yan kay Sir David Austria." I said, clealrly emphasizing my name.

Mula sa 'di kalayuan ay bigla akong tinawag ng co-professor ko sa department. Pagkakita ko pa lang sa mata niya, alam ko nang tatawagin niya 'ko sa pangalan.

"Sir Austria! Long time no see! Kumusta Singapore?" Isa ito sa mga cool professor ng department kahit limang taon ang agwat ng edad namin. "Nasa room na mga estudyante mo. Napaghahalataang takot ma-late."

"Sige sir, daan lang ho ako saglit sa faculty."

Napatingin siya sa gawing kanan kung saan nakatayo ang payuko-yukong estudyante ko. Sa isip-isip niya, first day ko pa lang ngayong semestre, may biktima na 'ko kaagad? Dala na rin ng tsismis, kilala na 'ko sa pagiging malandi sa mga estudyante ko.

The Four People Who Read MindsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon