Chapter 16

154 13 0
                                    


XVI - Her Mind

Sally Jane Tablang,

Manghuhula, 22

"Sige ate, iiyak mo lang 'yan, eto o tissue... madami akong tissue..." Panay na ang comfort ko kay ate girl dahil pagkaupong-pagkaupo pa lang namin e panay na ang iyak niya. Ni hindi ko na nga mabasa kung ano ba talaga ang nasa isip niya.

"Sorry, sorry talaga," hagulgol niya. "Wala na kasi akong mapaglabasan ng sama ng loob. Punong-puno na 'ko. E kung wala na 'kong ibang makakausap, mas gugustuhin ko na lang magpakamatay."

"Hala ate 'wag mong sabihin 'yan!" Hindi ko akalaing magiging ma-drama pala ang umaga ko! "Ate, lahat ng bagay may solusyon. Tama lang 'tong ginawa mo, naghanap ka ng kausap kaysa kimkimin kung ano man 'yang nagpapahirap sa'yo."

Muli siyang suminga sa tissue na binigay ko. Pagkatapos ay nag-suot ng shades. "Ayos lang ba na magsuot ako nito? Namamaga kasi 'yung mata ko tuwing umiiyak."

"Kaya lang ate, hindi ko kayo mahuhulaan 'pag nakatakip 'yung mata niyo." Binabase ko na nga lang sa isip ng tao 'yung panghuhula ko e.

"Ganu'n ba?" Tanong niya at muling binuksan ang kanyang bag. Sa pagkakataong 'to, bote ng alak naman ang inilabas niya. Hala siya, umagang-umaga! "Kahit five minutes lang, pwede mo ba 'kong saluhang uminom?"

Napapakamot na lang ako sa ulo. Sino ba naman ang mag-iinom ng ganitong oras? Kakasikat pa lang halos ng araw.

"Sige kung ayaw mo ayos lang naman... sorry talaga," Tapos grabe mangonsensya. Gigil si ako ha. Gigil talaga.

"Wait lang ate, ikaw naman, wala naman po akong sinasabing ayoko. Kukuha lang ako ng baso ha." Sabi ko at lumabas sandali. "Hi mga kuya, kukuha lang po ako ng baso ha. Diyan lang kayo." 'Yung tindig kasi nila akala mo talaga may masamang mangyayari sa'kin.

David Austria is calling...

"Ay ipis na lumilipad!" Muntik ko pang mahulog 'yung cellphone ko! "Kasi naman kung mag-vibrate e ang lakas-lakas! 'Yung puso ko ha! Papatayin mo ba 'ko sa gulat?!"

"Ma'am ayos lang ho ba kayo?!" Dali-dali namang pumasok ang dalawa. Kakasabi ko lang hanggang labas lang sila. "May nangyari po ba'ng masama?"

"Eto! Tumatawag 'yung boss niyo!" Umubo-ubo ako at baka may bahid pa ng bagong gising ang boses ko.

"Hello sir, good morning po," ganu'n talaga 'pag kausap si crush, nagiging sweet. Tinitigan ko sila kuya, 'wag silang judgmental aba!

"Yes good morning. Dumating na ba 'yung bodyguards mo? Sorry ngayon lang ako nasabihan ng kaibigan ko na ngayon pala siya nag-deploy." Ay ang taray talaga ng connections ni sir David.

"Yes sir, ang lalaking bulas nga ho e."

"Malalaking babae ba? I told my friend I want women guards for you."

"Aaaahhh..." So anong nangyari? Bakit lalaki 'tong mga 'to? "Dalawang lalaki po sir e."

"What?!" Ramdam ko 'yung panic niya sa kabilang linya. "Wait, nabasa mo ba 'yung mga isip nila?"

"Opo sir, legit naman. Tsaka andito naman po si Eric kanina. Verified and certified legit!"

"Bakit pumunta diyan si Eric?"

"Natakot po kasi ako nu'ng may nakita akong dalawang lalaki na naka-abang. Kaya ayun, tinawagan ko si kuya hopia."

"Why didn't you call me first?"

Homaygash. Eto nanaman po tayo. "Kasi sir alam kong busy po kayo kaya,"

"Busy or not I told you to call me if anything happens." Eto talaga 'yung mga 'kroo-kroo' moments lalo na kapag naba-blanko ka sa kilig. "Anyway, pa-kausap na lang muna ako sa dalawa."

"O-okay sir..." Inabot ko ang phone na hawak at iniwan muna sila du'n para kumuha ng baso. Sige na, pagbibigyan ko na muna si ate. Minsan lang naman ako magkaro'n ng customer; so kaysa naman langawin ako, i-eentertain ko na lang siya.

"Ma'am okay na po, nakausap na po namin."

Kinuha ko na ang phone mula sa kanila at baka may sasabihin pa si sir David sa'kin. "Hello sir, may customer po ako ngayon kaya later na lang bye!"

"Wait," bigla niyang sinabi, "I'm picking you up this afternoon."

Shemay sa sobrang gulat ko napa-"okay, sir. See you po..." na lang ako. Wala na 'kong lakas ng loob na magtanong kung bakit, saan, at anong meron!

Binalikan ko si ate dala na ang baso para sa'ming dalawa. At talagang naka-shades pa din siya ha. "Maga pa din ba 'yung mata mo?"

"Oo e. Kahit mamaya mo na 'ko hulaan." Nilagyan niya ang mga baso namin, pagkatapos ay sabay kaming uminom. Hindi pa 'ko halos nakakalunok nang lagyan nanaman niya ang baso ko.

"Ate, ang tapang naman nito," medyo hilo-hilo ko nang sabi. "Nakakadalawang baso palang ako pero," umiikot na talaga siya sa paningin ko, habang siya e ang ayos ayos pa din ng upo. Akala mo walang epekto sa kanya 'yung alak.

"Mababa nga lang 'yung alcohol level niyan e." Naiintindihan ko pang sabi niya. Inalis niya ang kanyang shades. Hindi naman namamaga 'yung mata niya—o baka lasing na talaga ako kaya hindi ko gaanong makita?

'May pampatulog lang 'yan,' sinabi niya ba 'yon o nabasa ko lang sa isip niya? 'pasensya na, pero may nag-utos lang kasi sa'king gawin 'to.'

"Sino?" Pero wala na 'kong sagot na nakuha. Eto na 'yung literal na black-out. 

The Four People Who Read MindsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon