Epilogue

257 16 3
                                    


His Mind

David Austria,

Professor/Journalist, 30

Break the curse. Live.

Mga ilang oras din akong nakatitig sa mga letrang sinulat ko sa papel na naka-ipit. Nalaman ko na lang na diary pala ito ng tatay ko dahil sa pangalan niyang, 'Henry Austria'. Puro Laura ang bukambibig ng mga pahina niya, at puro Karmen naman ang mga dokumento ko.

"Iisang tao lang naman sila." Tugon ko nang matauhan.

Ano kaya ang nasa isip ko nu'ng mga panahong gusto kong malaman ang ibig sabihin ng tatay ko sa mga tula niya? Bakit 'Live' ang sinulat ko, at hindi 'Evil'?

"Bakit nga ba hindi ko binasa ng pabaliktad, e mukhang 'yun ang salitang pinaka-tugma sa archived reports?"

Nakakapanghinayang kung iisipin—na kung sino pa 'yung taong nangangarap at naghahangad mamuno, siya pa ang unang mawawala sa mundong 'to. Ang daming kasong laban sa kanya, pero hindi pinansin 'yung mga magaganda niyang nagawa.

Ako ba? Ako ba talaga ang nagpabagsak sa kanya?

Kung naaalala ko lang sana ang lahat, hindi siguro ako mag-iisip ng kung ano-ano. Pero sa ngayon, para akong tinatawag na sundan ang yapak ni Karmen Obando. After all, she was also a journalist like me. My parents shared the same dream once.

- END


The Four People Who Read MindsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon