Chapter 9

234 20 3
                                    

IX - Her Mind

Sally Jane Tablang,

Manghuhula, 22

"Wag mo 'kong ma-chicks-chicks diyan, ang haba-haba na nga ng damit ko e! Leche!"

"O edi, hi, manang!" Asar ng isang tambay at saka tumakbo palayo. Baliw na 'yon. Ilang rugby yata ang nahithit.

Nakakairita. Tambay na lang yata talaga ang nagkakagusto sa'kin ngayon. Pero may sir David Austria nga pala ako. Hay, ang hirap naman itago ng ngiting 'to o. Kapag iniisip ko na makikita ko ulit siya ngayon, ang lakas ng tibok ng puso ko.

Umupo ako sa bench park, malapit sa meeting place na napag-usapan namin ni kuya hopia—ni Eric pala. May nakatingin sa'king isang bata mula sa 'di kalayuan. At talagang iniisip niya na baliw ako ha.

"Hoy bata! Hindi ako baliw, 'no. Naaalala ko lang 'yung crush ko kaya napapangiti ako." Pagkasabi ko no'n ay bigla na lang umiyak 'yung bata at nagtata-takbo papunta sa kanyang nanay. Masama ba'ng mag-explain?

"Why are you voicing out your thoughts? And to a clueless kid?"

Napatayo ako nang marinig ang gwapong boses na 'yon. "S-sir David!"

"Sino naman kaya 'yung crush mo, Sally Jane?"

Napaiwas ako ng tingin. Baka kasi mabasa niya kung anong nasa isip ko. Kung nagkataon, wala na 'kong mukhang maihaharap.

"Don't worry, I can't read your mind. Hindi mo na kailangan pang yumuko." Natatawa niyang sabi. Shocks, tumawa lang siya, kinikilig na 'ko.

"Ah—hahaha!" Nakitawa na lang din ako. "Aga niyo sir ah! Ako nga kararating ko lang po dito e. Kanina pa po kayo?"

"Well, as far as I know, ako 'yung kararating pa lang."

Ayun lang, crush ko siya pero palagi niya 'kong pinapahiya. Napaka-bully. "Edi kayo na po. Ako na maaga. Ako na excited."

"So, asa'n na 'yung dalawa?" Tanong niya, ignoring my bitterness. Ganyan siguro talaga kapag masyadong busy. Hindi makapaghintay.

"Papunta na rin 'yun sir! Sigurado ako."

"Nag-text ba sa'yo? May number ka nila?"

Napakamot ako sa ulo. "Wala po e, nakalimutan kong hingin."

"Then how did you know they're coming?"

"Uhm," binigyan ko siya ng malawak na ngiti. "Manghuhula po ako e."

Napatawa na lamang siya habang umiiling. "Okay, ten minutes. If wala pa sila within ten minutes, I'll be leaving. May press con mamaya sa Malacañang."

"Okay, okay sir. Ten minutes."

Tumabi siya sa'kin sa bench. Gusto ko sanang kausapin ulit, kaso nakatutok naman sa kanyang phone. Malamang madami siyang tinetext ngayon para sabihin na hindi muna siya pwedeng mag-field, o kaya sinasabihan na rin niya 'yung news desk editor nila na may emergency siya.

"Hindi ka ba na-eexcite makita sila?" Tanong ko dahil bored na bored na 'kong tignan ang mga tao sa paligid. Lalo na 'yung mga babaeng naiinggit dahil isang gwapo at TV personality ang katabi ko ngayon. 'Yung iba, gusto sanang magpapicture pero nahihiya lang dahil may kasama siyang babae.

"Ano kayang mangyayari sa'ting apat? Alam mo, sir David, palagi kong iniisip na baka tagapagtanggol tayo ng mundo. Na baka 'pag nakumpleto tayo, lumabas 'yung totoo nating kapangyarihan."

Tinawanan lang ulit ako ng propesor ko. "You watch too many fantasies. That's not going to happen, Sally."

"Tss. Corny mo naman, sir." Bago pa man makasagot si sir David ay natanaw ko na si kuya hopia. Ang gara naman ng sasakyan na binabaan nila. Oh well, CEO ba naman kasi 'yung babae. Hala wait, nanliliit ako.

The Four People Who Read MindsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon