Chapter 6

274 13 0
                                    


VI – His Mind

David Austria,

Professor/Journalist, 27

Si Senator Andres na ang nagsasalita sa pagdinig nang maabutan ko. Kasalukuyan kasing nasasangkot sa kasong homicide ang isang senadora, ngunit mariin nitong itinatangging may kinalaman siya sa akusasyon. Mahina din ang ebidensyang nagpapatunay na pinatay nga ang gobernador na nakainitan umano ni Senator Karmen Obando dahil sa hindi raw ito tumupad sa pinangakuang pera mula sa pagbebenta ng ilegal na droga.

Matapos basahin ang charges ay nagtanong na si Andres, "With all these evidence, how will you defend yourself, Senator Obando?"

"Sa inyo na ho mismo nanggaling, mahina ang ebidensya and yet you're pushing it. I have served this country for more than a decade now. Even when I was not in a high position, I always have a reputation of a caring and loving mother. I know the law all my life, so how can I betray it? Palawakin pa natin—I know the Bible. I stand for what God says right and condemn the wrongdoings. God has given me a second chance to live so don't you think I'll prefer to make use of it very rightfully than commit homicide?"

I quoted, 'God has given me a second chance to live.' What brought her to say that? Muntik na ba siyang mamatay dati because of death threats? But whatever she's saying, I know the truth. She's a criminal through and through. And she's killed all the witnesses.

"This is not a hearing for personal and spiritual matters," Pagsingit ni Senator Andres ngunit nagpatuloy pa din ang senadora.

And so the hearing continues. The lie continues.

Pagtapos ng pagdinig at paglabas ng senadora ay dali-daling lumapit ang reporters para sa ambush interview; at kasama na ako du'n. Nang may pagkakataon na 'kong sumingit ay naitanong ko na rin ang gusto kong malaman bukod sa isyung kinasasangkutan niya ngayon.

"Ano ho ang pinanggalingan ng sinabi niyong binigyan kayo ng Diyos ng pagkakataong mabuhay muli?"

"Thank you for asking that," Kalmado nitong sabi, as though she's a candidate of a pageant and not a candidate of homicide. "I'm a survivor of the 1998 fire tragedy that destroyed the Children of God orphanage."

This is another scoop to many reporters kaya't mas lalo silang tumutok sa sasabihin ng senadora.

"Nu'ng bumisita ako sa loob para maghandog ng munting surpresa sa mga bata, everything was normal. The children were so happy to see me. The sisters were so thankful... But the moment I stepped out, the fire exploded." Napatakip siya sa kanyang mukha—umaaktong hanggang ngayon ay apektado pa rin siya sa trahedya.

"Some of the volunteers who came with me were even left inside. I couldn't do anything. I wanted to go back, but people were stopping me."

She didn't try to go back. She ran away.

"I believe there were other survivors, Ma'am?" Tanong ng isang reporter.

There were four children, according to what her mind speaks.

"No. Everyone died except me. Sino ba namang makakaligtas sa biglaang pagsabog? Mabilis kumalat ang apoy..."

"But Senator," Pagsingit ko, "Hindi ho ba may apat na batang nakaligtas?"

She stared at me in disbelief and confusion. Did I go overboard? Hindi ba dapat malaman ng mundo kung anong nasa isip niya? Hindi ba dapat ipaalam ang apat na batang nakasama niyang maligtas?

"I'm sorry, I have to go,"

I held onto her shoulder. I had a quick glance of her future—she's going to kill herself with a gun. Sa harap niya ay may isang babae. Sally Jane?

Anong ginagawa ni Sally sa harap ng babaeng 'to?

"Excuse me?"

"S-sorry Ma'am..." Hindi na halos ako nakapagsalita at nagpadala na lang sa tabig ng ibang reporters na pinilit pang humabol ng mga tanong sa senador.

"Uy sir, ayos lang ho kayo?" Tanong ni Kevin, 'yung cameraman ko. Hindi ko na narinig pa ang mga sumunod niyang sinabi. Dahan-dahan na lang akong lumakad pabalik ng media room.

I need to investigate. I need to find out who these four children are. I need to know Sally's identity.

***

Nakahanda na ang yellow pad sa mga arm chair ng mga estudyante ko pagpasok ko ng classroom. Nabanggit ko rin kasi nu'ng first meeting na bago magsimula ang klase, magkakaroon muna ng quiz tungkol sa hand-outs na binigay ko—kasama na rin syempre ang current events. They're journalists, after all. They have to be updated.

"Number one," Nang banggitin ko 'yun ay kanya-kanyang pag-aayos ng upo ang mga estudyante. Pagkasabi ko ng unang tanong, kita ko kaagad kung sino ang mga nakakaalam ng sagot sa hindi.

Syempre, walang masagot si Sally sa dulo. Bahagya akong yumuko upang matago ang nangingiti kong bibig.

"Okay class, turn your chairs facing each other. First row faces the second row. Third row faces the fourth and so on." Anunsyo ko at ginawa naman nila without asking. But most of them found it an opportunity to copy answers from their seatmates.

Isa na dito si Sally. Ngunit hindi ang nasa tapat niya ang kinokopyahan, kundi si Rhiannon. Well, I just gave her the opportunity to read answers through their minds now. Very good, David. You just violated your principles as a teacher.

"Number five,"

Napatingin sa'kin si Sally mula sa malayo. Ramdam niya sigurong kanina ko pa siya napapansin. I gave her a warning look—though I know there's no stopping her to read minds now. Agad niyang iniwas ang tingin at madali nang nagsulat sa kanyang papel.

Matapos ang quiz at checking, tama ang expectation kong makaka-perfect si Sally. Laking gulat tuloy ng mga estudyante nu'ng nag-announce na 'ko na siya ang nakakuha ng highest score. Akalain mo 'yun, ang bilis niya humanap ng sagot ah?

"Sally Jane!" Pagtawag ko nang makita ko ulit siyang naglalakad sa bandang parking area. I make sure to speak to her without any of my students around. Iwas na rin sa tsismis.

"Congrats on your first quiz kanina." I said, slightly laughing dahil nakayuko nanaman siyang nakatayo sa harap ko.

"Mukhang marami kang sources ng sagot?"

"H-hala sir! Nag-aral din po ako, 'no! Kaya nga ho ako nakasagot sa recitation kanina kasi nagbasa-basa din ako." Depensa niya sa pang-aasar ko.

"Sige. Let's pretend I have no idea about you reading minds."

She frowned at my sarcastic comment. Siguro pinagmumura na 'ko nito sa isip niya. But seriously, I am so used to having this ability that I find it frustrating now that I can't read her mind.

"Uh, sir," Nahihiya niyang sabi, "Pwede ho ba kayo bukas?"

If I'm not using my mind, I would mistake her for asking me out on a date.

"Hindi kita niyayayang makipag-date ha!" Deretsahan niyang sabi. Has she read my mind? "May nakilala lang po kasi ako. Katulad din natin siya, nakakabasa din ng isip ng tao. Tapos sabi niya, may na-meet din siyang babae sa office kung sa'n po siya nagtatrabaho. E kung okay lang po sana, magkita-kita tayong apat? Parang reunion, ganu'n?"

Napaayos ako ng tayo sa narinig. I suddenly remembered the four children who survived the 1998 fire tragedy. 'Yung apat na batang hindi magawang isiwalat ni Obando.

"Apat... apat tayo?"

"Ganu'n na nga po. Pero malay mo naman may mahanap pa tayong iba. Feeling ko nga madami tayong may ganitong klaseng superpowers." Tuwang-tuwa at excited na wika ni Sally.

But no, I believe it's only us, four.

"So, ano sir? Busy kayo, 'no? Naiintindihan ko naman po. Alam ko naman po na hectic and schedule ng isang reporter."

"You really like jumping to conclusions, do you?"

"Ayun nga po 'yung sakit ko e, assumera po kasi ako."

"Text me the time and place. I'll be there."

The Four People Who Read MindsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon