Chapter 7

230 17 0
                                    

VII - His Mind

Eric Vicente,

Janitor, 25

"Papunta ka ba sa office ni Ms. Cruz?"

Sa dinami-rami ng tao dito sa office, bakit etong si sir Carlos pa ang makakasabay ko? Umagang-umaga, sira na agad ang araw ko.

Tumango lamang ako at walang arteng pumasok sa elevator. Hindi ko siya lilingunin o titignan sa mata. Ayoko nang basahin ang madumi niyang pag-iisip.

"Hey, what's your name again?"

"Eric."

"Okay. Mas mabuti nang tawagin kita sa pangalan. I just want to prove to Isa that I'm supporting all her decisions. Even the most stupid ones."

Hindi na 'ko nakapagpigil at natitigan siya. Kinuyom ko ang dalawang kamay upang pigilan ang sariling magalit. Ako din naman ang mawawalan ng trabaho at hindi siya kung magpapadala ako sa emosyon ko.

"This is my company," tugon nito sa kanyang isip, "And Isa is mine. Hindi ko hahayaan na guluhin mo ang buhay ko. Kung kinakailangan kong pumatay, I will do so. I just can't afford to lose this company and the present CEO."

"Nasisiraan ka na ng bait." Kasabay ng pagsalita ko ay ang pagbukas ng elevator. Hindi na niya pinansin ang sinabi ko at lumakad na lang palabas.

Paglakad ko ay bahagya din akong napatingin sa babaeng papasok ng elevator. Napatanong kasi siya sa kanyang isip kung anong ginagawa ng isang basahan sa office ng CEO. Mga tao talaga dito, napaka-arogante. Kung wala kaya kaming mga taga-linis, magiging ganito ba kaganda 'yung mga opisina nila?

Kumatok ako sa pintuan. Napaaga lang talaga ako ngayon dahil may gusto akong tanungin kay Ms. Cruz. Pero mukhang sobrang aga nga para makitang naghahalikan na agad ang dalawa sa loob.

"Woah, dude. Hindi ka ba marunong kumatok?"

Hindi niya ba kayang pigilan ang sarili? O sinasadya niya lang talagang magmadali para ipamukha sa'king taken na si Ms. Cruz? Hindi man niya sabihin sa isip niya, alam kong iyon talaga ang kanyang intensyon.

Itinulak ni Ms. Cruz ang sarili mula sa lalaki at saka tumayo. Kita ko ang pamumula sa kanyang pisngi. Marahil ay nakasanayan na lang din niya ang ganitong pang-aakit sa kanya ni Carlos. Pero bakit niya tinatanggap? Bakit niya hinahayaan ang hayop na 'to na manghimasok sa buhay niya?

"Pasensya na ho. Mamaya na lang po siguro ako babalik."

"No, uhm..." Palagi niya 'kong pinipigilan, at tila palaging may gustong sabihin ngunit hindi masabi ng deretso. Nahihiya ba siya? Sa'kin, na wala namang estado sa buhay?

Naalala ko tuloy si Sally. Kung katulad siguro namin siyang dalawa, malamang madami na kaming napag-usapan.

"Stay. May ipapaayos ako."

"Anong ipapaayos mo, Isa? Why didn't you tell me earlier?" Sumingit nanaman 'yung aroganteng sekretarya niya.

Ngumiti si Ms. Cruz at hinaplos ang mukha ni Carlos. "Secret, babe."

"So what is this? You're trying to be the hard-to-get kind of woman?"

Tumawa ang babae. 'Yung tawang nang-aakit—'yung tawang alam mong may pinaplano kahit na pagkatamis ng ngiti. Ang hirap pala nang hindi nababasa ang isip ng tao. Pero mas mahirap yata ang sitwasyon ko ngayon—hindi alam kung saan lulugar sa dalawang taong naghaharutan.

"My place tonight?" Tanong ni Ms. Cruz na agad ikinatuwa ni Carlos.

Ano pa'ng tinatayo-tayo mo diyan, Eric? Lumabas ka na kaya?

The Four People Who Read MindsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon