VIII – Her Mind
Isabelle Cruz,
CEO, 26
Dumaan pa 'ko sa comfort room bago dumeretso sa meeting. I need to compose myself. I don't want to admit it but that Eric has surely swayed me. Ano ba'ng meron sa kanya para lituhin ako ng ganito? And when he touched me, all I felt was sincerity.
"Uy, nabalitaan niyo ba? Si Senator Karmen Obando lang daw pala 'yung nakaligtas sa sunog dati sa orphanage."
Hindi muna ako lumabas nang cubicle nang marinig ko ang balita.
"Ang tagal na nu'n ah. Bakit ngayon niya lang sinabi? O kung nabalita man 'yan noon pa, bakit lumilitaw nanaman?"
"E malamang girl, may kaso nanaman siya. Haynako, ewan ko ba kung bakit palagi na lang siyang tinitira ng media. Ganu'n siguro pag masyadong perfect 'yung tao, ang daming haters. Kahit 'yung mga tao sa senado. Lahat na yata ng kaso ibinato sa kanya pero wala namang napapatunayan."
"Maka-Karmen ka kasi kaya naiinis ka sa media. Ginagawa lang naman nila ang trabaho nila. Basta ako, alam kong madumi ang pulitika. Wala na 'kong pakialam diyan."
Saka lang din ako lumabas pagkaalis ng dalawang babae. Pinulot ko ang dyaryong iniwan nila at napatitig sa litrato ng babaeng nagsasabing nakaligtas siya sa 1998 fire tragedy. Nilukot ko ang first page, at pinunit ng pinunit hanggang sa wala ng mukha ni Karmen Obando sa kompanya ko.
***
"Isa, let's go?" Carlos said in his usual enticing tone while waving his car keys in front of me.
I doubt that he can drive. Pero kahit kita ko na sa mga mata niya ang sagot, I still asked, "Kailan ka pa natutong mag-drive?"
"Do I really have to?" Natatawa niyang sabi, "Kung may driver naman?"
"Takot ka lang e." I rolled my eyes and entered the elevator. He then slips his hand through my waist—as if to signal that he owns me.
"But I'm the bravest man to love an empress." He said, almost a whisper to my ear. Bahagya ko siyang itinulak palayo at baka bigla pang bumukas ang elevator. Naalala ko nanaman kasi 'yung sinabi ni Eric na kinuha na 'ko sa kompanyang 'to bilang "Carlos's pet".
Ang panget kaya pakinggan. I would never be his pet.
"So sino naman ang driver mo ngayon?" I asked as we approach his car. He may own a number of cars, but he can't use them without a driver. He may be rich, but his stupid choice of being my secretary when he could have been next to my position is simply incomprehensible. I know it's part of his scheme, but I'm yet to figure out a deeper reason.
"Si Kuya Ronald. He offered me so." Binuksan niya ang pintuan ng sasakyan at pinauna ako sa loob. Pero hindi si kuya Ronald ang nasa driving seat.
"Eric?"
Agad nag-init ang ulo ni Carlos. "Anong ginagawa mo dito?"
"May emergency daw po si boss Ronald, kaya ako muna ang pumalit. Saan ho ba tayo?"
"Filinvest," Sagot ko kahit umuusok na yata ang ilong ng kasama ko. "Alam mo ba papunta du'n? We can guide you though."
"Yes, Ma'am."
"I'll just grab a taxi then. Get out, Isa. I won't let him drive us."
"Carlos, don't be a spoiled brat. Nagmamagandang-loob na nga 'yung tao e." Paglalambing ko para tumigil na siya sa pagmamaktol. He's such a boy for his age. "C'mon, babe?"
With that, he melted.
Napatingin ako sa front mirror kung saan nakatuon ang mga mata ni Eric. I want him to see that this is the power I'm talking about; that I play the game very well; that though everyone knows I am Carlos's pet, in reality, he's the one crazy over me.
![](https://img.wattpad.com/cover/95942476-288-k500739.jpg)
BINABASA MO ANG
The Four People Who Read Minds
FantasyKung ang pangingialam ng gamit o pag-alam ng sikreto ay invasion of privacy na, paano pa kaya basahin ang eksaktong nasa isip ng isang tao? Well, as if these four people have a choice. Since birth pa nagsimulang umingay ang kanilang mga paligid. At...