XXIX - Her Mind
Sally Jane Tablang,
News Writer, 25
"A-anong ginagawa mo? Wag kang lalapit! Hanggang diyan ka lang! Sisigaw talaga ako, sinasabi ko sa'yo." Pero panay pa din ang lakad niya palapit sa'kin hanggang sa bumangga na 'ko sa pader.
Sa sobrang kalasingan ko kagabi, paggising ko nasa apartment na 'ko ng crush ko. Actually, kahapon ko lang siya nakita e, o baka hindi ko lang talaga natatandaan since makakalimutin na talaga ako lately.
"Hindi mo ba talaga ako natatandaan?" Tanong niya at saka sinandal ang dalawang kamay sa magkabilang gilid ko.
"Hi-hindi nga..." Pero aminado naman akong parang pamilyar siya sa'kin. 'Yung mga tipong na-recreate daw kami kaso nu'ng unang panahon hindi naging okay 'yung lovelife namin, pero ngayon binigyan ulit kami ng second chance para maging happy ending? 'Yung mga ganu'ng feeling, pero ang aggressive naman kasi ng lalaking 'to!
"Hindi?" Pag-uulit pa niya. Laking gulat ko na lang nang bigla niyang alisin 'yung shirt na suot. Lasing pa yata 'to!
Napapikit ako sa kaba at bumilang ng mabagal na ten seconds. Nang wala akong naramdamang paggalaw, muli kong minulat ang mga mata ko. Nakatalikod siya sa'kin, at sa likod niya ay may pahabang marka ng sunog na balat.
"Anong nangyari?" Maingat ko 'tong hinawakan, hanggang sa unti-unti nanamang lumalabas sa isip ko 'yung sunog sa isang ampunan.
Isinuot niya pabalik ang shirt at humarap sa'kin. "I may have forgotten what happened before we met again, but one thing is for sure, I know I've loved you, and I'm never letting go of you again."
Napalunok ako sa straight English niya. Pero seryoso, hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong umiiyak.
"Looking at you makes me remember somehow, especially the happy moments."
"Gusto kong itanong kung bakit ngayon ka lang, kung bakit ngayon lang ulit tayo nagkita... kung hindi pa dahil sa company dinner kahapon," sabi ko, "pero baka kasi 'pag naalala natin, mas lalo lang tayong mahirapan? Kaya baka naman pwedeng friends muna?"
Ngumit siya. "Friends," sagot niya, "whatever our label is, as long as I can be with you."
BINABASA MO ANG
The Four People Who Read Minds
FantasyKung ang pangingialam ng gamit o pag-alam ng sikreto ay invasion of privacy na, paano pa kaya basahin ang eksaktong nasa isip ng isang tao? Well, as if these four people have a choice. Since birth pa nagsimulang umingay ang kanilang mga paligid. At...