Chapter 25

158 14 1
                                    

XXV - Her Mind

Sally Jane Tablang,

Manghuhula, 22

"Nasa'n na 'yung natapon na drinks?"

"Ha?" Nu'ng matignan ko lang siya sa mga mata, tsaka ko lang na-realize na si Ms. Cruz pala ang nagsabi nu'n so syempre, gets ko na kung anong dapat kong gawin. "Doon, sa bandang unahan," sabi ko sabay turo.

Akmang lalakad naman siya nang bigla kong nahulog 'yung tray kunwari.

"Ay! Ay!!! Yung damit ko!"

"Ay! Si kuya naglaladlad," gulat naman kasi ako sa pagsisigaw niya. "Bigla ka kasing lumakad e, ayan natapon tuloy."

"Aba, ako pa sisisihin mo, sinasadya mo yatang tapunan ako e!"

"Tulungan mo na lang ako dito, okay?" At dahil wala pa talaga siyang balak tumigil, hihilain ko na sana 'yung tela ng lamesa para kunwari aksidente lang nang bigla namang tumapon lahat ng utensils na malapit sa'min. Sabay-sabay nagsigawan 'yung mga nakaupo na.

"H-hindi ako 'yon, I swear!" Napapa-english na tuloy ako ng 'di oras. Inikot ko ang tingin ko para huliin kung sino ang salarin.

"Tignan mong ginawa mo!" Tuloy-tuloy pa din sa pagtatalak 'yung janitor. "Sinasadya mo talaga 'to e! Bakit ka pumasok sa trabahong 'to kung puro perwisyo naman ang gagawin mo!"

Naririnig ko ang ingay niya, pero 'yung focus ko nasa batang nakaupo na ngingisi-ngisi. Gusto ko sana siyang ituro at sabihin sa lahat na hindi ako ang may gawa nito kundi siya! Pero bigla na lamang siyang umiling na parang naiintindihan niya ang balak ko.

"Hoy bakla ka nakikinig ka ba sa'kin?!"

Nilapitan ko ang bata at hinayaan na lang muna 'yung janitor na magtawag ng tulong. Ang ingay ingay nag-coconcentrate nga ako dito sa pagbabasa ng isip e.

"Ate, 'wag mo 'kong isumbong. Dapat nga mag-thank you ka e, 'di ba hihilain mo naman talaga 'yung tela?" Bulong ng bata. Buti na lang abala 'yung mga nasa paligid namin sa pagpupunas ng mga nabasa nilang damit kaya halos kaming dalawa lang ang nagkakarinigan.

"P-paano mo nagawa 'yun?" Hindi kasi ako makapaniwala sa kung ano ang sinasabi ng isip niya.

"Paano mo din nalaman na ako 'yun? Nakakabasa ka ba ng isip?"

"Huh?" Bakit feeling ko, ang tali-talino ng batang 'to? "Anong pangalan mo?"

"Meryl. Jan Meryl. Anak ako nila Levi at Mia. VIP din sila dito, kilala mo ba sila?"

Hinawakan ko siya sa pisngi para silipin ang nakaraan niya. Ngunit agad din akong bumitaw nang makita ang kakayahan nitong magpagalaw ng bagay.

"Wag kang pumatay, Jan Meryl," Yun lamang ang nasabi ko bago sabunutan ni kuyang kanina pa gigil sa'kin. "Aaahh! Aray ko! Ano ba'ng ginagawa mo?!"

"E kung tumutulong ka sa paglilinis dito 'di ba?! Ikaw kaya may gawa nito!"

Nakakahiya na talaga sa mga tao 'tong pinag-gagawa namin. Eto na nga lang 'yung role ko sa plano naming apat, sinisira ko pa.

"Let go of her." Seryosong sabi ni Ms. Cruz kasabay ng paghila sa'kin ni sir David.

"S-sir," tugon ko. Naka-mask man siya ng pang-janitor, alam kong siya 'yon. "N-nakapasok na po kayo,"

"Okay ka lang?" Tumango lamang ako.

"Pasensya na po ma'am, pero tignan niyo naman po 'yung ginawa ng babaeng 'yan." Sumbong ni kuya kay Ms. Cruz.

Huminga ng malalim si Ms. Cruz at pinigilan ang sariling magalit. Siya na ang humingi ng paumanhin sa mga bisita. "Kuya Ronald, kayo na po muna ang bahala dito, please."

"Opo ma'am," sagot ni kuya Ronald. Sumenyas siya sa mga kasama para magsimula nang maglinis.

"Good job, Sally," bulong ni Ms. Cruz bago puntahan si Ms. Olivia sa bandang unahan. Parang tumalon 'yung puso ko sa compliment niya.

"Sir, tama po ba 'yung narinig ko?"

"Anong narinig mo?"

"Sabi niya good job daw ako." Ngingiti-ngiti kong sabi sabay thumbs up pa sa ere. Ngumiti din siya at bigla na lamang akong niyakap. "S-sir, may mga tao po..."

"Sally, don't come up on stage okay? No matter what." Mas humigpit pa ang pagkakayakap niya sa'kin.

"Bakit? May hindi pa po ba ako nalalaman bukod sa plano natin? May iba pa po bang mangyayari?"

Lumayo siya ng kaunti at hinawakan ako sa balikat. "Promise me."

"Hindi ko kaya. Ayoko. Ayoko kung hindi ko naman alam kung bakit."

"Because I love you."

Naka-ilang kurap yata ako nang sabihin niya 'yon.

"And I want to protect you. Is my reason enough?"

***

Habang nagsasalita si Ms. Olivia Zablan tungkol sa anak na ilang taon niyang hinanap, panay ang kuha ng tissue ng mga tao upang magpunas ng kanilang mga luha. At nang ipakilala si kuya hopia, si Eric na matagal na palang janitor ng kompanyang pagmamay-ari ng kanyang ina, napa-standing ovation na lang ang mga bisita. Kahit ako, todo palakpak. Sino ba naman kasi ang mag-aakalang isa palang Zablan si kuya hopia?

Pero nu'ng nalaman ko naman na isa pala akong Obando, parang mas nalungkot ako. Mas proud pa yata akong manghuhula ang mga ninuno ko.

"Magandang gabi ho sa lahat." Kinikilig ako sa tuwa nu'ng nagsalita na si kuya hopia. Parang gusto kong isigaw, "wooohh! Tropa ko 'yan!" kaso tumingin naman lahat sa'kin—dito ko napagtantong wala talagang self-control ang bibig ko. Kung anong iniisip ko, nasasabi ko ng wala sa lugar.

"Thank you, salamat, Sally." At least naman, na-acknowledge ako.

"Hindi ako nakatayo sa harap niyo ngayon para sabihin kung ano ang mga kaya kong gawin bilang taga-pagmana ng Zablan Jewelries. Pero makakasiguro kayong hindi ko tatalikuran ang responsibilidad ko. Hiningi ko ang oras na 'to para bigyan ng pagkilala ang isa sa ating mga shareholder na kung wala siya, wala ang kompanyang ito."

Nagtinginan ang mga bisita. Madami ang clueless, pero may ilan din ang tila may ideya na.

"Panoorin natin 'to."

Sa sobrang kaba, napahawak na lang ako sa dibdib ko lalo na nang ipalabas na ang AVP. Isa itong dokumentaryo laban kay Karmen Obando. 

The Four People Who Read MindsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon