2

2.8K 154 1
                                    

I'm on my way to school today. Kailangang magpapirma ng clearance. Kapag magbakasyon kase, dapat matapos ang trabaho mo, yun paper works, grades, f137, cards ng bata at kung anik-anik pa. Dapat tapusin ko itong clearance ngayong araw dahil gusto kong pumunta sa Boracay sa Biyernes. Nai-book na daw ako ni Sheena. Complete casting nga daw kaming magkakaibigan plus yun mga jowa nila.

Anyway, ang dami kong kailangang hanapin, dahil ang ilan sa mga pipirma ay nagmamaasim. Hindi mo mahagilap dahil nagtatago. Parang ayaw pumirma ng clearance naming mga guro. Samantalang kasamahan din namin sila. Crab Mentality nga naman ano? Kailangan ko kaseng matapos talaga ito dahil ayoko nagtatagal sa eskwelahan lalo na kapag ganito kainit ang panahon. Buti na lang walang mga bata kaya maginhawa pa  sa paaralan kahit naman Summer na.

Kasa-kasama ko ang isa sa kadepartment ko na si Cathlyn para magpapirma ng clearance. Pareho kase kami na aalis at magbakasyon sa ibang lugar. Kaya atat din kami makapagpapirma.

Maghahapon na ng matapos namin ang pagpapapirma. Sa wakas natapos din ang cat and mouse chase! Aba ba naman, may oras pa ang dating ng pipirma, kailangan mo pang timingan. Ang gagaling diba?

Nagkasundo kami ni Cathlyn na dumaan muna sa McDo para magmeryenda bago siya umuwi sa Morong. Malayo kase ang bahay nila mula sa paaralang pinagtuturuan namin at baka mahirapan siyang sumakay dahil mag-aalas sais na ng gabi. Samantalang ako ay malapit lang kaya nagtatricycle lang ako papasok at pauwi mula sa school. May sarili naman akong kotse kaya lang ay hindi ko dinadala sa paaralan dahil malapit lang naman itong school.

Masaya ako at pwede na akong magbakasyon.

Simula na ng Summer Escapades namin nila Sheena. Yes!

Almost Over You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon