25

2.1K 125 1
                                    

We had a great time. Di ko pa muna sinabi kala Sheena na I'm expecting a child. Hindi rin naman sumama ang pakiramdam ko. Although mapait ang panglasa ko.

I went home around 7pm. Nakahain na si Manang Fely.

"Manang, di na apo ako kakain. Kumain na kmai sa labas ng mga kaibigan ko. Kayo na lang po ang kumain. Bukas ko na tikman ang niluto ninyo."

"Sige anak. Magpahinga ka na."

Nagpahinga muna ako ng sandali at nagshower.  Pagkatapos ay gumayak na ako ng pantulog. Hihintayin ko na lang ang tawag ng asawa ko.

It was already, 9pm ng tumawag siya.

"Hello, mahal sorry naghintay ka na naman."

"Asan ka na ngayon? Nasa quarters ninyo na ba ikaw?"

"Nandito kami sa isang bar. Nagyaya si Jerald at yung ibang Vietnamese co-workers ko na maghappy-happy kase nga naging busy sa trabaho these past fee days."

"Ah okay. Huwag kang pakalasing. Malayo ba yan sa tinutuluyan mo?"

"Hindi naman. Malapit lang din. O may sasabihin ka nga pala kanina. Ano yun good news ba yun?"

Napaisip ako. Huwag ko na muna kayang sabihin. Tutal naman baka biglang umuwi ito.

"Oo mahal, kase si Sheena magpapakasal na sila ni Vince. Sana nandito ka na sa wedding nila."

"Ganun ba? Yun lang pala sasabihin mo."

"Bakit ano ba iniexpect mo?"

"Kala ko naman tungkol sayo. Pero mabuti yun para naman maging masaya na yun kaibigan mo."

"Nga pala kanina nagshopping kami. Nag-get together ng mga girls. Ayun kamustahan lang at yun nga, sabi ni Sheena, magpapatahi na kami ng pang-abay sa kasal niya."

"Mabuti yun. Huwag kang masyadong magmukmok sa bahay."

"Namiss na kita, mahal. Isang buwan pa at isang linggo bago ka umuwi."

"Ako din miss na kita. O paano matulog ka na at ibababa ko na ito. Tinatawag na ako ni Jerald."

"Sige mahal. Ingat ka diyan. Love you."

"Ikaw din. Mag-ingat. Huwag pakapagod. Tatawag ako bukas. Bye."

Teka napapadalas ang walang I love you. Dalawang beses na. Nalilimutan? Sinasadya? Teka teka! Parang may kakaiba?

Almost Over You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon