15

2.3K 147 5
                                    

The day after, was a struggle. Di ko naman alam na ganun pala yun. Anyway, no regrets. Ginusto ko naman yun.

Pagkagising ko, nawindang ako. We're entangled with each other. Yun binti niya naka-dagan sa akin. Yun braso niya nakapatong sa tiyan ko. Samantalang ako naman hindi makagalaw. Ang sakit ng kalamnan ko. Nagising ako ng maaga dahil sanay akong bumangon ng 5 am. Although today is Saturday, gusto kong simulan yun araw ng paglilinis at paglagay ng maruruming damit sa laundry.

Kumilos ako ng dahan-dahan dahil ayokong magising ang lalaking ito. Naalala ko pa ang lahat ng nangyari. Mula simula hanggang huli. At ang paulit-ulit pang ginawa namin.

Wanna know why ibinigay ko na sarili ko? Kase naisip ko, baka sakaling iyon ang daan para hindi na siya mawala. I mean, kapag naisip niya na siya ang una ay makonsensiya siyang iwan ako. Parang iyon ang guarantee na akin na siya. Although mahirap sabihin hangga't di ko pa suot ang singsing o kaya napirmahan ang papel, ay walang kasiguraduhan kung magtatagal kami. Pero sumugal ako. Anyway, hindi na naman ako bata para mag-iyak over something na alam kong mahalaga pero ibinigay ko ng kusa sa isang taong importante sa akin. Ayoko ng isipin pang magsisi. Isa pa darating din naman sa relasyon namin yun. Yun nga lang, nakakatakot ang bilis ng mga naganap. Baka sa sobrang bilis ay bigla ring mawala.

Nang makatakas ako sa pagkakayakap niya ay dumiretso ako sa CR. Nagligo, nagtoothbrush at nagsuot ng bago at malinis na damit. Dahil feeling ko, may bahid pa ng pagniniig namin ang damit ko. Hindi ako makakali kapag sinuot ko pa iyon. Don't get me wrong ha, hindi naman ako nandidiri sa sarili ko, nagustuhan ko pa nga, kaya lang parang nanlalagkit ako kaya nagpalit ako ng damit.

Pagkatapos ay dumiretso ako sa kusina para magluto ng almusal namin dalawa. Bagay na hindi ko ginagawa dati nung nag-iisa ako. Masaya ako sa ginagawa ko, kakaiba ang pakiramdam.

Habang nagkakape ay isinalang ko na ang madudumi naming damit dalawa dahil gusto  kong makatapos ng maaga para makapunta sa grocery at makapagluto ng tanghalian. Ramdam ko yun pagiging misis kahit naman bahay-bahayan pa lang ito.

Natapos akong maglaba ngunit tulog pa rin si Richard. Kinuha ko ang susi ng kotse ko at bag ko sa kwarto ng dahan-dahan para di pa rin siya magising.

Nakalabas ako ng matagumpay ng di siya naiistorbo sa pagtulog.

Naggrocery ako ng mga kailangan namin. Kagabi nga pala, habang nag-aayos kami ng mga gamit niya ay inabot niya ang bank account niya pati ang ATM. Pakiramdam ko, asawa talaga ako. Nag-iintrega na kase ng sweldo at ipon ang lalaking ito. Kinikilig ako kase ganun kalaki ang pagtitiwala niya sa akin kahit bago pa lang kami sa relasyon. So ganito pala talaga ang mag-asawa, ang babae ang tagabudget at tagapag-ipon ng mag-asawa. Parang mae-enjoy ko ang set up na ito. Huwag lang sanang makigulo at makialam.

Pagbalik ko sa condo, naabutan ko siya na nagkakape sa kusina.

"Mahal, saan ka galing?"

"Nag-grocery para sa lunch natin. Kumain ka na ba? Ipinagluto na kita ng breakfast."

"Tapos na. Ang sarap ng tulog ko. Kumpleto. Ngayon ko lang naramdaman yun ganito kasaya at kakuntento. Salamat mahal"

"Mahal naman, paiiyakin mo ba ako?"

"Hindi naman. Nagpapasalamat ako at di ako nagkamali na magsama tayo. Ikaw ba?"

"Ako? Masaya rin ako. Natatakot pero, masaya. Mas masaya. Salamat din."

"Halika nga dito, payakap. Na miss kita, iniwan mo ako, dapat ginisng mo ako para nasamahan kita."

"Naku, humihilik ka kaya. Isa pa alam kong pagod ka sa paglilipat kaya hinayaan kita. Pagkatapos mo diyan, maligo ka na at umupo ka dun sa couch at hintayin mo, magluto na ako ng lunch natin."

"Ano pang gagawin mo? Tulungan na kita."

"Nakapaglaba na ako. Pinapatuyo na lang. Tapos na akong maglinis, sa kwarto na lang natin."

"Ako na mag-ayos ng kama, mahal. Dami mo ng nagawa. Magluto ka na lang diyan at ako na bahala sa kwarto natin."

"Okay. Sige na. Magluto na ako."

Niyakap niya ako ng mahigpit. Maiiyak ako pero nilabanan ko. Tears of Joy. Sa tagal-tagal ba naman, akalain mong mapapasa akin pa rin siya. Overjoyed talaga.

Almost Over You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon