29

2.4K 126 7
                                    

Pagdating na pagdating ko ng Antipolo kinabukasan ay dumiretso ako sa bahay ko.

"O Meng anak, kamusta ka na? Si Richard, kamusta na rin?"

"Manang, huwag na po natin pag-usapan, pagod po ako. Mag-bihis lang ako at may aayusin ako. Huwag po muna ninyo ako istorbihin at importante ang gagawin ko."

Pumasok na ako sa kwarto. Alam kong nagtataka si Manang pero hinayaan ko na yun. Sa tamang panahon sasabihin ko rin sa kanya kung anong nangyari.

Pagpasok ko ng kwarto ko at inilock ang pinto ay nahiga ako sa kama. Hindi ko alam kung paano sisimulan ang lahat. Tumayo ako makalipas ang ilang minuto, pagod ako pero ayokong panghinaan ng loob ngayon.

Inilabas ko ang mga damit ni Richard. Pati mga sapatos niya at ilang mahahalagang gamit. Inilagay ko sa ziplock ang Bank passbook niya,ang ATM card pati ang mga relo niya.

Matapos ay kumuha ako ng utility box para ilagay ang mga damit niya at sapatos. Konti lang ang gamit niya kaya 2 utility box lang ito. Tinawagan ko si Trisha at sinabing kailangan ko siyang kausapin. Buti naman ay nasa Manila siya dahil umuwi sila ng asawa niyang si Michael sa magulang nito. Nagtataka man ay pumayag siyang puntahan ako dito sa Antipolo. Nagkita na lang kami sa bahay ko.

☆☆☆

"Salamat, Trish at pumayag kang puntahan ako dito. Kakadating ko lang din kase."

"Saan ka galing? Bakit pati mugto ang mga mata mo? May nangyari ba? Nag-away ba kayo ni Kuya?"

"Nag-away? Ganun na nga." Sarkastikong sagot ko.

"Ayos na ba kayo? Bakit kayo nag-away? Si kuya talaga! Pasensiyahan mo na siya Meng."

"Hindi simpleng away ang namagitan sa amin, Trish. Malaki. And nandito ako para ibigay sayo ang mga gamit ng kapatid mo. Hindi na kami magkaka-ayos."

"Bakit anong ginawa niya? Bakit ibabalik mo yun gamit niya sa amin?"

"You see Trish, nung Friday nagpunta ako sa Vietnam para dalawin at isorpresa ang kuya mo. Pero ako pala ang masosorpresa. Inabutan ko siyang nagtataksil sa akin."

"Hindi magagawa ni Kuya yun, mahal ka niya. Baka nagkakamali ka lang?"

"Hindi ako nagkakamali,Trisha. Nakita ng dalawang mata ko kung paano niyang tinawag nang babe yung babae. Nasa kwarto sila ng kuya mo. Di ko alam kung kelan pa niya ako niloloko pero isa lang ang alam ko, hindi ko mapapatawad yun ginawa niya. Ang sakit, Trish!" Umiyak na ako. Sabay kami ni Trisha.

"Meng, pasensiya ka na. Kapatid ko ang kuya ko pero hindi rin ako papayag kung sa akin nangyari yun. Pero sana lang pagbigyan mo pa ang kuya ko. Nakikiusap ako sayo."

"Kahit gustuhin ko Trisha, pero di pa siguro ngayon. Masakit pa at di ko pa kayang tanggapin. Pero huwag kang mag-alala kase di kayo damay nila Daddy dito. Si Richard lang ang gumawa ng mali, siya lang ang may kasalanan."

"Salamat Meng."

"May papakiusap rin ako sayo, yun gamit ng kuya mo ay nakaayos na. Pinapunta rin kita dito para madala mo na yun gamit niya. Pasensiya ka na pero ayoko munang makita ang anumang may kinalaman sa kanya." Kinuha ko ang ziplock at inabot din ito sa kanya.

"Andiyan yun passbook niya sa bangko, yun mga ATM niya at yun mga relo niya. Pakibalik mo na lang sa kanya pagdating niya. Isang buwan pa bago siya bumalik. Pakisabi na wala ng naiwan dito. Yun mga gamit niya dati sa condo niya na nakatambak sa kabilang kwarto, pakuha mo na lang sa driver ninyo. Konti lang naman yun."

"Ako na humihingi sayo ng pasensiya. Sana lang magkaayos pa kayo. Alam kong mahal ka ni kuya at nabulagan lang siya. Siguro dahil nalulungkot siya dun. Pero kung sakaling magkakahiwalay na kayo ng tuluyan, itinuturing pa rin kitang kapatid at mahal ka pa rin namin. Ako na magsasabi kala Daddy. Maiintindihan ka nila. Pasensiya na talaga sa katangahan ng kuya ko. Sorry, sinaktan ka niya. Paano ka na ngayon? Ano ng gagawin mo?"

"Hindi ko alam. Basta ang alam ko kailangan kong ituloy ang buhay ko, lalo pa ngayon na buntis ako."

"Buntis ka? Alam na ba ni Kuya?"

"Hindi. Sasabihin ko na sana  sa kanya kundi lang nangyari yun. Pero huwag kang mag-alala, kaya kong buhayin ang anak ko."

"Tutulungan kita Meng. Kami ng asawa ko. Sana huwag mong ipagkait sa amin ang karapatan. Pati kay Kuya."

"Wala naman akong balak itago sa kuya mo. At huwag kang mag-alala kase kikilalanin niya kayong pamilya kahit wala na kami ng kuya mo."

"Salamat. Aalis na ako at baka hinihintay na ako ni Michael. Mag-iingat ka. Ingatan mo ang baby ninyo ni Kuya."

"Salamat."

Umalis na si Trisha. Dala niya ang mga gamit ni Richard. Wala na. Tapos na. Mag-isa na naman ako. Pero okay lang, dala-dala ko naman ang bunga ng pagmamahal ko kay Richard.

A/N Fast Forward next chapter.

Almost Over You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon