36

2.6K 121 3
                                    

"So tinanggap mo na pala uli yang taksil na asawa mo?"

Yan ang bungad ni Sheena matapos magkita kami sa McDonalds sa Taytay. Mamimili kase ako ng mga maternity dress, leggings at blouses na pwede kong magamit papasok sa school. Medyo lumalaki na ang tiyan ko dahil maya't-maya ay pinakakain ako ni Chard kahit pakonti-konti para daw hindi ako magsuka. Nag-gain na ako ng konting weight and ang anemia ko ay naayos na.

Hindi ko isinama si Richard sa lakad namin nila Sheena kahit nagpupumilit itong sumama. Sinabi ko na lang na for the girls ang lakad na ito. Hindi naman na siya nakipagtalo. Alam kase ni Richard na may galit pa sa kanya ang mga kaibigan ko.

Habang hinihintay namin sila Kat at Pat ay nag-usap muna kami sa mga nagaganap sa buhay ko ngayon tulad ng pagbabalik ni Richard sa bahay.

"Bes naman, ang harsh mo naman kay Richard."

"Harsh? Sapakin ko kaya sa bayag yang asawa mo! Pagkatapos kang lokohin e babalik sayo? Ang kapal niya!"

"Tama na. Huwag ka ng magalit."

"Kase naman, pinatawad mo agad? Akala ko pa naman hihiwalayan mo na yun gagong yun!"

"Sheena, actually maraming beses na rin kase nanghingi ng sorry si Chard and I guess kung ang Diyos nga nagpapatawad, tayo pa kayang tao?"

"Huwag mo nga ako basahan ng bibliya! Naiinis kase ako."

"Bes, ganito kase yun, gaano mo kamahal si Vince?"

"Mahal na mahal."

"Ako din. Mahal na mahal ko asawa ko."

"Pero di ako niloko ni Vince! Iba yun sa inyo niyang taksil mong asawa."

"Pero if ever na gawin niya yun sayo kapag kasal na kayo? Ano ang gagawin mo?"

"Iiwan siyang hinayupak siya!"

"Talaga?"

"Siyempre, kase kung mahal niya ako e hindi siya matukso sa iba."

"So hindi mo ipaglalaban ang karapatan mo sa asawa mo?"

"Tinanggal na niya karapatan niya noong nambabae siya."

"I know pero paano yun pagmamahal mo? Ano na balewala na ba yun? Yun mga pinagsamahan ninyo? Kakalimutan mo na lang ba?"

"Ewan ko. Pero kahit na."

"O ayan may ewan sa sagot mo. Alam mo bes, hindi mo malaman ang sagot unless nasa sitwasyon kita. Pero kung mahal mo siya, kahit anong sakit, tatanggapin mo."

"Ewan ko sayo!"

"Sheena, please? Para sa akin maging okay ka na lang sa desisyon ko."

"Anu pa nga ba? May magagawa pa ba ako."

"O ayan na sila Patty." Bumeso muna kami sa dalawa pa naming kaibigan.

"What's new mga bes?" Tanong ni Kat.

"Etong talaipad na kaibigan natin nakipagbalikan na pala sa jowa niyang taksil." Sagot ni Sheena.

"What? Are you insane?" Tili ni Kat.

"Huy, makatili ka! Ano ba hayaan na muna natin makapagpaliwanag si Meng." Sabi ng mabait na kaibigan naming si Patty.

"Diyan na muna kayo. Iorder ko muna kayo ng burger para matagal-tagal ang kwentuhan natin." Paalam ni Sheena.

"Tell us Meng, ano nangyari na sa inyo ni Chard?" Si Patty uli.

"Well, ayun tinanggap ko na. Maraming beses na naman siya humingi ng tawad. Pero kahit naman tinanggap ko e hindi pa kami nagiging intimate. Ayoko kase munang maging super malapit sa kanya. Hindi ko pa maiibibigay yun trust."

"Okay I get it. Tinanggap mo dahil asawa mo pa rin at mahal mo pero hindi pa pwede yun sexual activities not because buntis ka pero dahil hindi mo pa makaya na makipagtalik sa kanya dahil naiisip mo yun ginawa niya. Tama ba ako?" Si Patty pa rin.

"Yep. I just want to give him the chance. And besides, ang tagal ko siyang hinintay, kundi siya dumating malamang di ako mag-aasawa. Tapos itatapon ko lang yun sakripisyo ko na hintayin siya. I know masakit yun ginawa niya, pero asawa ko pa rin si Chard and kung hahayaan kong mawala na siya ng tuluyan, ibig sabihin itinapon ko na yun pangarap ko. Besides, buntis ako, ayoko namang lumaking walang ama ang anak ko. Sana naiintindihan ninyo ako."

"Meng, we do. Gusto naming lumigaya ka." Sabi ni Kat.

"Teka muna nalaman mo ba kung bakit siya nagloko? Sino yun babae na kabit niya?" Tanong ni Sheena na kauupo lang sa mesa matapos mag-order.

"Hindi. Dapat pa ba?"

"Well, sa akin you should know. Baka kase kaharap mo na yun girl e di mo pa alam. Tapos bakit nauwi sa pagtataksil. Kailangan malaman mo. Pero siyempre dapat yun kaya mo ng mapakinggan ha! Baka kase hindi mo pa kaya tapos ano, pagkatapos mag-beastmode ka at hiwalayan uli yun asawa mo." Suggest ni Kat.

"May point ka. Pero ayoko na muna. Siguro kapag ayos na kami. Yun 100% nang maayos. Sa ngayon kase ang daming awkward moments." Paliwanag ko.

"Huwag na muna Meng. Just learn to move on muna. Magtulong kayong mag-asawa. Eventually maayos din kayo. I'm seriously happy for you, bes!" Sabi ni Patty.

"Thanks mga bes."

Namili na kami sa tiangge. Madami-dami rin kaming nabili. Masaya kami kapag magkakasama. Tinulungan nila akong bilhin yun mga kailangan ko. Buti na lang maunawain ang mga kaibigan ko, kundi baka kung saan ako pulutin.

A/N Later na po uli update. Household chores na muna.







Almost Over You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon