28

2.3K 135 4
                                    

Bumalik ako sa Pilipinas kinabukasan. Nirebook ko ang flight ko. Wala namang senyales na naroon si Richard. Marahil hindi na niya ako hinabol. Bago kase ako nakatulog kagabi ay nagtakda ako ng sign na kapag dumating siya sa airport ay baka patawarin ko pa siyang muli at kalimutan ang ginawa niya kahit masakit. After all mag-asawa pa rin kami para sumuko ako lalo na dahil magkakaanak na kami. Pero wala ni anino niya kaya siguro nga hindi ako ganun ka importante sa kanya.

Ang kapal lang ng mukha niya para  tanggapin na ganun na lang yun. May inis at galit akong naramdaman lalo na ng mabatid ko na hindi rin niya ako hinanap. Iyon na siguro yun. Okay lang  sa kanya na mawala ako kase kung talagang gusto niya akong manatili sa tabi niya ay susundan niya ako kahit saan pa ako pumunta. Hindi nga siguro sapat ang pagmamahal niya sa akin. Kaya naisip ko, pagbalik ko sa Pilipinas ay haharapin ko na ang araw na hindi na kami magkakasama at dapat ko ng tanggapin na wala na akong asawa.

Pagdating sa Manila ay tumawag na lang ako ng Airport taxi para magpahatid sa Makati. Magcheck in a lang muna ako sa hotel at bukas na uuwi para naman makapahinga at makapag-isip ako mag-isa.

Masama pa rin ang loob ko. Masakit pa rin ang pakiramdam ko pero kailangan kong magpakatatag. Wala akong masisisi kundi sarili ko kase nagpakatanga ako sa walanghiyang asawa ko na akala ko ay mahal na mahal ako, iyon pala ay kasinungalingan lang.

Gusto kong puntahan ang mga kaibigan ko kaya lang napag-isipan kong hindi makakabuti lalo sa akin kung magkukuwento ako agad sa kanila. Sasarilinin ko muna ito hanggang sa maging handa na ako na harapin ang lahat.

☆☆☆

Nagtulog lang ako sa kwarto kong nirentahan at lumalabas lang kapag kakain. Ayokong pati ang anak ko ay madamay. Pinatay ko na rin ang cellphone ko paglapag ng eroplano kanina kase ayoko munang matawagan.

Bakit niya ako niloko? Iyon ang paulit-ulit na tanong na pumapasok sa isip ko. Napapaiyak ako kapag naiisip ko yun. Walang sagot sa tanong ko. Nangyari na ang lahat. Nagawa na niya akong pagtaksilan. Hindi man lang niya ako hinanap kagabi pagkatapos kong umalis. Ano pa ang aasahan ko? Wala na siguro. Ito na lang bata sa sinapupunan ko ang nagbibigkis sa aming dalawa. Hindi ko itatago ang anak ko sa kanya. Malalaman at malalaman niya dahil lalaki ang tiyan ko. Makikita niya na iniwan niya ako sa panahong kailangang-kailangan ko siya. Namin ng anak niya.

Nag-isip pa ako. Bukas pag-uwi ko, sisimulan ko nang ayusin ang mga gamit niya. Sisimulan ko na rin tanggapin ang sakit na ginawa niya sa akin. Haharapin ko mag-isa ang mga problema. E ano kung mahiwalay ako, basta nasa akin ang anak ko. E ano kung wala na siya, at least nasa akin ang baby ko. To hell with Richard! Wala na akong pakialam sa kanya. Wala na! Bahala na siya sa buhay niya. Mabubuhay ako para sa anak ko. Magsusumikap ako para sa magiging baby ko. Wala akong pakialam kung mawala siya!

Almost Over You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon