21

2.2K 138 8
                                    

A/N Para masaya, hiramin ko yun OST ng Fifty Shades of Grey. Please listen while reading. Imagination na lang po. I'm a bad writer kapag sexy scenes.

It was whirlwind romance. Bago matapos ang July ay nagpakasal kami sa isang judge. Dinala ni Daddy Rick si Judge Manalo sa venue ng kasal namin dito sa Antipolo. Nakapagpaalam na rin kami kala Tatay at Nanay. Di sila makakauwi sa kasal dahil may trabaho nga sila. Pero nangako naman kami na magpapakasal sa simbahan pagpwede na silang umuwi at magbakasyon dito sa Pilipinas.

Few intimate friends and officemates lang ang invited. Pati yun family ni Richard konti rin lang dahil maliit lang naman ang angkan nila. Ako naman ay walanhmg kamag-anak dito dahil karamihan ay nasa ibang bansa na o kaya naman ay nasa probinsiya. Anyway malayong kamag-anak lang naman namin sila kaya di ko na lang inimbitahan. Sila Patty, Sheena, Kat at Cathlyn ang tumayong paryentes ko dahil wala nga ang mga magulang ko.

Masaya ang lahat sa reception. Actually napakaliit nasalu-salo lang.

Sinabi ko rin naman na hindi ako buntis kahit biglaan lang ang kasal.

After ng kasal ay nagtuloy kami sa Palawan for our honeymoon. One week leave lang ang kinuha namin after kasal kase nga magperiodical exam na sa school and si Richard naman ay mag-aayos pa ng papel para sa working visa niya. Third week pa naman ng August ang alis niya papunta sa Vietnam. Actually, although nalulungkot ako ay tiwala ako dahil kasal na nga kami. Yun lang mamiss ko ang asawa ko.

Itinigil ko na rin ang pills ko kase gusto ko ng magkaanak, tutal naman ay mag-asawa na kami. Hindi na rin ako bumabata kaya kailangan ko ng magkaanak. Excited ako kung papalaring mabuntis ako sa mga susunod na buwan. At least may pagkakaabalahan ako habang wala pa si Richard at nasa Vietnam.

"Mahal, ready na ba ang mga gamit mo?"

"Oo mahal. Nga pala, yun airplane ticket nasa iyo diba?"

"Mahal naman ibinigay ko sayo yun diba?"

"Wait, tignan ko lang sa bag ko.. ay eto nandito na pala."

"Tara? Baka mahuli tayo sa flight natin. Gagawa tayo ng mga babies!"

"Grabe, mahal, huwag namang madami. Baka naman malosyang ako niyan!"

"Siyempre may pagitan. Pero kahit gaano karami, okay lang. Basta ikaw ang nanay."

"Hmmp.. pag ikaw gumawa sa iba, tagpas ang pagkalalaki mo!"

"Siyempre sayo lang mahal."

Dumating na yun Uber ride naming mag-asawa. Siya ang may dala ng mga bagahe namin. Ako ang bitbit ko ay yun body bag ko lang. Ayaw daw kase niyang mabigatan ako at baka buntis na ako e malaglag pa ang bata.

Ang hindi niya alam, isang araw pa lang akong tumitigil sa pills dahil hinintay ko talagang makapirma muna sa marriage license namin bago ko itigil. Mahirap na, baka mamaya hindi ako siputin sa kasal. At dahil sumipot naman siya kasama ang angkan niya, ayun, tinigil ko na.

Naalala ko pa yun sinabi ni Sheena..

"Bes, magbuntis ka na. Pero hintayin mo rin ako para sabay tayo magpacheck up!"

"Gaga! Magpakasal ka muna. Ikaw itong atat mag-asawa ako e ikaw itong ayaw pang pakasalan yang si Vince."

"Oo na. Umoo na nga ako o. In three months, magpakasal na kami. Teka, tinigil mo na ba yun pills?"

"Kanina lang Bes. Sinigurado ko munang dadating sa kasal, bago ko itinigil."

"Hahaha! Buwang ka talaga. Hanggang ngayon di segurista ka pa rin. Pero, bes masaya ako para sayo. Natupad na yun pangarap mo. Anak na lang ang kulang."

"Ako rin Bes. Masaya ako. At ams sasaya ako kung mabubuntis na ako sa honeymoon namin."

"I'll pray for that Meng!"

"Thanks, bes!"

☆☆☆

Naging masaya naman ang honeymoon namin. Mas dumoble ang sweetness.

Napakamaalagang asawa ng asawa ko. Wala na ata akong mahihiling pa.

Wala namang nagbago sa kanya noong nagpakasal na kami. Ganun pa rin, tulad noong naglive-in kami. Mas lalo nga siyang naging clingy e.

I just hope makabuo na kami ng supling. Gusto na rin naman ni Richard. Actually, the whole week na nasa Palawan kami, inaraw araw ba naman. Wala ata kaming pahinga. Ihi lang at kain. Pagnapagod, tulog. Pagnagutom, kain. Pero bukod doon, iyon lang ang inatupag namin. Isang beses lang ata kami nag water activity, yun river cruise lang. Pero most of the time, nasa kwarto lang kami at gumagawa ng baby.

Sakit na nga ng katawan ko, pero masaya ako. Feeling ko nakajackpot ang lalaking ito e. As in bulls eye. Wala lang,feel ko lang. Sana...

A/N At bukas na uli... No proofread, sorry...

Almost Over You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon