24

1.9K 126 1
                                    

Kasama ko si Manang Fely na magpacheck up sa isang OB Gyne dito sa Antipolo. Medyo gumaan ang pakiramdam ko dahil binigyan ako ni Manang ng balat ng dalandan.

Hindi pa tumatawag si Richard kaya medyo nag-aalala ako. Noong nakaraang araw naman kase ay palagi siyang tumatawag.

Maayos naman ang naging check up ko. Binigyan ako ng mga vitamins na dapat kong inumin. Normal lang daw ang mga nararamdaman ko. Kapag daw umaga, crackers lang muna at gatas na pangbuntis ang inumin ko. Kapag wala na yun pakiramdam na nasusuka ay saka na daw ako kumain ng medyo mabigat. Palagi daw akong kumain ng prutas at iwasan ang malalamig at matatamis na inumin at pagkain.

Sayang, sana ay nandito si Richard para masamahan ako. Nalungkot na naman ako. Sabi pala ng doktor, normal daw yun pakiramdam na laging nasesenti kase nga gawa ng hormonal change.

Pagdating sa bahay ay dumiretso ako sa kwarto ko. Nahiga muna. Napagpasyahan kong tawagan na ang asawa ko kung hindi niya ako matatawagan. Ayoko ng maghintay.

Nakailang-ring lang ay sumagot na siya.

"Mahal, napatawag ka? May problema ba?"

"Mahal wala naman. Namiss lang kita. Di ka kase tumawag kagabi."

"Sorry mahal, ang dami kong ginagawa. Napagod ako kahapon kaya nalimutan ko ng tumawag sayo. Pero don't worry okay na. O kamusta ka na naman? Si Manang Fely inaalagaan ka ba?"

"Mahal okay naman ako. Si Manang okay naman. Inaalagaan nga niya ako. May ibabalita rin ako sayo."

"Mamaya na mahal. Busy pa sa trabaho. Tatawagan kita pagtapos ng ginagawa ko. Sa lunch break namin."

"Sige. Pero tumawag ka kase may sasabihin ako."

"Oo nga. Sige na, tinatawag na ako ni Jerald."

"Love you, mahal. Bye."

"Bye."

Nagtaka ako. Walang I love you man lang o mahal kita? Pero isinantabi ko yun. Baka kase nahihiya siya kase kaharap niya ang mga katrabaho niya. Nalimutan din siguro dahil sa pagmamadali.

Pagkatapos ng tawag ko kay Richard ay napagpasyahan kong ayusin ang mga gamit namin. Itiniklop ko ang mag damit sa cabinet. Pinagsama-sama ang magkakatulad na kulay. Dahil naiinip ako, inayos kong mabuti ang lahat sa kwarto. Nasiyahan ako sa resulta. Medyo nakalimutan ko rin kase ang hindi pagsabi ng mahal kita ni Richard. Sana hindi gumagawa ng kalokohan iyon, kundi makikita niya.

☆☆☆

Pagkapananghalian, ay nanood muna ako ng TV sa sala kasama ni Manang Fely. Hinihintay ko kase na tumawag na ang asawa ko dahil batid ko na lunch break na nila.

Maya-maya ay nagri-ring na ang telepono ko.

"Hello."

"Girl, kamusta ka na?"

"Ayos naman. Ikaw? Sila Kat at Patty?"

"Okay din naman. Magpapakasal na kami ni Vince, Meng. Pumayag na ako."

"Talaga? Mabuti naman. Masaya ako para sa iyo."

"Mag-shopping tayo mamaya. Daanan mo ako dito. Isama natin sila Patty."

"Ngayon? Sige. Wala naman akong gagawin. Tawagan mo na sila Kat. Hintayin ko lang ang tawag ni Richard at tatawag daw siya. Doon na tayo magkita sa condo mo."

"Okay. Gonna wait for you, Meng. Bye."

"Bye.."

Si Sheena ang tumawag.

Gumayak na ako habang hinihintay ang tawag ni Richard. Habang nakatingin sa salaminnay nag-ring uli ang phone ko. This time si Richard na.

"O mahal, bakit ngayon ka lang tumawag? Matatapos na lunch break ninyo diba?"

"Oo. Nagutom kase ako kaya kumain muna ako. O ano nga pala yun sasabihin mo?"

"Mahal may good ne..."

Narinig ko sa background yun sigaw ni Jerald at tinatawag siya.

"Mahal, pasensiya na kailangan ko ng umalis. Mamaya ko na lang ikaw tatawagan. Nagmamadali ako e."

"Sige.. bye."

Hindi na siya sumagot, ibinaba na niya ang phone. Kumirot na naman ang puso ko. Pati ba sa trabaho nagseselos ako? Naalala ko na lang ang sabi ng doktor kanina. Normal lang yun ganitong pakiramdam. Hormanal Change daw. Hahayaan ko na lang muna yun. Tutal trabaho lang yun. Buti kung ibang babae.



Almost Over You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon