23

1.9K 127 1
                                    

Hinintay ko ang tawag ni Richard. Nakatulog na ako pero hindi pa rin siya tumawag. Nagising kase ako ng bandang ala una ng madaling araw. Tinignan ko kaagad ang cellphone ko pero wala man lang tawag o text. Inisip ko na lang na baka  busy o baka napagod kaya nakatulog kaya di na nakatawag.

Nag-alala ako pero naisip ko naman na napaka-OA ko kung magagalit ako dahil sa simpleng hindi niya pagtawag. Baka bukas ay tumawag na yun.

At dahil buntis nga ako, mabilis ako nakatulog.

Kinabukasan, tanghali na akong nagising. Wala namang pasok, kaya okay lang. Nakaramdam ako agad ng hilo kaya di muna ako bumangon. Masama talaga lagi pakiramdam ko pagkagising. Ganun daw iyon sabi nila. Base sa mga napagtanungan ko, natural daw yun mabigat na pakiramdam ng isang buntis. Dahil sa hormones. Ang hirap. Naisip ko tuloy si Richard, siguro kung nandito siya ngayon, malamang siya ang mag-aalaga sa akin. Nalungkot ako at di ko namamalayan, naiiyak na ako sa awa sa sarili dahil wala ang asawa ko sa tabi ko.

Dinatnan ako ni Manang na nakahiga habang humihikbi.

"Meng, anak bakit ka umiiyak? May masakit ba sayo?"

"Manang wala po ito. Bigla lang po ako nalungkot, naisip ko po kase ang asawa ko. Miss na miss ko na siya."

"Naku, huwag kang umiyak at baka makasama sa anak mo yan. Mahal ka nun. Kumain ka na. Dinalhan kita ng pandesal na may palamang itlog at saka gatas. Bawal muna sayo ang kape."

"Nang, sa tingin mo ba hindi ako niloloko ng asawa ko?"

"Bakit mo nasabi yun? Hindi ka lolokohin nun."

"Nang, di po kase siya nakatawag kagabi. Ngayon naman wala pa po siyang text sa akin. Tapos di pa rin siya tumatawag. Baka may nakita na siya doon sa Vietnam."

"Anak, huwag kang mag-isip ng ganun. Mahal ka ni Richard. Kumain ka na? Maayos ba pakiramdam mo?"

"Manang, hindi po. Nahihilo po ako. Gusto ko lang pong nakahiga. Pakisarado po yun blinds at gusto kong parang gabi."

"Kumain ka muna anak."

"Manang, mamaya na lang po. Mahihiga po muna  ako at pagtumayo ako, para akong masusuka."

"O siya, basta kainin mo itong inihanda ko,para sa baby mo yan at hindi lang sayo. Isa pa anak, sasamahan kita sa Doktor para makapagpacheck up ka na."

"Sige po, Manang. Tawagin ko na lang po kayo pag medyo umayos ang pakiramdam ko."

Iniwan na ako ni Manang mag-isa sa kwarto. Hawak ko pa rin ang phone ko. Hinihintay na sana ay tumawag na ang asawa ko.

Bakit ba hindi pa rin siya tumatawag? Ano kaya ang nangyari doon? Hindi naman siguro niya malilimutang tawagan ako? Pero nagtataka ako kung bakit wala pa rin siyang tawag. Nasabay pa ang hirap ng paglilihi ko kaya lalo akong naiiyak.

A/N No proofread po.

Almost Over You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon