3

2.8K 151 4
                                    

Maaga akong nagpunta sa airport. Dapat 2 hours before the flight nakacheck in na ako. Nauna na silang lahat. Hindi kami sabay-sabay dahil si Patty ay noong Miyerkoles pa sa Boracay, si Sheena at si Kat naman ay noong huwebes. Ako ay ngayong Biyernes. Excited na ako. Feeling ko may magaganap sa Boracay.

Iniwan ko muna sa assistant kong si Maui ang pagpapatakbo ng coffee shop. Malakas pa rin ito sa mga kabataan at sa mahihilig magkape.

Wala akong iintindihin ngayon kundi ang sarili ko. Sila Nanay at Tatay naman ay nasa ibang bansa na kasama ang dalawang kuya ko na meron na rin mga asawa at anak. Kinukulit na nga nila akong iwan ang pagiging guro dito sa Pilipinas kaya lang todo-tanggi ko kase maayos naman ang buhay ko kahit mag-isa lang ako. Isa pa, pwede naman akong dumalaw sa kanila kung gugustuhin ko dahil mayroon akong Multiple Entry visa sa Amerika.

☆☆☆

Nakarating ako ng Boracay mula Caticlan Airport ng mag-aalas diyes ng umaga. Sumakay ako ng bangka para makarating sa Boracay.

Nakacheck in na rin ako kase si Sheena na ang umasikaso. Pagdating ko doon ay naghihintay na ang mga bff ko mula pa ng college para salubungin ang matandang dalaga daw na ako.

"Bessy, sa wakas kumpleto tayo." Bati ni Kat sa akin sabay beso silang tatlo.

"Asan sila Vince?"

"Nandun sa beach, binabantayan si Samantha." Sagot ni Patty. Si Samantha ang anak na 3 taong gulang nila Samuel at Patty.

"Ah okay. Saan ba ang room ko? Makapag-ayos muna bago lumusong sa tubig."

"Halika na. Katabi ka namin sa room. Kaya lang girl, solo ka lang ha. Alam mo na, wala ka kaseng jowa!" Sabi naman ni Sheena.

"Alam ko naman yun, ayan na naman kayo sa panunuya ninyo ha! Tigilan ninyo ako!"

"Wala naman kaming sinasabi. Napakadefensive mo!" Mataray na sabi ni Sheena.

"E alam ko kaya ang sasabihin ninyo."

"Hehehe.. tara na! Magdrama pa tayo sa kwarto mo at miss ka na namin." Awat ni Patty.

Nagtungo kami sa kwarto ko.

"Girl, kamusta nga pala sa trabaho? Buti ka pa naexercise no yan tinapos mo!" Si Kat.

"Okay naman. Nakatapos na ako ng clearance ko. Kaya bakasyon grande na ang lola ninyo."

"Wow! Buti ka pa. Ako nagleave lang ako sa opisina. Yan naman si Patty hindi naman yan nagtatrabaho dahil mayaman si Samuel." Sagot pa ni Kat.

"Nu ka ba! Masarap magtrabaho no! Di ka apihin ng asawa mo."

"Ay speaking of asawa, puntahan ko lang sila doon. Sama bna ba kayo?"

"Sige Kat, sama na ako at si Samantha baka nagugutom na." Dagdag ni Pat.

"Ikaw Sheena?" Tanong ni Kat.

"Maya na ako. Hintayin ko na itong si Menggay."

"Okay. Doon tayo magkita sa pwesto natin. Para sabay-sabay na tayo kumain ng lunch." Sabi ni Sheena.

"Hoy, Meng magpasexy ka ha! Bak makabingwit ka doon." Sabi naman ni Patty.

"Oo na. Sige na gutom na ang anak mo!"

Pagkalabas ng dalawa sa kwarto ko ay hinarap ako ni Sheena. Kami kase ang super close sa apat na magkakakaibigan.

"Bes, ano na?"

"Anong ano na?"

"Wala ka pa tin bang jowa?"

"Wala nga!"

"Naku, girl ako natatakot para sayo!"

"Bakit naman?"

"Ayokong maging old maid ka! Sayang ang lahi mo!"

"Gaga! Magkakaroon din ako. Tiwala lang."

"Basta dapat bago tayo umuwi, dapat makita mo na yun para sayo."

"Hoy, hindi ganun kadali yun ha! At saka huwag mo na akong intindihin. Basta magkakaroon ako ng bf soon."

"Bahala ka! Basta kapag hindi ka nagka-asawa, kukupkupon kita."

"Grabe sa kupkop! Hindi nga ako tatandang dalaga."

"Sinabi mo yan! Bilisan mo na mag-ayos ng makahanap na tayo ng papa mo! 2 piece gamitin mo para makadali agad tayo."

"Letche! Kulit! Balikan mo na si Vince doon at susunod na ako."

"Oo na! Gaga!"

"Hahaha!"

Ganito kami magkaibigan. Murahan ang lambingan. Pero mahal namin ang isa't-isa.

Si Sheena kase ang tagapagtanggol ko. Kakampi sa mga nang-aapi sa akin. Kaya siya ang pinaka-close ko. Iiwan nga niya si Vince para sa akin e. Pero di ko naman hahayaan na sirain niya ang kaligayahan niya para sa akin. Ako lang kase ang luka-luka.

Sana nga makita ko na ang lalaking ititibok ng puso ko para mapahinga na sa kaiisip ang mga kaibigan ko. Sila pa ang atat na magka-asawa ako e.

Almost Over You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon