32

2.8K 129 6
                                    

Linggo

Pagkagising ko ng umaga kinabukasan, naamoy ko na may nagluluto. So tinotoo pala niya ang hindi pag-uwi. Seryoso ata talaga siyang pagsilbihan ako.

Pwes, bahala siya. Mabuti na rin yun para maramdaman niya ang galit ko.

Lumabas ako pagkatapos maghilamos.

"Mahal, gising ka na pala. Halika na ipinagluto na kita ng breakfast. May itlog at pandesal. Ipinagtimpla na rin kita ng gatas kase nakita ko sa cabinet. Kumain ka na."

Umupo ako. Pinili ko na lang manahimik. Hindi naman ako masamang tao para palagi na lang siyang apihin. Ayoko na rin namang magbitaw ng masasakit na salita dahil kahit ako ay napapagod din sa mga sinasabi ko.

"Magsimba tayo ngayon. Gusto ko kaseng magpasalamat dahil kahit nasaktan kita ay tinanggap mo pa rin ako dito."

"Hindi kita tinanggap ikaw ang nagpupumilit dito." Sarkastikong sabi ko.

"Kahit na. Basta yung hindi mo pagtataboy sa akin, okay na sa akin yun. Deserve ko naman ang galit mo. At kahit pahirapan mo pa ako ay tatanggapin ko."

Kumain na lang ako. Nang maramdaman ko ang hilo ay tumayo ako bigla at pumunta sa lababo. Sinuka ko lahat ng kinain ko at may kasama pang madilaw na laway na mapait. Kaya nanghina ako at napaupo sa sahig. Nilapitan niya ako at dinaluhan.

"Okay ka lang mahal? May gusto ko ba? Tubig?"

"Okay lang ako. Magpapahinga lang ako sandali. Pwede ba pakikuha yung dalandan sa ref. Gusto kong amuyin yun balat."

Kinuha niya yun dalandan. Inabot sa akin at pinagmasdan kung paano kong itapon ang laman at kunin lang ang balat. Piniga ko yun balat at inilagay sa ilong ko.

"Ayos ka na? Gusto mo ba dalhin kita sa doktor?"

"Okay lang ako. Ganito naman ako lagi. Normal na sa akin yun morning sickness."

"Mahal, pasensiya ka na. Hindi ko alam na hirap na hirap ka palang maglihi sa baby natin. Pero promise, aalagaan kita. Andito lang ako."

Naluha ako pero dahil ayokong makita niya na lumalambot ang puso ko ay mabilis akong tumakbo sa kwarto namin para itago ang luha ko. Mahal ko ang asawa ko pero hindi ko pa kase kayang magpatawad.

Nang mahimasmasan ako ay naligo ako. Nagsuot ng maluwag na T-shirt at naghiga uli. Hindi ko yata kayang lumabas muna. Masama na naman ang pakiramdam ko. Hirap talagang maglihi.

Hindi naman niya ako inistorbo. Pero nung magtatanghalian na ay kumatok siya sa kwarto namin para yayain akong kumain.

"Kakain na. Bumili na lang ako ng food sa resto bago ako umuwi. Hindi na kita inistorbo kaya nagsimba na lang ako mag-isa. Alam ko kaseng masama ang pakiramdam mo. Tara na. Kumain ka na."

"Susunod na ako."

Tumayo ako at aktong lalakad na ay bigla akong nahilo. Buti na lang ay nakahawak ako sa silya. Lumapit siya para alalayan ako.

"Meng, nahihilo ka ba?"

Hindi na ako nakapagsalita dahil nagdilim at nanlabo ang paningin ko. Pinagpapawisan ako ng malapot at malamig. Feeling ko hihimatayin ako pero nilalabanan ko.

"Dadalhin na kita sa doktor." Binuhat niya ako at isinakay sa kotse. Hindi na ako nakapagprotesta.

☆☆☆

Sa ospital..

Narinig kong kausap niya ang doktor na tumitingin sa akin.

"Doc, ano po nangyayari sa asawa ko? Naglilihi po kase siya at matindi yun morning sickness niya. Pero ngayon po nagdilim ang paningin niya at namutla po siya na parang nawalan ng dugo."

"Itetest natin yun red blood cells niya. Baka anemic ang asawa mo. Sabi mo kase buntis siya. Napupuyat ba ang asawa mo? Naiinom ba niya yun mga vitamins niya?"

Napatahimik si Richard,di niya masagot ang mga tanong ng doktor. Paano naman niya malalaman ay wala siya sa mga unang buwan ng pagbubuntis ko.

"Pasensiya na Doc pero kakadating ko lang kase galing abroad. Hindi ko po alam kung naiinom niya yun mga vitamins. At isa pa po, kagabi kase hatinggabi na rin siya nakatulog dahil may inasikaso sa Coffee shop niya."

"Mister, hindi po pwedeng napupuyat ang misis ninyo. Kailangan po saktong otso oras ang tulog niya. Anyway, hintayin lang po natin yun result ng blood test. Mukhang anemic kase ang asawa ninyo. Symptoms kase ng anemia yun pamumutla at almost fainting. Baka rin kaya mahirap maglihi ang asawa ninyo."

"Sige po Doc. Kayo na po bahala sa asawa ko."

"Balikan ko yun pasyente pag-ayos na result ha. Maiwan muna kita."

"Sige po.."

Lumapit muli si Richard sa akin. Nakapikit ako at nagkukunwaring tulog.

"Mahal, sorry. Dahil sa kagaguhan ko kaya nagkakaganyan ka. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may masamang nangyari sa inyo ni baby."  Narinig kong binubulong niya sa akin. Kinuha niya ang kamay ko hinawakan ng dalawang kamay niya. Hinalikan ako sa noo. Pagdampi ng labi niya ay hindi ko na mapigil, naluha na ako. Pumikit lang ako at pilit na pinipigilan ang luha ko.

"Mahal, tahan na. Sorry kase gago ako. Naging marupok ako.  Pero nagsisisi na ako. Hindi ko na uulitin yun."

Napalakas na ang tulo ng luha ko. Humihikbi ako dahil sa pagpupumilit kong pigilan ang iyak ko.

"Shhhh..tama na. Makakasama kay baby yan. Hayaan mo na ako na lang ang masaktan. Mas kaya ko yun sakit ng pagpapahirap mo kaysa makita kitang umiiyak. Tama na. Nahihirapan din ako. Tama na please, baka makasama kay baby yan."

Dumilat ako. Tumingin sa kanya.

"Bakit mo ako niloko? May kulang ba sa akin? Hindi ba kita napaligaya para lokohin mo ako? Ang sakit sakit alam mo ba? Walang kasing sakit."

"Mahal sorry na. Tama na please. Alam ko namang kasalanan ko. Pagbabayaran ko yun kahit habang buhay, kahit pa mamatay ako, alam kong hindi ko maiaalis sa isip mo yun ginawa ko pero bigyan mo naman ako ng pagkakataon."

Tinignan ko siya at hinawakan ang pisngi niya ng isang palad ko. Inihilig niya ang mukha niya sa palad ko at hinawakan ang mga kamay ko.

Pagkatapos ay tumalikod ako sa kanya. Hindi ko pa rin maibibigay ang gusto niya. Sapat na yun pinapasok ko siya uli sa buhay ko. One step at a time. Pero isa lang ang narealize ko, mahal na mahal ko pa rin anag asawa ko. Siya lang ang minahal ko at mamahalin sa buong buhay ko.

A/N Goodnight na. Last na po muna for today.


Almost Over You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon