rubics...no text daw! =^_^=

5 0 0
                                    


February 21 2017

Halo!!! Oh my gerd!! Akala ko talagang araw nato galit sakin si arlene! Kasi naman hindi niya ko pinapansin! Pag nagkakasalubungan kami wala man lang kalabit..wala man lang hello..o kaya wala man lang palo..miss ko na yung palo niya:-( pero hindi pala!! Kasi siguro..“siguro" lang naman di ako sure kasi kasama niya si olibeth eh alam niya di ba? Hindi kami okay...

Pero kay clairebebeko muna ko bago kay babyarlenelen..

Kasi umaga nun nag dadatingan isa isa yung grupo nila claire. Tapos ang pwesto tabalan-ako-valerie(tumabi sakin epal-.-) tapos sa harap naman namin si porscha nag iisa lang siya dun wala pa yung iba eh.

Tas nag rurubics ako nun nahagip ng mata ko si claire papunta na sa direksyon namin. Tapos nagrubcs lang ako nakita ko siya pumunta sa tabi ni valerie. Tapos umalis nag cr ata. Edi ako para makaupo siya sa tabi ni tabalan lumipat ako dun sa tabi ni porscha dun ako dumaan mismo sa lamesa..haha..ang kulit.. tapos rubics ulit tapos napansin ko dalawa na yung katabi ko sa left ko kasi si porscha tas tumingin ako sa right si maui na pala katabi ko tas sabi ko uy!! Maui!! Tapos inalog alog ko siya,tas napansin ko may dala siyang cellphone sabi ko palit tayo! Sayo to! Akin to! Tapos tinutukoy ko yung hawak kong rubics. Una ayaw niya ibigay eh..tas pumayag din..edi ako nag cellphone na nag laro ako nung aa kasi nakaka suspense tas nasa tapat ko nga lang pala si claire nun magkatapatan kami. Tas tinapik niya yung kamay ko na may hawak na cellphone. Hindi ako tumingin kasi nakapokus ako dun sa aa grabe! Suspense! Kaya tinaas ko lang yung dalawang kilay ko. Tapos ngumiti nag eenjoy ako sa nilalaro ko eh. Sabi niya rubics. Tapos tinuro ko si maui. Tapos si maui binigay niya kay claire. Edi ako walang pake nag eenjoy talaga ko dito sa nilalaro ko eh! Tas sabi niya uy! Katherine! Pano to! Tapos nag salita ako pero hindi ako tumitingin sabi ko baklasin mo na lang..mabubuo yan..tapos laro lang ako ng laro. Tapos ang loka! Inikot nga yung cube! Putek! Pero hindi ko na lang pinansin enjoy talaga ko sa laro ni maui eh.  Tas dalawang beses niya ata ko kinulit kung pano yun. Eh di ko pinapansin bukod sa nag eenjoy ako sa laro nato tinatamad pa ko magturo. Haha....

Tapos nagpilahan na..balik na sa room. Tapoa yun hanggang room nagtuturuan kami nun. Meron nga isang scene lumapit ako sakanya tapos yung left legs ko nasa pagitan ng binti niya. Hindi naman niya inaalis inipit pa nga binti ko eh. Haha..bilog sakin..haha! Char! Tapos syempre same routine kapag namamali siya ng pihit syempre hahawakan ko yung rubics ayaw kasi niyang bitawan. Kaya yun nahahawakan ko kamay niya. Tapos nun tumabi na din ako sakanya kasi kada aalis ako sa tabi niya tatawagin nanaman niya ko. Kaya umupo nako,sakit na ng binti ko no-.-

Tapos nag recess na..balik sa room. Tapos nagsulat ng sulatin. Mabilis akong natapos,tapos ewan ko ba antok na antok ako. Kaya yumuko ako pero naka side view ako,tas tinawag nanaman ako ni claire edi turo ulit tapos itong si richard at rod! Nakiki epal! Hindi naman sakanila nagpapaturo! Eepal sila sa moment namin! Sa sobrang inis ko sabi ko sige siya na. Tas umalis nako. Buset-.- kala mo kung sinong magaling-.- ako lang din naman nagturo sakanila-.-

Edi nabadtrip nga ako. Tas lunch na edi lumabas. Nandun kami sa upuang bato na may lamesang bato. Nandun kami sa pangatlo tas sila arlene nasa dulo nagkakatanawan kami. Tas napatingin ako sakanya nun once tas naabutan kong nakatingin siya sakin kaya umiwas ako tapos yumuko pinipigilan kong wag ngumiti. Sheet!!! Kilig!

Tapos pinapasok na sa room! Tae! May extempo kami! Katabi ko nun si crisgin nasa monoblock akong upuan tas siya nasa arm chair na upuan naka indian sit ako nun habang nag rurubics. Kasi isang lalaki isang babae ang tinatawag. Ewan ko nga eh,wala kong nararandamang kaba! Sa totoo lang! Tapos si crisgin kung ano-ano na sinasabi sakin natatae daw siya na naiihi namamanhid na daw katawan niya. Ewan ko ba! Ako kahit konti wala kong maramdamang kaba. Siguro kasi confident ako na mai dedeliver ko nang maayos. Don't know.

"When I Meet Her"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon