February 28 2017
Whaaa!!!! Jusko po lord! Ano na ba nangyayari!! Nakakainis!! Buset! Ganto kasi yun..di ba nga may usapan kami nung friday hindi naman ako nakatupad tapos nung monday nawalan kasi ng pasok eh wala kong magawa kaya flinood ko siya tapos nagalit siya sakin pero nag sorry ako pero mga naka tatlong send ako bago niya sabihing wala yun..okay lang..tapos nung i-nopen ko na yung topic dun sa nung friday na hindi ko pagsipot hindi na siya nag reply:-( ang gara...nakakaiyak na nakakainis...
Edi yun umaga syempre as usual maaga nanaman ako naka indian sit ako nun habang ginagawa ko yung sa cross wise tapos nasa harap ko yung bag ko. Dumating na si jore naupo dun sa tabi ng bag ko.
Tapos ako patingin tingin sa covered court syempre baka nandyan na siya padating. Tapos nun...pag tingin ko,shet..naglalakad na siya ilang meter na lang malapit na siya sakin nun buti naka iwas agad ako ng tingin at tinanong si jore kung ano yung sa crosswise. Tapos malapit na si arlene sabi niya hoy,kath. Tapos tiningnan ko lang saglit tapos balik kay jore bigla niya naman akong hinampas ng kamay niya sa noo. Edi ako ngumiti lang. Jusko!! Di ko po siya kayang kausapin! Naduduwag po ako!! Huhuπ_π edi yun binaba niya yung bag niya dun sa tabi ko tapos sabi niya si ab ba yun...tapos tumingin ako sabay ngiti at tango tapos sabi niya si ab..ang aga ah. Ganun na lang ulit naging expression ko...gosh!! Ano bang nangyayari! Bakit ko pa kasi siya flinood! At tinext ng ganun! Buset! Nakakainis! Edi yun pumunta siya sa tabi ni ab tapos umalis din pumunta sa room nila.
Tapos nun..pila na..naglalakad ako kasama sila ate arriane at jore pero nasa likod ako habang naka cross arm at nakatingin sa malayo...yung cross arm ko yung parang nilalamig..ganun..tapos nung nakarating kami dun sa pila namin sumandal ako dun sa parang poste tapos tumingin ako sa bandang pila ng MPH. Sakto naman pagtingin ko nakatayo na dun si arlene...ng mag isa..wala pa si olibeth...malayo kami sa isa't isa habang nakatitig lang ako sakanya..iniisip ko yung ginagawa ko sakanya..naiinis ako kahit sobrang babaw naman nung ginawa ko..kaenes pa den..mga 10 seconds siguro ko nakatitig sakanya nun..napansin niya siguro na parang may nakatingin sakanya kaya tumingin siya ng dahan dahan sa direksyon ko...pagkakita niya sakin at nagtama ang mga mata namin..ngumiti ako sakanya tapos ngumiti din siya sakin sabay turo sakin. Ako nakangiti lang tapos umiwas na siya ng tingin tapos unti unting nag foforward para maalis ang tingin ko sakanya alam niya sigurong nakatitig pa din ako sakanya kaya ganun..ang hirap yung isa sa inyo iniisip na hindi kayo okay..ako yun eh..buset..
Tapos after ng flag ceremony balikan na sa room. Ito na yung masakit eh..lunch nun..nakaupo kami sa usually naming upuan pinaglalaruan ko lang yung bote ng mountain dew ko. Tapos napansin ko na dumaan si olibeth sa harap namin kasunod si alex dere deretso sa room nila. Pero si ab at arlene tumigil sa harap namin at kinausap kami pero ako nanatiling nakatingin lang sa bote. Ang akala ko lalapitan ako ni arlene yung usually na ginagawa niya..pero ngayon..hindi..ni hindi niya nga ko pinansin man lang..ang sakit..tapos may sinabi pa siya nun kay ab pero hindi ko narinig ng buo kasi binulong na lang niya kay ab sabi niya uy! Nag text ulit sakib si--- wala na..ako naman...lalong nalungkot..nakakainis..naiinis ako sa sarili ko..hindi sakanya..sa sarili ko.
Tapos pasukan na,pumunta naman kaming chapel kasi gagamitin ng grade 9 yung room namin for NCAE tapos nun after ng chapel sa millenium naman eh yung time na yun bago kami papuntahin sa millenium hiniram ko yung salamin ni porscha wala lang para lang may new look. Tapos nun makakasalubong ko si arlene..nakita ko lang sa pheriperal ko na tiningnan niya lang ako tapos hindi nako pinansin wala man lang uy! O kaya kath! Yung ganun...wala man lang kalabit..wala man lang palo sa braso ko..basta basta na lang namin nilagpasan ang isa't isa..ang hirap maging ako no? Parang may allergy lahat sakin ng tao..unti-unti na ngang nababawasan mga kaibigan ko eh..sa susunod wala nang matitira....
Edi yun..syempre ako tong si girl..maktol dito..maktol dun..hay..hindi kasi ko sanay eh..mas sanay ako sweet kami sa isa't isa tulad nga ng sinabi ko mahirap masanay sa isang bagay na alam mong pwede din namang mawala anytime....
tapos nun uwian na..hinahanap ko si bianca kasi nasakin na yung key to correction ng science tapos nakatayo ako sa pinto nun ng pansamatalang room ng MPH hinahanap ng mata ko nun si bianca ni hindi ko nga napansin na nasa harap ko pala si arlene na bigla na lang akong kinausap sabi kath. Si claire? Sabi ko hindi ko lang alam. Tapos hindi ko siya tiningnan hinahanap ko lang si bianca sabay lakad ko paalis sa harap niya at hinanap si bianca..hindi ko alam kung bakit naging ganun reaksyon ko..siguro kasi rush nako..at may hinahanap ako na importante kaya hindi ko siya na entertain. Okay lang...wala nanaman na ata ko sakanya eh..ako lang yung taong dadaan sa buhay niya pa sikretong mamahalin siya..ganun lang ako...pero never niya kong mamahalin at papahalagahan..hindi tulad ng pagmamahal at pagpapahalaga ko sakanya...ang hirap maging ako..sana hindi na lang ako..ako..
Extra...
Kay chichay to..nasa cr kasi ko nun pagtapos ko patakbo ko lumabas kasi baka hanapin ako nila crisgin kung saan nung palabas ako may dalawang babae na hindi ko na napansin dahil nagmamadali nga ako. Pero yung isang babae pinigilan niya ko sabi niya oh! Tapos hinawakan ako sa dalawang braso ko nung tiningnan ko naman...si chichay pala! Nginitian ko lang..tapos bigla niya hinawakan yung left hand ko at hinahatak ako papasok ng banyo sabi ko oh? Sasama mo pa ko diyan? Haha! Sabi niya oo! Gusto ko kasama kita! Tapos sabi ko wag na ako! Siya na lang! Sabay turo sa kasama niya naghahatakan naman kami ng kamay. Sabi niya eh! Ikaw lang gusto ko! Sabi ko haha! Wag na ako! Samahan mo na siya dali. Tapos tinutulak tulak ko pa yung kasama niya sabi niya ikaw lang gusto ko makasama habang buhay! Sabi ko wow! Haha! Tapos nabawi ko din ang kamay ko sa wakas! Ayaw niya talaga bitawan eh! Mukhang seryoso dun sa sasama niya talaga ko sa banyo...haha..syempre di ako sasama...i respect her more than anything..:)
BINABASA MO ANG
"When I Meet Her"
RandomAng kwento na to true story ang kwento po na ito ay kay katherine garcia kaya title ay when i meet her kasi nag iba lahat ng makilala ko siya.......