f*c*

1 0 0
                                    


March 1 2017

Putek na yan! Ang panget ng simula ng marso ko ah! Ang sarap manuntok! Buset! Pero kung kay claire ang pag uusapan..kinikilig ako..pero pag kay arlene..badtrip men! Nakakainis! Ganito kasi yun..

Umaga nun as usual nandun ako sa pwesto ko. Nag babasa lang ako ng wattpad actually hindi ko ngayon hinihintay si arlene hindi ko alam kung bakit..siguro ayaw ko MUNA..

Tapos nun dumating si tabalan..halos kasabayan niya lang si arlene..nagbaba si tabalan ng bag sa harap ko tapos si arlene nasa likod niya kasi nga kasabayan lang narinig ko sinutsutan ako ni arlene psst...psst...tapos hindi ko pinansin nagbabasa lang ako kahit naman si tabalan na nasa harap ko hindi ko din pinansin tapos nung napansin ni arlene na hindi ko siya pinansin tumayo lang siya dun tapos tumingin nanaman sa malayo..naupo na si tabalan sa tabi ko sa left side pagkaupo niya sabi ko kay tabalan uy! Nandito na pala to. Sabay turo ko kay arlene sabi ni tabalan oo,pinust pust ka pa nga eh. Sabi ko di ko nadinig. Pag kukuwari ko,nung tinuro ko si arlene tumingin lang siya sakin saglit tapos tumingin ulit sa malayo.

Tapos maya maya naupo siya sa lapag. Naka indian sit siya habang nakatingin sa grade 9 may NCAE kasi sila ngayon kaya madami agad nakapila. Tapos napatingin ako sa right side sa tabi ko nakatabi yung bag ko sakin. Nakonsensya ko bigla dapat dito siya nakaupo at hindi sa lapag. Pinausad ko si tabalan para makaupo si arlene sa tabi ko pag usad. Kinalabit ko si arlene sa tuhod tumingin naman siya pagkatingin niua ti nap ko naman yung space sa tabi ko sabi niya wait lang. Tapos umalis siya pumunta sa grade 9 okay. Psh...ako na nag offer na reject pa..k..tapos nun dumating na ulit siya hindi ko naman siya sinundan ng tingin kung saan siya nagpunta ang alam ko nun sa room ata siya nagpunta na confirm ko lang nung nagmaktol na siya sakin sabi niya pagka upo sa tabi ko nakakainis naman..wala na..kainis. sabi ko bakit? Tapos maktol lang siya ng maktol sabi niya samahan mo ko sa 1st gate. Sabi ko tara. Tapos pinauna ko siyang tumayo pagtayo niya kinuha niya yung bag niya sinukbit pa habang nagmamaktol pa din. Ewan ko ba kung ano nangyari dito at parang nag tatampo na ewan. Sabi ko bat dala mo bag mo? Hindi pa rin kami umaalis nun kasi dala niya bag niya eh sa canteen lang naman kami pupunta sabi niya uuwi nako. Sabay tawa niya ako din natawa na sabi niya de joke lang..tara na..tapos naglakad na kami..hinawakan pa niya ko sa kamay nun pero inalis ko din..ayaw..arte ko ba? Sinusubukan ko kasing maging straight ulit eh..hehe..sabi niya habang naglalakad na kami nakakatampo..hindi niya man lang binigay yung kiss ko. Sabi ko kiss? Edi boyfriend mo na? Sabi niya hindi ah! Sabi ko eh bakit may kiss? Sabi niya basta nakakatampo..sabi ko bago siya umalis kiss tsaka hug ko eh..di naman binigay. Napaisip naman ako bigla..may hug pa..tapos may kiss pa..eh pusang gala! Edi may syota! Sabi ko girl or boy? Hindi ko na napigilan sarili ko malay mo naman babae pala di ba hindi siya nakasagot agad tumingin pa siya sakin sabi niya lalaki. Sabi ko oh? Bakit may kiss agad? Sabi niya dito lang naman yun. Sabay tap niya ng right cheeck ko sabi ko kahit na. Tapos yumuko ako...nakakapikon..sino ba kasi yun..tapos nung padaan na kami sa mga teacher's eh nandun yung adviser niya sabi niya wait lang. Tumango lang ako tapos pumunta na siya kay ma'am ako naman nag phone lang. Ang tagal nga nila mag usap eh. Napatingin ako sa labas nun nakita ko si ab naglalakad na papasok kaya tiningnan ko habang nakangiti. Tapos naman nun inaya nako ni arlene sa canteen tapos na sila mag usap eh. Hindi ata napansin ni arlene si ab kasi halos magkasalubungan lang kami eh nauuna pang maglakad sakin si arlene. Tapos ako naman kinausap ko kasama niya kasi yung grade 9 nag uusap sila sinasabi ko kung close sila. Tapos lumagpas na...nung nasa loob na kami hindi ko naman napansin na sumunod pala si ab samin. Tapos niyakap ko..i miss her..tapos kinuwento niya kung bakita sila nag uusap. Tapos nanghiram samin si arlene ng 5 eh wala kong dalang pera nun kaya si ab nag pahiram sakanya. Tapos nung tapos na bumili si arlene habang papalabas kami ng canteen nagmamaktol pa din dahil dun sa lintek na kiss at hug na yun. Sa sobrang irita ko nauna na kong naglakad sakanila nag phone na lang ako. Bwiset..tapos humiwalay ako sakanila nag daan sila sa millenium ako sa likod mismo ng stage although malapit lang naman pero malayo pa din. Tapos nun nasa tapat nako ng chapel parang biglang nagmadaling maglakad si arlene sabi niya kath! Tapos paglingon ko...nagmamaktol pa rin itsura niya kaya nginitian ko na lang at naupo sa pwesto ko..maiinis mo lang ako ngayong araw arlene..wag mo ko simulan..gusto ko sana sabihin yan eh..pero sino ba naman ako para sabihan siya ng ganun di ba? Dapat lumugar din ako.

Tapos nun tumabi sakin si porscha siya kasama niya na sila ab. Nakita ko nun nagpunta sila computer kasama si chezsca tapos inaya naman ako ni porscha na pumunta din ng canteen kasi kailangan ng construction paper. Nung nandun na kami nandun din sila arlene.

Edi ako nag txt lang habang hinihintay ko si porscha na makabili tapos nun kinausap ko si chezca biniro biro ko. Nung tapos na sila bumili paalis na sinusutsutan ko si arlene sabi ko psst! Yan! Sige! Ganyan! Snob! Sige! Okay  lang! Tas ang akala ata ni ab siya yung tinatawag ko kaya siya yung lumingon nginuso ko naman si arlene para sabihin na siya tinatawag ko si ab naman sinabi kay arlene kaya nilingon ako ni arlene paglingon sakin ni arlene sabi niya siya pala yun. Tapos naglakad na paalis..ouch bes..ang sakit lang..ako LANG PALA yun..ako lang pala hindi na kailangan pansinin..sige OKAY lang!PAGPATULOY MO PA! Buset!

Edi yun...yun na yung samin ni arlene wala nang kasunod pa at sa tingin ko wala nang magiging kasunod pa! Kainis!

Dito naman tayo sa good vibes kay claire..hihi..kasi misa na namin nun..na pahiran kami ng ash sa noo. Naupo kami dun sa pwesto talaga namin eh finaforward kami ni sir sa harap edi nag forward naman ako kaya ang katabi ko na sa left ko si claire..hihi.. tapos nun naalala ko bigla hindi pa pala nag aamanamin tsaka peace be with you. Edi natuwa ko dun sa peace be with you kasi mahahawakan ko kamay niya kinabahan ako dun sa peace be with you kasi hindi ko alam kung babatiin ko siya..naduduwag nanaman po ako..haha..

Edi yun amanamin na..una kong kinuha yung kamay ni malano. Tapos sabay lang kaming nagtaas ni claire ng kamay..nasa ibabaw yung kamay ko sakanya na sa ilalim una ang hawak ko lang yung daliri niya lang talaga yung tatlo kasi yung hinliliit di abot haha.. tapos hindi pa nag uumpisa tumingin siya sa left side niya bago niya galawin ang kamay ko at ipasok mismo sa kamay niya. Sheet...pinasok niya lalo..kaya nahahawakan ko na din palm niya..hihi..tapos nag wawater falls yung kamay niya..pasmado..buti ako tinuyo ko talaga para sakanya..haha..tapos nung tapos na yung kanta halos sabay lang din kami nag alis ng kamay..kikilig ako! Nung kumakanta nga di ko mapigilang ngumiti ih! Haha!

Tapos nung peace be with you naman edi nag vow ako tapos kay malano,kay tabalan,kay maui. Tapos humarap ako kay claire kinalabit ko pagtingin niya nag peace sign ako sakanya tapos siya tumango lang. Okay na sakin yun no! Eh accidentally pagbaba nung peace sign ko natamaan nung papel na hawak niya kaya nalaglag pinulot ko naman agad at inabot sakanya sabi ko sorry..sorry..habang nakangiti ako tapos nakatingin sakanya siya naman nakatingin lang dun sa papel pero nakangiti siya habang inaabot ko..okay na yun...her smile is enough for me..:-)

YUN LANG! WALANG GANAP EH! OKAY LANG! AKO LANG NAMAN TO! HAHA!! DADAANIN KO NA LANG LAHAT SA TAWA! WHOO!!! SARAP MAGPAKAMATAY!! LALO NA SA GANITONG SITWASYON! yung kay arlene ha? Hindi yung kay claire kinikilig nga ako kay claire nun eh. Hihi..

"When I Meet Her"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon