GOOD morning again:)

0 0 0
                                    


February 24 2017

Naks!! Ilang araw din! Bago kami nagkasama ng umaga! Haha! Ang kulit! So now here we goes...

Nakaupo ako sa lapag nun inaayos ko yung gagamitin ko for demo teaching! Sana naman tuloy na tuloy nako! Ilang araw nako nahihinto sa pagtuturo! Edi yun! Inaayos ko yung cartolina may tinape ako kasi binawas sa lesson ko. Tapos dumating na si joriena at jeann. Si joriena nasa gilid ko si jeann nasa loob ng chapel nasa harap ko. Edi parehas lang sila ng tanong sakin “ngayon ka na?" isa lang din sagot ko sakanila “yah." edi yun inayos ko habang inaayos ko may biglang nagsalita sa likod ko at alam ko na kaagad kung sino yun..boses pa lang niya..alam na alam ko na si arlene.. sabi niya kath! Ngayon ka na? Goodluck... Lumingon ako sabay ngiti sabi ko yah. Tapos binaba niya yung bag niya katabi ng bag ko. Yie..tapos tinuloy ko na yung ginagawa ko.

Pagkababa niya nung bag niya pumasok siya sa loob ng chapel naupo sa lapag sa harap ng cartolinang inaayos ko na panget ang sulat gusto ko sanang sabihin “wag mo na tingnan yung sulat" kaya lang nahiya ako..nakatingin pa kasi siya dun sa sulat ko sabi niya math ka? Sabi ko science. Sabi niya ah..kala ko math eh..may ratio kasi..ngumiti na lang ako at pinagpatuloy ang ginagawa ko. Tae naman eh! Pokus dapat ako ngayon bes! Haha! Tapos dumating si mayor ang bungad din sakin ngayon ka magtuturo kath? Sabi ko yaz.. para maiba naman eh umalis si jore nun kaya dun siya naupo sa pwesto ni jore. Tapoa usap sila ni arlene. Nung natapos ko yung sa cartolina ko,nilagay ko na sa paper bag tapos nilabas ko naman yung english book tsaka yellow paper at ballpen para simulan ang lp ko sa english dalawa kasi tuturo ko ang nice di ba. Tapos sulat nako napansin ni mayor sabi niya ano yan kath? Sabi ko lp sa english. Sabi niya eh ano yung science? Sabi ko nung naiwan nung first summative pa kasi yun. Sabi niya ah..so dalawa tuturo mo. Tapos tumango lang ako sabi ni arlene ang lupet ah..dalawa..ang gara..edi ngumiti lang ako tapos habang pinag iisipan ko yung isusulat ko napatingin ako kaya arlene na malayo nanaman ang tingin edi tinitigan ko lang siya tapos napapangiti ako..kasi naman si arlene yung ulo niya alam mo yung gusto niya din akong tingnan kasi alam niya nakatingin ako sakanya pero pinipigilan niya yung ulo niyang wag tumingin sakin..ganern! Kaya napangiti ako at nagsulat na lang ulit. Tapos nag isip ulit ako,tumingin ulit ako sakanya this time pagtingin ko nakatingin na din siya sakin edi nagkatitigan kami..ako nakangiti siya..biglang bumelat kaya medyo napatawa ko at nagsulat ulit. Tapos bigla siyang umalis:-( hindi ko nasinundan ng tingin baka bibili lang naman yun.

Pag alis niya dumating naman yung kapatid niyang si armie na umupo sa gilid ng bag ko. Natatakot ako bes..kukunin ko pa naman ruler ko nun good thing bukas yung maliit na zipper nakita ko i.d ko kaya yun na lang kinuha ko. Tapos narinig kong tinanong niya si mayor sabi wala pa ba si arlene? Sabi ni mayor nandyan na! Pumunta ata sa room. Tapos kahit hindi naman ako yung kausap napatango ako..nasa room nanaman po siya..haha..

Tapos nun niligpit ko na yung gamit ko kasi malapit na magpilahan at wala na talaga kong mapiga sa utak ko-.- tapos naupo ako sa tabi ni mayor pero nakaharap ako sakanya bale nakapatong yung dalawang paa ko tapos binabasa ko yung libro ko.

Tapos dumating na si arlene marami na ngang tao nun eh,una nga hindi ko pa napansin na si arlene nun nung napatingin lang ako nung dumaan siya sa gilid ko at nag usap sila ni christa ni armie. Tapos binawi ko na din agad ang tingin ko,no distraction pls..inspiration ko siya hindi distraction okay? Tapos nadinig ko na nanghingi si armie nang ribbon kay arlene sabi ni arlene wala daw kahit daw siya walang ribbon sabi ni christa kawawa naman tong magkapatid nato. Tapos sabi ni armie kala niya daw ba walang ribbon si arlene eh may kinuha atang ribbon si arlene sa bag niya sabi ni arlene oo nga hindi niya naman daw alam na manghihingi isa lang daw ribbon niya. Napangiti na lang ako habang nakikinig sa usapan nila. Ang kulit....

"When I Meet Her"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon