February 22 2017
Hi..hindi ko na ikwekwento yung kay claire ha? Ganun din naman kasi nag paturo lang din siya ng onti tas kaya niya na mag isa. Oh di ba? Ang galing. Eto kay arlene lito na ko bes..anyareh?! May dalaw ata eh! Ganto kasi yun....
Recess ng umaga nakatayo ako nun sa tabi nila crisgin tsaka magno ayoko maupo eh. Tapos nasa likod namin sila yvan eh parang may hepa kasi naman naninilaw yung kamay tapos humahawak pa samin! Kadiri kaya! Tapos sakto pag harap ko merong papadaan na dalawang babae ang una kong nakita si ate arriane pagtingin ko dun sa kasama niya si arlene pala...kaya tumagilid ako para makadaan sila ng maayos..eh si arlene sa harap ko talaga siya dadaan kasi sa kabilang side si ate arriane. Tapos hindi man lang ako pinansin:-( oh dapat ako yung namansin?..hay...ang gulo..nakakalungkot kaya:-(
Tapos naman nun..nung lunch naman..naglalakad kami papunta sa pwesto nila maja nandun si arlene nasa gilid niya si richard ewan ko ba kung bakit dun nagpunta si crisgin kakausapin niya ata si maja eh. Tapos naglalakad lang kami eh nasa likod pa ko nun nila crisgin huli kasi kong naglalakad tapos napatingin ako kay arlene...tae bes!! Nakatingin sakin!! Yung death glare! Yung parang may ginawa kong masama! Yung parang may kasalanan ako sakanya! As in! Sobrang seryoso ng mukha niya habang nakatingin sakin. Tapos kahit napansin niya nang nakatingin na din ako sakanya hindi man lang siya ngumiti! Naka death glare lang talaga siya! Yung dati pag nakikita niya ko ngingiti agad siya! Ngayon hindi! Sinalubong niya ko ng deatb glare! Sa takot ko nagtago ako sa likod ni crisgin..taeng yan..takot ako..may mali ba kong nagawa? Eh hindi pa naman kami nakakapag usap ah? Ang gara naman ata....
Tapos nun pumunta na kami kay kuya bong para bumili pagkain namin. Tapos kuya nomer..epal si crisgin eh..sabi ko after kay kuya bong punta kami sa pwesto nila crisgin kasi nakwento ko yung tingin niya sakin napansin din daw ni crisgin yun. Tapos nag pasama pa kay kuya nomer. Kaya pagdating namin dun nakatabi na si kathleen kay arlene..psh...ako nga dapat tatabi sa baby ko eh. Kaya dun na lang ako naupo sa gilid ni kathleen. Tapos nakatingin ako kay lerie nun kasi may sinasabi siya. Tapos nakita ko sa gilid ng mata ko na sumilip sakin si arlene pag kasilip sakin tinawag ako sabi kath! Tapos lumingon ako paglingon ko kumaway siya sakin. Ngumiti ako tumango sabay kaway din..hihi..kilig..bakit sila crisgin tsaka magno hindi niya ginanun? Ih..ano ba..kilig naman eh.
Tapos umalis sila kathleen. Edi umupo ako dun sa tabi ni arlene pag kaupo ko naman wala pa atang 30 seconds tinawag niya si olibeth sabi olibeth! Nag lilinis si ab?! Pero malayo sila olibeth samin tapoa hindi ko alam yung sagot naka pokus ako sa pagkain ko nun ang alam ko parehas na wednesday cleaners si ab tsaka arlene eh. Tutulungan ata. Tas tumayo siya sabi niya sakin excuse...sabi ko ayoko nga..tapos kumain ako,hinawakan niya ko sa likod pero hindi ko talaga siya pinapadaan gusto ko siya makausap...bakit ganun niya ko tingnan?! Malay mo may nagawa akong mali...edi mag sosorry ako...tapos bigla siya tumutungtong dun sa upuan para dun dumaan pero nakahawak pa din siya sa likod ko sabi ko uy!! Tapos inalalayan ko siya para makaalis ng maayos..jusme..gusto ko lang siya makausap saglit...pwedeng mamaya ka na umalis? Kung pwede ko lang sabihin yan. Hay...
Tapos yun umalis na siya,wala na..tapos nakita ko lumabas siya tas pumunta ata canteen. Sinundan ko lang siya ng tingin tapos kumain ulit kwentuhan nila crisgin. Tapos may tumawag sakin sabi kath!! Tapos tumingin lang ako sa gilid ko kasi nandun lang yung nagsasalita..si arlene..tawag ako..tapos naglalakad siya ng dahan dahan..ang dami niyang dalang pagkain sabi niya kath! Nasa loob pa ba sila ab? O lumabas na? Sabi ko wala na..ay! Ano..nandyan pa pala...tapos tinuro ko pa room nila..god..anyareh kath?! Kinabahan lang?! Tapos ngumiti siya sakin tapos naglakad na papasok ng room nila..gosh..totoo ba yun?! Kinabahan ako sa pagsagot sakanya?! Ih...nakakahiya..
Tapos eto last papasok na nang room eh kausap ko si gianne nun sabi ko kay gianne tara hatid kita sa room mo. Tapos hinatak ko eh papalag pa kaya nag amba ko na susuntukin ko siya pag hindi pumayag nasa tapat na kami ng room ng MPH nun tas may sinasabi sakin si gianne na hindi natuloy kasi may tumawa sakin. Yung tao na yun..palabas sa pinto ng MPH sabi kath! Boses pa lang alam ko na kung sino...si arlene..edi nilingon ko kasi nasa tapat na kami ng bintana ng peace nun ngumiti ako sabay sabing bakit? Tapos ngumiti siya sabay sabing wala lang... tapos winave niya yung kamay niyatapos ngumiti na lang ako tas nag wave din,siya naman naglakad kung saan man siya pupunta. Tinawag niya ko ng walang dahilan..miss niya lang ako ih..hihi.. enebe..kilig naman ako eh..
Pero dun talaga ko nagtataka sa death glare niya eh. Bakit niya ko tiningnan ng ganun? May mali ba kong nagawa na kinagalit niya? O may dalaw lang talaga siya ngayon? Ay ewan! Bukas na lang! Nang magkaalaman.
BINABASA MO ANG
"When I Meet Her"
NezařaditelnéAng kwento na to true story ang kwento po na ito ay kay katherine garcia kaya title ay when i meet her kasi nag iba lahat ng makilala ko siya.......