March 8 2017
Halo!!! Hmm...ano ba? Kwento na? Sige na nga! Para mabilis tayo. Ganito kasi yun.
Umaga syempre wala namang bago dito sa routine na to mas maaga ngayon nga lang si arlene ng mga 5 minutes ang pwesto namin porscha-ako-tabalan. As usual dun nagbaba ng bag si arlene sa peace. Nasanay na din naman ako kaya...okay lang..
Tapos nagbabasa ko wattpad dumating na din pala si claire nun naka squat siya sa tapat ni tabalan. Tapos si arlene pa alis alis nun eh...ewan ko dun di makali sa pwesto niya. Edi dedma lang ako nag phophone lang ako...tapos maya maya may biglang nag sandal ng bag na violet sa binti ko...bag pa lang kilala ko na kung sino...si arlene...tapos naupo siya sa lapag sa tapat ko nung tiningnan ko siya ngumiti siya kaya ngumiti din ako. Lumipat siya ng pwesto...sa tabi ko ulit...ih...hihi...tapos phone na lang ulit ako sabi niya okay na kayo ni olibeth? Tumingin ako sakanya sabay yuko at umiling pero okay na kami gusto ko lang makipag biruan tapos pinalo niya ko sa binti sabi niya okay na kayo eh! Magkasama kayo kahapon! Sabi ko mamaya pa..o bukas...tapos sinamaan ako ng tingin at bumelat na lang ako naman ngumiti na lang haha...cutie naman...nag usap sila claire nun eh,tas umalis siya pagbalik niya may dala na siyang mga kartolina tapos nung tiningnan ko visiual aids sabi ko magtuturo ka ulit? Tapos hinawakan ko yung right hand niya na nakahawak din sa cartolina tapos hindi siya sumagot agad nakatingin kasi ko sakanya nun tas napansin ko lang na tinitigan niya yung kamay ko na naka hawak sa kamay niya kaya inalis ko at tinanong ulit siya sabi ko magtuturo ka ulit? Tapos bumalik na siya sa katinuan at sinagot din ang tanong ko sabi niya hindi..kay armie to..tapos tumango na lang ako siya daw gumawa ng visual ni armie kaya nga daw ang bait bait sakanya ngayon hindi daw siya inaaway pag natapos daw mumurahin na siya. Baliw talaga to..haha.. ang bait niya no! Ang dami kaya rin nung visual.
Tapos tiniklop na niya ulit tapos tumanga ako naman phone lang sabi niya may pardible ka? Tumingin ako sakanya at umiling tumingin ako kay porscha at sinabing siya meron. Tapos tinanong ni porscha kaya lang nasa palda na ni porscha. Tapos ihing ihi nako kaya pumunta ko ng c.r at nakasabay ko pa si jore habang naglalakad kami may nakita kong pardible na malaki kaya lang nung kinakabit ko sira pala yupi na. Kaya naisip ko na lang na lokohin si arlene..hehe..
After ko mag c.r nag papasama sakin si jore sa canteen sabi ko siya na lang busy ko kuwari hehe..tas nauna kong naglakad kay jore pag dating ko tumayo ako sa tapat ni arlene at nilahad yung pardibleng hawak ko ang lapit na nga sa mukha niya di pa niya napapansin..pero napansin din naman niya una tumingin siya dun sa pardible tapos tumingin sakin sabay sabing uy...thank you...tas kinuha na niya ako naman medyo natatawa kasi hindi talaga siya gagana yupi nga yung dulo tapos nakita ko siya pilit niyang kinakawit..haha..hindi naman kakapit..haha..haha..nakakatawa..tapos sinamahan ko na si jore sa canteen..iiyak na eh..tas binili ko na din si arlene ng pardible mamaya nagalit sakin dahil sa bigay ko sira naman. Pag kabili lumapit ulit ako sakanya bago ko iabot tinanong ko muna siya sabi ko gumana yung pardible? Sabi niya hindi..sabi ko oh...sabay bigay sakanya nung pardible sabi niya baliw! Dapat di ka na bumili! Sabi ko hindi ako,si armie. Pero excuse ko lang talaga yun para kunin niya tapos kinuha na niya ako naman naglakad papunta sa loob ng chapel sabi niya thank you..tapos pagpasok ko ng chapel nakita ko aiya tumayo at pumuntang c.r kasama yung pardibleng bigay ko sakanya. Anyareh? Iiyak ba siya kasi binigyan ko siya pardible?! Haha! Charing lang! Baka ikakabit na sa palda niya! Haha!
Tapos pilahan na...spell MAGULONG PILA....K-A-M-I!! Kung saan saan kami na pupunta ng grade 10 hanggang sa napunta na kami sa loob ng new covered court kaya lang medyo masikip...tapos ang pwesto talaga ako nasa likod nila maui kaya lang bigla kong hinila ni maui para magkapalit kami sa harap niya kasi UNA si arlene..tapos may kasunod pala si olibeth...nung nag katinginan kami ni arlene nginitian niya ko..at dahil nakakahawa siya..ngumiti din ako tapos si olibeth binuggo ko bilang pag bati at as usual dinaldal ko. Tapos maya maya nag papaforwad si ab at armie sabi ni ab sa harap ka..sabi ko bakit? Sabi ni armie forward ka..lahat daw ng maliliit sa harap para makita...tapos ginatungan pa ni arlene sabi ni arlene kath...maliit..haha...tapos nginitian ko siya nung parang naaasar at dahil takot ako kay armie sinunod ko na lang sabi ko sige na nga...at parang tangang naglalakad papaharap...nung nakarating na ko ganito po ang pwesto olibeth sa harap niya si arlene sa harap ni arlene ako sa harap ko si bianca sa harap ni biancasi anna. Tapos sabi niya haha...maliit! Haha! Tapos tumawa lang ako sabi ko bat nandito ko di naman ako MPH eh..tapos yung itsura ko parang na mamaktol na ewan..sabi niya MPH ka..malapit na parang MPH ka na...tapos hinawakan pa tenga ko..parang pingot pero hawak lang..basta ganun! Tapos sabi ko hindi naman dapat ako dito eh...sabi niya dito ka...maliit ka eh...haha...tapos nag sad face na lang ako tapos kinalabit ko si bianca binuro ko hanggang sa daldalin nako ni bianca may pagkamadaldal din to eh..pero mahinhin tas habang nag uusap kami itong si arlene may sinasabi nagsasalita eh...pano ko nalaman kung ako ba talaga kausap? NUng hindi ko nililingon hinawakan niya na yung right braso ko gamit ang kanyang dalawang kamay at pinisil pisil ito na may gigil pang kasama kaya habang kausap ko si bianca natatawa ko...nababaliw na ata siya...hehe..
BINABASA MO ANG
"When I Meet Her"
RandomAng kwento na to true story ang kwento po na ito ay kay katherine garcia kaya title ay when i meet her kasi nag iba lahat ng makilala ko siya.......