sim (>_<)

2 0 0
                                    


March 9 2017

HELLO!!!!! UMAGA NANAMAN!!! Haha!! Nauna ngayon si jore sakin umupo ako sa tabi niya pero may space tapos dumating na si tabalan tumabi sakin tapos naisip ko kahapon laging nakaupo si arlene sa lapag kapag dumadating..hindi ko naman pwedeng sabihin kay tabalan na umalis ka diyan para tabi kami ng baby ko! Syempre hindi ko pwedeng gawin yun..ano yun wala nang manners?! Kaya ang ginawa ko naupo ako sa lapag at pinaupo ko si porscha sa pwesto ko tapos naka sandal ako kay tabalan habang nag babasa at kumakain ng chocolate kahit malat nako-.- di ko mapigilan..sarap eh..

Tapos  di nagbabasa ko naka angat phone ko para kita ko na kung nandun na siya tapos nakita ko na siya na papalapit na sakin pero hindi ko tinitingnan malaki nga kasi sakop ng mata ko kaya yun..pero di malaki mata ko no-.- tapos naglapag siya ng bag sa tabi ko tas naupo sa harap ko tiningnan ko siya at ngumiti,ngumiti din siya pero tipid lang badtrip ata kaya nagbasa na lang ulit ako. Habang nag babasa ko kinausap niya ko bigla sabi niya wag ka na magtetxt dun sa number ko ha. Napatigil ako sa pagbabasa..biglang bumilis tibok ng puso ko..shocks..bakit? Tumingin ako sakanya nag kunot noo sabi ko bakit? Hindi naman nako nag tetxt sayo ah. Sabi niya kaya nga...baka magtxt ka sakin..nasira kasi yung sim ko..in case lang.. sabi ko ah.. tapos nag phone na lang ulit ako..grabe kinabahan ako dun..kala ko kung ano nanaman ginawa ko..whooo..nakakakaba talaga kapag alam mong may ginagawa kang kalokohan..psh..

Tas nagpapasama siya sakin sabi niya samahan mo ko kay ma'am..may bibigay lang ako. Tapos in-off ko yung phone ko at tiningnan siya may kinuha siyang itim na parang medyas eh di ako sure sabi ko ano yun? Sabi niya basta..alam niya na yun. Tapos tumango tango na lang ako..K po..hehe..tas tumayo na kami para maglakad papuntang room..hindi pa kami nakakalayo bigla siyang umiyak..pero joke lang..nag kwento siya sakin sabi niya naiinis ako! Nasira yung sim ko! Pag uwi ko bigla na lang ayaw gumana! Nung umaga ang ayos ayos pa nun! Tapos biglang ganun! Sabi ko oh? Anong nangyari?! Sabi niya hindi ko alam..naiinis nga ako eh! Hindi ko na mabubuksan yung facebook tsaka messenger ko! Kasi naman eh! Kung alam ko lang na ganun hindi ko na ni register yung number ko dun! Tapos paranh iiyak na talaga siya! Haha! Grabe putok ng buchi nito! Haha! Sabi ko bili ka na lang bago. Sabi niya nakabili na nga ako..pero yung facebook ko talaga eh! Gusto ko sana  sabihin “hindi mo kasi pinahalagahan" pero tinawanan ko na lang siya...haha.. tas nasa tapat na kami ng room pero malayo pa..madilim parang wala pa..sabi ko wala pa ata..madilim eh..sabi niya nandyan na yun..silipin mo nga..tas sabi ko wala pa..taa hinawakan ko siya sa likod para makadaan ako sa kabila magtatapon ako sa basurahan eh kinakain ko pa din kasi yung chocolate sabi niya tingnan mo sa loob nandun na yun nasa sulok nakaupo. Tas lumapit siya sakin edi sinunod ko yung sinabi niya nakasunod siya sakin sinilip ko tas nagulat ako nandun nga! May tao! Pano ba naman sobrang dilim sa loob pano mo malalamang may tao sobrang dilim sabi ko oo nga no! Nandito! Tapos natawa siya sa reaksyon kong na amaze sabi niya sabi sayo eh. Tas naglakad na kami para pumasok but this time nauuna siya tas kumatok siya pumasok ako sumandal sa gilid ng pinto sa pader at nagbasa ng wattpad sabi lang naman niya may ibibigau saglit lang yun. Tas mga 10 minuto na siguro kong naghihintay sa labas apaka tagal na ngangawit na paa ko dun para na nga kong baliw dun eh-.- well hindi naman totally kasi hawak ko naman phone ko..hanggang sa..bumukas yung pinto niluwa si arlene pero hindi ko pinansin at nag phone lang sabi niya bat nandyan ka..pumasok ka dito...tapos hinawakan niya ko sa wrist yung wrist ko na may hawak na phone pag hawak niya yung kamay niya medyo dumaplis sa dibdib ko kaya napa atras ako konti feeling ko na feel niya din yung na feel ko kasi parang napatulala siya pero bumalik sa katinuan din agad sabi niya lika dito sa loob. Tapos hinahatak ako sa wrist ako naman hinahatak wrist ko sabi ko walang signal diyan. Sabi niya meron..nakakatawag nga ako dito eh. Tapos hindi nako nag pabebe pa at pumasok na lang pero hawak niya pa rin wrist ko habang pumapasok pagpasok at pag upo ko sa tabi lang ng pinto binitawan na niya ko at ngumiti ngumiti na lang din ako. Tas phone ulit nang kinausap ako ni ma'am sabi pwede na kayo magdala cellphone? Sabi ko opo.. sabi ni ma'am pinapayagan na kayo? Ngumiti lang ako at tumango. Tas nag usap sila ni arlene may pinag uusapan sila eh nadinig ko dun sa phone nga yung sira na sim niya tas yung isa sabi ni arlene ang hirap ma'am... sabi ni ma'am kaya mo yan..tapos nag reklamo ulit si arlene yun lang narinig ko feeling ko probleMa ni arlene yun..ano kaya yun? Lovelife? Or family? Hay...sana sakin na lang problema niya para hindi siya nahihirapan... madami pa silang pinag usapan nun naiinip na nga ako eh..gusto ko na mag paalam na “arlene balik na ko dun baka nandun na si claire" o kaya naman “arlene balik nako ha?" parang mas gusto ko yung pangalawang option kesa dun sa una..hehe.. pero syempre hindi ko sinabi ang rude ng dating sakin eh...

&quot;When I Meet Her&quot;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon